Nag-aalalang napalapit si Liza sa kanya at saka siya napayakap dito nang mahigpit. Humagulhol siya ng iyak habang yakap-yakap siya ng kanyang kaibigan.
Wala sa kanyang isipan na aabot siya sa ganitong sitwasyon. Hindi niya aakalain na dahil sa isang eksenang hindi naman talaga niya ginawa ay masisira ang buong pagkatao niya, masisira ang kanyang dignidad at moralidad bilang babae at bilang isang indibidwal.
Ang malaking tanong ngayon na nasa isipan niya ay kung sino ang may pakana ng lahat. Kung sino ang nag-upload ng video kung saan makikita siyang katabi ni Mark habang nakatingin sa kanila si Paolo pati na ang ibang nandu’n ng mga sandaling ýon.
“Kailangang mabura na kaagad ang video’ng ýon,” pahayag ni Liza habang yakap-yakap niya si Mia. Napakalas naman ang kanyang kaibigan mula sa pagkakayakap nito sa kanya saka nito pinahiran ang mga matang puno ng luha.
“Para saan pa? Sigurado namang napanood na ýon ng lahat,” masakit na saad nito.
Inis na nagpakawala ng buntong-hininga si Liza, “Ang tanong ngayon, sino ang may kagagawan ng bagay na ‘yon. Napakawalang-hiya talaga. Gusto talagang manira ng tao. Alam kong inggit lang ýan saýo at hindi matanggap kung bakit ikaw ang niligawan ni Paolo at hindi siya,” litanya nito.
“Fake account ang nag-upload ng videdo,” saad naman ni Arvind matapos nitong tingnan ang profile ng nag-upload ng video.
Wala itong profile picture at walang information na nakalagay sa profile nito. Malinis na malinis at talagang pinlano ang lahat.
“Iisang tao lang ang nasa isipan ko na pwedeng gumawa nu’n.” napatingin silang dalawa kay Liza at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay pumasok sa utak ni Mia si Irish dahil alam naman niyang si Irish ang tanging salering naiisip ni Liza. Alam naman niyang noon pa man ay hindi na nito gusto ang kanyang kaibigan.
“Si Irish ba ang tinutukoy mo?” tanong niya rito at marahan naman itong tumango bilang sagot sa kanyang tanong.
“Siya lang ang nasa isipan ko ngayon na pwedeng may gawa ng lahat ng ‘to.”
“Pero, tanda ko pa ngang kinausap niya ang lahat ng naging bisita niya para huwag silang mag-ingay tungkol sa nangyari kaya imposible naman kung siya ang may gawa nu’n,” singit ni Arvind.
“Gaano ba kahirap ang magkunwari, Arvind?” tanong ni Liza rito at wala naman itong nasabi pa. kahit sino naman kasi ang kayang magkunwari lalo na kung desperado na talaga sa gagawin.
“Wala tayong sapat na ebidensiya para masabi nating siya nga ang may gawa. Alam ko namang mabait siyang tao kaya hindi niya magagawa ang bagay na ýon,” pagtatanggol pa niya rito.
“Ang problema saýo, masyado kang mabait kaya hindi mo na alam kung inaabuso ka na ba o hindi,” nakataas ang kilay na turan ni Liza at bago pa man nakapagsalita ulit si Mia ay naagaw naman ang kanyang atensiyon ng mga estudyanteng babae na dumaan sa malapit sa kanila.
“Nasa mukha talaga ni James ang stress dahil sa nangyari. Sana, magiging okay lang siya,” saad ng isa sa mga ito.
“Sayang at aalis na siya sa school natin, crush ko pa naman siya. Hindi ko na siya makikita pa,” sagot naman ng isa.
Nagkatinginan ang tatlo sa narinig na kapwa nagtataka kung ano nga ba ang pinagsasabi ng mga ito.
“Mia, sandali!” sigaw ni Liza sa kanyang kaibigan na agad ba namang tumakbo papalayo sa kanila.
Mabilis naman niyang hinablot sa braso si Arvind saka nila sinundan si Mia na para bang ayaw nang magpapigil pa sa katatakbo sa kadahilanang hindi naman nila alam.
“Mia, sandali lang!” muling tawag ni Liza rito pero hindi talaga ito nakikinig sa kanila.
Napahinto si Mia sa labas ng paaralan ng makita niya ang taong gusto-gusto na niyang kakausapin para makapagpaliwanag tungkol sa mga nangyari. Kasalukuyan itong kausap ng kaibigan niyang si Irish at ang nagkatigagal sa kanya ay ang walang babalang pagyakap ni Irish sa kanyang nobyo na may kasama pang paghalik sa pisngi nito.
“Grabe ka naman kung makatakbo, ang bilis mo talaga. Bakit ka nga ba tumakbo?” hinihingal na tanong ni Liza nang maabutan na siya nito. Napahinto ito at nagtatakang wala itong natanggap na tugon mula sa kanya.
Napatingin ito sa braso nito ng hawakan ito ni Arvind at nang tingnan nito si Arvind ay ininguso naman ng kasama ang dahilan kung bakit wala itong natanggap na sagot mula sa kanya. Napatingin sa direksiyon na kanyang tinitingnan si Liza at napaawang na lamang ang mga labi ng kanyang kaibigan sa nasaksihan nito.
Halos hindi ito makapaniwala sa nakitang ibang babae ang kayakap ng kanyang nobyo imbes na siya.
Nakatalikod sa kanila si Paolo habang si Irish naman ang nakaharap sa kanilang direksiyon pero mukhang hindi naman sila napapansin nito dahil naka-fucos ang atensiyon nito kay Paolo.
“Mga taksil ýon, ah!” bulalas ni Liza sabay angat ng paa nito para lapitan sana ang dalawa na siya namang pagkalas ni Irish mula sa pagkakayakap nito sa kanyang nobyo.
Agad na pinigilan ni Arvind si Liza bago pa man ito magawa ng iskandalo sa kanilang school habang si Mia naman ay halos hindi makagalaw sa nasaksihan at maya-maya lang ay kasabay ng muling pagdaloy ng kanyang mga luha ay ang dahan-dahan na paghakbang ni Paolo papalapit sa kotse nito.
Nang nakapasok na ang kanyang nobyo sa kotse nito ay agad naman siyang tumalikod para naman hindi niya nito mapansin. Kahit na gusto niya itong habulin at kausapin ay hindi na niya nagawa pa dahil labis siyang nasaktan sa kanyang nakita. Naisip din niya na siguro mas masakit pa sa kanyang nararamdaman ng mga sandaling ýon ang nadama ni Paolo nang makita siya sa tabi ng kaibigan nitong nakahubo’t-hubad pa.
Para tuloy siyang kinarma dahil sa nangyari.
Napapikit na lamang siya nang marinig niya ang pag-ugong ng sasakyan ni Paolo nang papalayo na ito habang dumadaloy pa rin ang kanyang mga luha. Gusto niyang humagulhol sa sakit na nadarama pero hindi naman niya magawa.
Nagkatinginan sina Arvind at Liza na kapwa hindi alam kung ano ang dapat na gawin. Naaawa na talaga ng labis si Liza sa kanyang kaibigan pero wala naman siyang magagawa para rito.
Nang ihahakbang na sana ni Mia ang kanyang mga paa papaalis sa kanilang kinatatayuan ay may iilang estudyanteng napadaan sa kanila habang nag-uusap. Napahinto ang mga ito nang makita nito si Mia. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa habang pilit naman siyang umiiwas ng tingin dahil sa basa niyang mga mata.
“Why are you looking at her that way?” inis na tanong ni Liza sa mga ito.
“Sa porma niya, masasabi ko ring tama nga ang sinabi ni James,” saad ng mga ito saka makabuluhang nagtawanan habang pasimpleng sinusulyapan si Mia na nanatiling nakayuko pa rin.
“Anong pinagsasabi niyo?” nagtataka namang tanong ni Arvind, “Anong sinabi ni James?” dagdag nito.
Pati si Arvind ay nacu-curious na rin sa mga naririnig tungkol sa kanyang kaibigan.
“James told us that he never loved that woman,” maarteng sagot ng mga ito saka bahagyang tinaasan ng kilay si Mia nang mag-angat ng mukha ang dalaga.
“Anong sinabi mo?” taka ring tanong ni Liza.
“Sabi ni James, hindi talaga niya minahal ang kaibigan mo, pampalipas-oras lang siya nito,” singit ng isa sa mga ito.
“Kahit kailan, hindi naman talaga siya magugustuhan ng isang James dahil hindi kagaya niya ang hinahanap ni James,” turan pa ng isa sabay tawa ng nakakainsulto.
“Sabi pa niya, walang pinagkaiba si Mia sa mga babaeng dumaan sa buhay niya, kaladkarin daw,” dugtong naman ng isa pa.
Napatawa ang mga ito habang si Mia naman ay lalong sumama ang kalooban sa mga naririnig.
“Anong sabi mo?!” pabulyaw na tanong ni Liza habang nakakuyom ang mga kamao nito habang si Arvind naman ay nakayuko at malalim ang iniisip.
“Bakit ka nagagalit?” nakataas ang kilay na tanong ng isa sa mga ito kay Liza, “Nagsasabi lang kami ng totoo, Liza. Sinasabi lang namin kung ano ang mga sinabi sa amin ni James. Mabuti nga ýong alam na ng kaibigan mo kung sino nga ba talaga siya sa buhay ng lalaking minahal niya.”
“If we were you, Mia tigilan mo na ang damdamin mo para kay James dahil ang totoo ay sinasakyan ka lang niya dahil alam niyang dead na dead ka sa kanya,” baling ng mga ito kay Mia habang si Mia naman ay muling napaiyak dahil hindi na nito nakayanan pang muling pigilan ang kanyang nagbabadyang mga luha.
“Stop it,” awat ni Liza sa mga ito dahil nasasaktan na siya sa paghihirap ng kanyang kaibigan.
“Pampalipas oras ka lang niya, hindi ka ba naaawa sa sarili mo?” painsultong tanong ng mga ito na siyang lalong nagpaagos sa mga luha ni Mia. Tila ba hindi nito naringin ang pagsuway ni Liza kaya ng hindi na nakapagtimpi pa si Liza ay bigla niyang dinakma ang buhok ng isang babaeng kumakausap kay Mia ng mga sandaling ýon. Kahit nakita ng mga ito ang mga luha ng dalaga ay patuloy pa rin sa mga masasakit na sinasabi ang mga ito. Mukhang natutuwa pa ang mga bruha habang nakikitang nahihirapan ang kanyang kaibigan.
Napasigaw naman sa sakit ang babaeng sinabunutan niya. Agad namang nakisali ang iba pa at pinagtulung-tulungan siya ng mga ito kaya talong-talo talaga siya. Mabilis naman ang naging aksiyon ni Arvind para awayin silang lahat.
Nang hindi na kinaya ni Arvind ay humingi na siya ng tulong sa ibang estudyanteng dumaan at mabuti naman ang tumulong ang mga ito habang si Mia naman ay gulong-gulo ang isipan at hindi kayang tanggapin ng kanyang utak ang lahat ng kanyang mga narinig.
Napagewang siya nang bigla siyang nakadama ng pagkahilo. Unti-unting nandilim ang kanyang paningin at pakiramdam naman niya ay umiikot ang kanyang paligid habang patuloy pa ring nakikipagrambulan si Liza sa mga estudyanteng ýon.
“Mia!” sigaw ng isa mga nandu’n nang makita nito ang biglaan niyang pagbagsak sa lupa. Dahil sa malakas na pagsigaw ng estudyanteng ýon ay napatigil sina Arvind sa kakaawat kina Liza habang sina Liza naman ay agad ding napatigil sa kakarambol.
“Mia!” nag-aalalang tawag ni Arvind sa dalaga nang makita niya itong nakahandusay sa lupa. Agad niya itong nilapitan habang si Liza naman ay agad na tumayo at kahit gulong-gulo pa ang buhok niya ay mabilis niyang nilapitan ang kinaroroonan ng kaibigan.
“Mia” muling tawag ni Arvind sa dalagang wala ng malay.
“Mia,” tawag naman ni Liza habang nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata. “Arvind, please buhatin mo siya dadalhin natin siya sa clinic,” saad nito na agad namang sinunod ng kaibigan.
Agad na binuhat ni Arvind si Mia saka mabilis na dinala nila ito sa clinic ng school. Pero, dahil wala ang nurse ng araw na ýon ay minabuti na lamang nila at dahil na rin sa payo ng mga gurong nakakita ay dinala nila sa pinakamalapit na hospital si Mia.
Makalipas ang ilang sandali ay nagising na rin si Mia at isang maputing kapaligiran ang sumalubong sa kanyang paningin.
“My god! Thank you, you are awake,” nakangiting saad ni Liza nang mapansin nito ang bahagyang paggalaw niya. Nakita rin niya sa tabi nito si Arvind na nakangiti rin nang makitang gising na siya, “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kanya at nang sasagot na sana siya ay siya namang pagbukas ng pintuan ng room na kinaroroonan niya at iniluwa iyon ng doctor na nag-asikaso sa kanya.
Bahagyang umatras ang dalawa para bigyan ng daan ang doctor na makalapit sa kanya.
“How are you?” tanong nito sa kanya.
“Medyo masama pa rin ho ang pakiramdam ko, doc,” pagtatapat naman niya rito.
“Doc, kumusta po ang kaibigan ko?” singit ni Liza.
“Just want to tell you, you need to take care of yourself çause you are 6 weeks pregnant.”
Sabay na napaawang ang mga labi nina Arvind at Liza sa narinig habang si Mia naman ay halos hindi na makagalaw mula sa kinahihigaan nito.