CHAPTER 20

1894 Words
Kahit alam niyang wala na ang kanyang nobyong si Paolo dahil umalis na itong hindi man lang nagpapaalam sa kanya ay sinubukan pa rin niyang kuntakin ito sa social media’s account nito sa pagbabasakaling makuntak niya ito pero hindi na niya nagawa pa. Malaki ang nawala sa kanya sa paglayo sa kanya ni Paolo. Mas lalong mahihirapan siyang harapin ang anumang darating sa kanya kinabukasan. “Kumusta ka na?” tanong sa kanya ni Liza habang nakaupo ito sa kanyang tabi habang nakatingin sila sa mga naglalaro sa field ng time na ýon. “Okay lang ako,” may kahinaang sagot niya habang nanatiling nakatuon ang kanyang mga mata sa mga estudyanteng naglalaro kahit na lumilipad naman kung saan ang kanyang isipan. “Nasabi mo na bas a kanila?” Bahagya siyang napayuko dahil sa naging tanong ni Liza sa kanya. Alam naman niya kung ano ang tinutumbok nito. “Hindi ko pa kaya at isa pa, hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa bagay na ýon,” pagtatapat niya sa kanyang kaibigan at naiintindihan naman siya nito. Kahit sino naman siguro ay mahihirapan talaga kapag napunta ito sa naging kalagayan niya ngayon. “Kailan mo balak sasabihin sa kanila ang tungkol diyan?” muli nitong tanong sabay nguso nito sa kanyang tiyan na hindi pa naman halata. “Hindi ko alam. Hangga’t kaya ko pang itago ang tungkol dito, gagawin ko,” sagot naman niya dahil ang nasa isipan niya ay ang kanyang ama na ilang taon nang nagpapakahirap para lang maitaguyod silang magkakapatid. Alam niyang masasaktan niya ito ng labis kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. “Talaga ba? Galing ba talaga kay James ang sulat na natanggap ni Irish?” Sabay na napatingin sina Liza at Mia sa tatlong babaeng estudyanteng nag-uusap na nasa bandang likuran nila na tila ba sinasadya pang iparinig sa kanila ang naging usapan ang mga ito. “Oo, nakita ko nga ang pangalan ni James. My god! Kinikilig ako para sa kanya,” tili ng isa sa mga ito at hindi alintana kung may nakakarinig ba sa mga pinag-uusapan ng mga ito. “Bagay naman talaga silang dalawa dahil pareho silang may lahing magaganda at gwapo hindi kagaya ng iba diyan na sarili lang din niya ang nagagandahan sa kanya at may lakas-loob pang makipagrelasyon kay James kahit hindi naman siya nababagay du’n,” pahayag ng babaeng napakaarte kung kumilos. Nakatuon ang mga mata ng mga ito saka walang pag-aalinlangang napairap na siyang ikinainis ni Liza. Mabilis niyang pinigilan ang kaibigan sa kamay nito nang akma ba naman itong lapitan ang mga estudyanteng ýon para turuan ng leksiyon. “Hayaan mo na. magkakagulo lang tayo rito,” sabi niya at naiinis namang napatingin sa kanya si Liza na para bang hindi makapaniwala sa kanyang mga sinabi. “Nilalait ka na ng mga ýan tapos hahayaan mo lang?” iritadong saad ni Liza. “Ayaw ko ng gulo at isipin mo rin sana ang kalagayan ko, please.” Napatingin si Liza sa kanyang kamay na bahagyang humahaplos sa tiyan niyang hindi pa malaki. Naiintindihan naman nito kung ano ang ibig niyang sabihin kaya muli itong napaupo sa kanyang tabi. “Ýan ang tama. Dapat alam nila kung saan sila lulugar, hindi ýong kahit alam nilang hindi na sila pwede, sisisiksik pa rin,” pagpaparinig ng mga ito. “Dapat lang manahimik na lang sila kaysa naman sa makipagsagutan pa sila, eh alam naman nilang mali sila. Maling-mali,” dagdag pa ng iba. “Sumusobra na talaga ang---” “Liz, please,” agad niyang awat sa kaibigan habang nakahawak siya sa likod ng palad nito. Wala namang nagawa si Liza kundi ang hayaan na lamang ang mga ito. Tumayo siya at bahagya niyang hinila sa kamay si Liza para sana ay lisanin na lang ang lugar na ýon pero bago pa man sila nakalayo ay agad namang nagsalita ang mga ito. “Alam mo ba kung ano talaga ang dahilan kung bakit siya ang niligawan ni James?” tanong ng isang babae sa mga kasamahan nito habang ang mga mata ay sa kanila nakatuon. “Alam ko ýan noon pa. Patay na patay kasi ýan kay James, eh kaya siya pinatulan.” Bahagyang napapikit si Mia sa kanyang mga naririnig at nang muli niyang inihakbang ang kanyang mga paa papaalis ay muli na namang nag-usap ang mga ito. “At ang sabi pa ni James, huh. Pagsasawaan lang niya ang babaeng ýan pagkatapos ay iiwan na lang na para bang basahan.” “Kaya ba umalis na lang bigla si James?” pa-inosente pang tanong ng isa. “Ano pa nga ba?” pabalik na tanong ng kasama nito. “Hindi pa ba kayo titigil o baka gusto niyong ako na ang magpapatahimik sa inyo?!” galit na singhal ni Liza sa mga ito ng hindi na ito nakatiis pa. “Bakit ka ba nagagalit? Inaano ka ba namin?” mataray na tanong ng isa sa mga ito na siyang lalong nagpakulo sa dugo ni Liza. “Matapos niyo kaming paparinggan, tatanungin niyo kami kung ano ang ginawa niyo?” “Wala naman kaming pangalang binanggit, ah!” “Ganyan talaga ýan, besh kapag tinamaan,” singit ng isa sa mga ito. “Ah, ganu’n?” tanong ni Liza sabay lapit sa mga ito at walang pag-aalinlangang sinabunutan ang isang babaeng malapit dito. “Aray, ano ba?!” gulat na tanong ng babaeng sinasabunutan ni Liza. “Ayaw niyo talagang tatantanan ang kaibigan ko, huh? Ito ang bagay saýo!” bulyaw nitog habang kinakaladkad ang babae sa buhok nito. “Liza, tama na!”awat ni Mia. Gusto niya itong awatin pero natatakot naman siyang lumapit sa mga ito dahil baka mapa’no ang nasa sinapupunan niya kung makikisali siya. “Bitiwan mo ‘ko!” galit na sabi ng babaeng hawak-hawak ni Liza at dahil may mga kasama ito ay hindi na nakaligtas pa si Liza sa maraming sabunot na maaari nitong matanggap mula sa mga ito nang pinagtulung-tulungan ito. “Tama na!” mangiyak-ngiyak na awat ni Mia pero hindi pa rin nagsitigil ang mga ito. Patuloy pa rin sa pagsasabunot. Naaawa na siya kay Liza dahil tatlo ang tumutulong para sabunutan ito samantalang mag-isa lang ito. Nagkaroon siya ng pag-asa ng makita niya si Arvind na nagmamadaling lumapit sa kanilang kinaroroonan. “Arvind, please awatin mo sila,” pakiusap niya kay Arvind na hinihingal pa dahil sa ginawa nitong pagtakbo palapit sa kanila. Wala na itong sinayang pang sandali, agad nitong inawat ang apat na babae pero talagang nahihirapan ito dahil mag-isa lang din ito. “Liza, please!” umiiyak ng tawag niya sa kaibigan. Masakit kasi para sa kanya na napapaaway si Liza dahil sa kanya. Hindi naman niya ito kinaibigan para lang may sasalo sa lahat ng sakit na hindi naman niya inaasahang darating sa kanya. “Stop! What are you doing?!” galit na sigaw ng kanilang principal na bigla na lang dumating sa eksena. Nagsitigil ang mga ito at naaawa namang napatingin si Mia sa kanyang kaibigan na gulong-gulo na ng buhok at halos masira na ang suot nitong blusa. Dali-dali namang nilapitan ito ni Arvind saka itinakip dito ang polong suot-suot nito kanina para lang matakpan ang gusot-gusot nitong blusa dahil sa nangyari. Dinala ang mga ito sa principal’s office at saka masinsinang kinausap ng kanilang principal. Mabut na lang din at may tumawag sa kanilang principal at ibinalita ang nangyayaring sabunutan kaya nagmamadali itong pumunta. Mabuti na lang at napaaga ang pagdating nito dahil kung nagkataon ay hindi na niya alam kung ano ang magiging kahihitnan ng kanyang kaibigan. “Anong nangyari?” nag-aalalang salubong niya kay Liza nang nakalabas na ito mula sa principal’s office. “Masaya. Kita niyo kung papaano ko sinabunutan ang mga iyon? Lamang lang sila dahil tatlo sila pero kung nagkataong paisa-isa lang, talagang talo sila sa akin,” nagmamayabang pa nitong saad habang nasa loob sila ng clinic at siya na ang kusang naglilinis sa sugat nito at si Arvind naman ay tahimik na nakaupo lang sa tabi habang nakamasid sa kanila. “Aray!” biglang sigaw ni Liza nang bigla ba naman niyang idiniin ang hawak niyang cotton sa pasa nito. “Galit ka ba?” tanong nito sa kanya. Inalis niya ang cotton sa pasa nito saka seryosong tiningnan niya ang kaibigan. “Ano ba talaga ang sinabi saýo ng principal?” bahid ng pagkainis ang boses na tanong niya. “Maglilinis daw ako ng cr mamaya bago ako umuwi,” seryosong sagot nito sa kanya pero hindi naman niya nakikita sa mukha nito ang pagsisisi sa ginaw nito. “Hindo mo dapat ginawa ýon. Hindi mo na sana pinatulan ang mga iyon,” aniya. “Anong gusto mong gawin ko? Makikinig lang ako sa mga sinasabi nila? Hahayaan ko lang silang lait-laitin ka? Ganu’n ba ýong gusto mo?” “Nag-aalala lang naman ako saýo. Papaano kung hindi kayo kaagad naawat? Ano ang mangyayari saýo? Sa tingin mo ba, kakayanin ýon ng konsensiya ko?” maluha-luha niyang tanong dito. “Naiintidihan kita pero sana naman ay intindihin mo rin ako. Noon pa, kilala mo na ako. Ayaw kong hayaan ang mga ýon na lait-laitin ang kaibigan ko lalo na kung naiinggit lang sila kung bakit ikaw ang niligawan ni James at hindi sila,” pahayag nito saka ito napatingin sa nananahimik na si Arvind, “Teka nga! wala ka pa rin bang balita sa mabait ming kaibigan?” tanong nito. “Sorry pero wala talaga, eh,” sagot nito na may kasama pang pag-iling. “Anong nangyari? Okay lang ba kayo?” Napatingin silang lahat ng sabay sa may pintuan ng biglang dumating si Mark. “Okay lang kami, dude pero itong si Liza, puro pasa ang mukha. Ang tapang kasi,” pahayag ni Arvind sa kararating lang na kaibigan. “Pero kita niyo naman kung papaano ko isinubsob ang mga mukha ng mga ýon, di ba?” pagmamayabang pa ni Liza kahit na kitang-kita namang mas dehado ito kumpara sa tatlo. “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ýang kayabangan mo,” saad ni Arvind. Sanay na bangayan ang mga ito pero kahit na ganu’n ay magkakasundo pa rin. Hindi naiwasan ni Mia ang titigan ang kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na dahil sa kanya ay sasapitin nito ang ganu’ng sitwasyon na may ngiti pa rin sa mga labi at mga labi pagkatapos. Hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyayari sa kanya kung sakali mang hindi dumating sa buhay niya si Liza. Maswerte siya pagdating sa kaibigan pero hind isa pag-ibig! Nang gabing ýon ay hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang narinig nilang sinabi ng tatlong babae kanina habang nag-uusap. “Talaga ba? Galing ba talaga kay James ang sulat na natanggap ni Irish?” naaalala niyang saad ng mga ito. Muling nanariwa sa kanyang isipan ang eksena kung saan nakita niyang yakap-yakap ni James si Irish bago ito lumisan. Ano nga ba ang relasyon ng dalawa? May relasyon ba ang mga ito nang higit pa sa kaibigan na hindi niya alam? Naaalala naman niya kung papaano siya pinaaalalahanan ni Liza noon na huwag agad-agad magtitiwala sa mga taong kakakilala lang pero hindi siya nakinig. Karma na nga ba niya ‘to? Masisisi ba siya kung talagang inakala niyang tunay na kabaitan ang ipinakita sa kanya ni Irish noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD