“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Nayume kay Mia nang umagang nadatnan niya ito sa loob ng kanilang kwarto na hawak-hawak ang noo nito. “Okay lang ako, ate. Medyo nahilo lang ako bigla,” pagtatapat naman nito sa kanya. “Sigurado ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala pa rin niyang tanong. Nilapitan niya ito saka niya dinama ang noo nito dahil baka may lagnat ito pero normal naman ang body temperature nito. “Okay lang talaga ako, ate,” giit pa nito. “Sabihin mo lang kung masama ang pakiramdam mo, okay?” Marahang napatango ang kanyang kapatid at saka na siya lumabas ng kwarto nilang magkakapatid. Naiwan si Mia na natutulala. Maraming katanungang gumugulo sa kanyang isipan. Mga katanungang hindi naman niya alam kung saan niya hahanapin ang magiging kasagutan. Wala naman si

