CHAPTER 19

2005 Words
“B-buntis ang kaibigan namin, doc?” hindi makapaniwalang tanong ni Liza sa doctor habang si Mia naman ay hindi makagalaw mula sa kanyang hinihigaan. Hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig mula sa doctor na sumuri sa kanya. “Yes, she’s pregnant,” ulit pa ng doctor. Sapat na dahilan para maniwala na ang dalawa sa narinig. “Alam ba ng mga magulang mo ‘to?” baling ng doctor kay Mia. “Doc, salamat po sa impormasyon na ibinigay niyo,” agad na singit ni Arvind nang walang natanggap ang doctor mula kay Mia dahil hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak niya ang lahat. “Kami na po ang bahala sa kanya,” dagdag pa nito habang si Liza naman ay lumapit sa nabigla pa ring kaibigan. Walang nagawa ang doctor kundi ang umalis na lamang mula sa kwartong kinaroroonan nila at nang marinig nilang lahat ang pagsara nu’n ay saka na lang nagsidaluyan ang mga luha ni Mia sa magkabila niyang pisngi. Nag-aalala namang napalapit sa kanya ang kanyang kaibigan na hindi siya maiwan-iwan. Niyakap siya ni Liza habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ng doctor. Hindi iyon halos pumasok sa kanyang isipan. Hindi na niya tuloy kung ano ang dapat niyang gawin o kung papaano niya maso-solve ang problemang dumating sa kanya. Oo, alam niyang hindi imposibleng darating sa kanya ang problemang ýon pero ang hindi lang niya akalain ay kung bakit sa pagkakataon pa kung kailan, magulo ang lahat para sa kanya. Napatingin si Liza kay Arvind habang yakap-yakap pa rin niya si Mia nang tumunog ang phone nito. “Dude, bakit?” tanong ni Arvind sa kaibigan niyang si Mark na siyang tumatawag sa kanya. “Where’s Mia?” tanong naman nito mula sa kabilang linya. Napatingin si Arvind sa kinaroroonan ng dalawang babae at napakunot naman ang noo ni Liza dahil sa kanyang ginawang paglingon sa mga ito. “She’s here. Why?” muli niyang tanong. “James is in the airport now.” “What? Why?” nagtatakang tanong niya. Napatingin naman sina Mia at Liza sa kanya ng marinig ng mga ito ang kanyang boses na para bang nabigla sa sinabi ng kaibigan. “He’s going home,” diretsang sagot nito. “Are you sure? But why?” “Arvind, bakit?” hindi na nakatiis na tanong ni Liza habang si Mia naman ay nagtataka na rin. “I don’t know. Basta ang alam ko lang, aalis na raw siya. Uuwi na raw siya sa kanila.” Nasagap lang din ni Mark ang impormasyon na ýon galing lang din sa isa niyang naging kaibigan sa klase na nakakita kay Paolo na papaalis na. “Arvind, ano ba?” naiinis na tanong ni Liza sabay agaw sa phone nito, “Ano bang meron?” walang pag-aalinlangang tanong ni Liza matapos niyang Mabasa mula sa screemn ng phone ang pangalan ni Mark “James is in the airport right now and he’s going home.” “What?!” gulat na tanong ni Liza sabay lingon sa kaibigan niyang nakamasid na rin sa kanya. “Aalis si James,” sabi niya kay Mia. Dahil sa narinig ay mabilis na bumaba mula sa higaan ang dalaga saka niya agad na tinakbo ang pintuan ng kwartong ýon. Ni hindi na niya pinansin pa ang mga kaibigan. Hindi niya kayang tuluyan siyang iiwan ng lalaking mahal niya lalo na ngayong buntis siya. Hindi niya alam kung papaano niya haharapin ang buong katotohanang mag-isa. “Mia!” tawag niya sa kanyang kaibigan at nagtataka naman si Mark mula sa kabilang linya nang marinig nito ang pagtawag dito ng kaibigan. “You have to stop your friend from leaving,” sabi ni Liza kay Mark habang nagtatarantang napasunod siya kay Mia habang si Arvind naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Mabilis na ibinalik ni Liza ang phone ni Arvind dito nang pareho na silang nasa labas ng kwartong nasa hospital. “Dito ka lang muna. I-settle mo muna ang mga babayarin ni Mia, babayaran lang kita mamaya kung magkano ang magagastos mo. Susundan ko lang saglit ang kaibigan ko dahil baka kung ano na ang gagawi nito,” bilin ni Liza at kahit na hindi pa nakasagot si Arvind ay mabilisang iniwan na niya ito. Naguguluhan namang napasunod na lamang ang mga mat ani Arvind kay Liza habang lakad-takbong nilapitan nito ang main door ng hospital. “Dude,” tawag niya kay Mark na nasa kabilang linya pa rin at nakikinig sa naging usapan nila. “What’s wrong? Bakit nasa hospital kayo?” nagtataka ring tanong ni Mark. “I will tell you later but for now, please help us to stop James from leaving,” saad ni Arvind. “Alam mo namang hindi maganda ang relasyon ko du’n kaya sigurado akong hindi ýon makikinig sa akin.” “But you need to try. Try to stop him first saka mo na lang muna iisipin ang tungkol sa relasyon na ýan,” nagpa-panic na saad ni Arvind na siyang lalong dumagdag sa curiosity ni Mark. Alam kasi niya na kapag ganu’n si Arvind ay talagang may kinatatakutan ito o ikinababahala. “Dude----” “Mia is pregnant!” pasigaw niyang sagot habang si Mark naman ay sobrang nabila. “What? But, why? How?” “Ano pa nga ba sa tingin mo?” pabalik niyang tanong. Gusto pa yata ni Mark na idetalye ng lahat kung papaanong nabuntis si Mia. “So, you have to stop James from leaving,” muling saad ni Arvind sa “He won’t listen to me. Alam mo naman kung ano ang relasyon namin ngayon. Sigurado akong bubulyawan lang ako nu’n o di kaya, pagtatawanan lang,” pagrarason naman ni Mark. Wala namang nagawa si Arvind para sa bagay na ýon dahil totoo naman. Galit si Paolo rito kaya sigurado naman talagang hindi ito makikinig dito. “You have to try,” pagpupumilit pa niya saka na niya ibinaba ang tawag ng kaibigan. Matapos niyang i-settle ang hospital bill ni Mia ay sinubukan niyang tawagan si Paolo pero out of coverage ito. “s**t!” mura niya ng maaalala niyang hindi na pala ginagamit ni Paolo ang phone number na nasa kanya kaya hindi na niya ito makuntak pa. Habang sa kabilang banda naman ay hingal na hingal na pilit na hinahabol ni Liza ang kanyang kaibigan pero mabilis itong nakasakay ng taxi kaya mabilis din siyang pumara ng masakyan at pinasundan niya ang taxi’ng sinasakyan ng kanyang kaibigan. “Manong, bilisan mo naman,” natatarantang utos ni Mia sa taxi driver pero dahil ma-traffic ay hindi agad nakasingit ang sinasakyan niyang taxi. Sinubukan niyang tawagan si Paolo pero lalo na lamang siyang nawawalan ng pag-asa ng mapagtanto niyang iba na pala ang phone number nito matapos nitong ibato ang phone nito sa kalsada noong nag-away ang mga ito. “Mia, huminto ka na,” sabi ni Liza mula sa kabilang linya nang tawagan siya nito. “Kailangan ko siyang maabutan. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa sitwasyon ko,” umiiyak na niyang saad. Naninikip ang kanyang dibdib sa isiping iiwan na siya ng lalaking pinangarap niya. “Please lang, maawa ka sa sarili mo. Huminto ka na,” pagpipigil pa sa kanya ng kaibigan pero buo na ang kanyang desisyon. Nakahanda siya sa kung ano ang magiging kahihitnan ng lahat nang ‘to basta ang mahalaga sa kanya ay ang malaman ni Paolo ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ang tungkol sa kanilang anak. “Wala ka ng aabutan sa airport,” masakit na saad ni Liza mula sa kabilang linya na siyang nagpatigil sa kanya saglit. “Anong ibig mong sabihin?” nagtataka niyang tanong habang patuloy pa rin sa pagtakbo ang taxi’ng kanyang sinasakyan. “Nakaalis na siya. Nakalipad na ang eroplanong sasakyan niya.” Tikom ang bibig ni Mia matapos niyang marinig ang sinabi ni Liza, “Katatawag lang ni Mark at sinabi niyang nakaalis na raw si James sabi ng nakakita sa kanya. Kaya please lang, patigilin mo na ang taxi’ng sinasakyan mo,” pagpapatuloy pa nito. Lalong nagsilandasan ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya akalain na ganu’n lang kadali para kay Paolo ang iwan siya kahit na hindi pa nareresolba ang anumang conflict na namamagitan sa kanilang dalawa. Napahagulhol na lamang siya habang parang sinasaksak naman ang kanyang puso sa sakit na nadarama. Hindi niya inaasahan na magtatapos ang mala-pantasya niyang pag-iibigan sa isang kabiguan. Hindi niya akalaing isa lang din pala siya sa mga bidang babaeng napanood niya na nagtapos sa masakit na paraan ang buhay-pag-ibig. Akala niya sa piling ni Paolo niya matatagpuan ang mala-fairytale na pagmamahalan pero hindi pala. Maling-mali pala siya. “Manong, ihinto niyo,” saad ni Liza sa taxi driver nang makita niyang napahinto ang taxi’ng sinasakyan ni Mia. Mabilis siyang umibis matapos niyang bayaran ang metro niya at maya-maya lang ay nakita na rin niya ang paglabas ni Mia sa kabilang taxi. Nag-aalalang agad niya itong nilapitan, “Mia?” tawag niya rito at napayakap naman kaagad sa kanya ang kaibigan nang makita siya. Lalo itong napahagulhol ng iyak. Awa naman ang kanyang nadarama para rito pero kagaya ni Mia ay wala na rin siyang magagawa pa sa pag-alis ni Paolo. Kahit na wala siyang katagang naririnig mula kay Mia, alam niyang labis na itong nahihirapan sa sitwasyon nito lalo na sa kaalamang buntis ito. Kung nasa harapan lang sana niya si Paolo, malamang bugbog-sarado na iyon sa kanya. Naiinis talaga siya rito. Kung alam lang sana niyang ganu’n lang din pala ang sasapitin ni Mia sa mga kamay nito ay inilayo na sana niya mula rito ang kanyang kaibigan para naman hindi na nito dadanasin ang ganu’ng sakit. “Bakit ganyan ang mukha mo?” salubong ni Nayume sa kanyang kapatid ng nakauwi na ito galing sa school nito. Ginabi ito at ang sinabi ni Liza sa kanya ng tawagan niya ito ay may project lang silang tinapos kahit na hindi naman pala totoo. Hindi na rin pumayag si Mia na ihatid pa ng mga ito dahil baka iiyak lang din siya at ayaw din naman niyang mas lalo niyang makikita mula sa mga ito na naaawa sa kanya. Kasalanan niya kung bakit humantong siya sa ganitong sitwasyon niya kaya hindi siya dapat kaawaan ng mga ito. “Pagod lang ako, ate,” pagrarason niya. Totoo namang pagod siya pero hindi ang kanyang katawan kundi ang kanyang puso. “Magpapahinga lang po ako,” sabi pa nito saka siya nito nilagpasan. Napakunot ang kanyang noo dahil hindi naman ganu’n sa kanya ang kanyang kapatid. Noon kasi kapag nakikita siya nitong kauuwi lang ay magtitili ito sa galak at saya. Yayakap pa sa kanya ng mahigpit na para bang ayaw na siya nitong bitiwan sabay halik sa kanyang pisngi pero iba naman ang ipinakita nito sa kanya. “Baka pagod lang talaga ang kapatid mo,” narinig niyang saad ng kanyang ama mula sa kanyang likuran. Napansin kasi ni Leon na nakatitig ang anak sa papalayo nitong kapatid. “Pero, iba ang kutob ko, pa. Hindi kaya may problema ýang anak mo, hindi lang niya masabi-sabi?” “Kilala mo ang kapatid mo. Walang tinatago ýon sa atin lalo na saýo. Lahat ng nangyayari sa buhay nu’n, sinasabi saýo kaya huwag kang mag-isip ng ganyan. Magtiwala ka sa kapatid mo. Hindi ýon gagawa ng ikakasama niya.” Naitakip na lamang ni Mia ang kanyang palad sa kanyang bibig para hindi siya makahikbi. Habang nag-uusap kasi ang kanyang kapatid at ang kanyang ama ay lihim naman siyang nakikinig sa mga ito habang nakakubli siya sa pader ng kanilang bahay. Mas lalong hindi na niya alam kung papaano niya sasabihin sa mga ito ang tungkol sa totoo niyang sitwasyon. Mas lalong nahihirapan siyang haharapin ang kanyang kalagayan. Masyadong malaki ang tiwala sa kanya ng kanyang ama kaya kung sakali mang malaman nitong buntis siya, siguradong sasabog ito sa sakit at pagkabigong idudulot niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD