Habang naglalakad si Mia sa loob ng school campus ay kakaiba ang tinging ipinupukol sa kanya ng ibang mga estudyanteng nadadaanan niya. Para siyang isang criminal dahil sa paraan ng pagsipat ng tingin ng mga ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Nagtataka siya at hindi niya maiwasang mag-isip ng dahilan kung bakit ganu’n ang naging tingin sa kanya ng mga ito pero hindi naman niya mawari dahil wala siyang ibang alam na dahilan para tingnan siya ng ganu’n.
May mga bulung-bulungan siyang naririnig pero hindi naman niya iyon binigyan ng pansin dahil hindi naman niya alam kung para saan ýon at kung para kanino ýon.
Ang mahalaga sa kanya ng mga sandaling ýon ay ang makausap ang nobyo na hindi na naman nagpaparamdam sa kanya kagaya ng ginawa nitong panggo-ghosting sa kanya mahigit isang buwan na ang nakaraan. More than a month din siyang nagtitiis para rito. More than a month din siyang naghintay sa muling pagbabalik nito mula ng mawala ito sa kadahilanang hindi naman niya alam hanggang sa mga sandaling ýon. Nang bumalik na ito ay du’n pa sa pagkakataong hindi naman niya inaasahan. Sa pagkakataong hindi naman niya inaasahang mangyayari sa kanya.
Kahit na may pakiramdam siyang may nasagap na masamang tsismis ang bawat estudyanteng nadadaanan niya ay pinilit pa rin niya ang kanyang sariling huwag na lang pansinin ang mga iyon dahil wala naman siyang magagawa, wala naman siyang mapapala mula sa mga ito. Sakit lang ng puso kung saka-sakali man.
Habang naglalakad siya sa pasilyo ng school ay nagpapalinga-linga siya sa pagbabasakaling mahagip ng kanyang mga mata si Paolo sa tabi-tabi pero hindi niya iyon makita. Ang nobyo na kahit ilang beses na niyang sinubukang tawagan ay hindi pa rin niya makuntak. Pinuntahan niya ito sa room nito pero hindi niya ito nakita du’n. Tanging si Arvind lamang ang kanyang natanaw na nakaupo sa upuan nito kung saan madalas nito nakakatabi si Paolo habang si Mark naman ay nakapwesto sa bandang likuran ng dalawa. Ang ipinagtataka rin niya ay pati si Mark ay hindi rin niya makita sa lugar na ‘yon. May problema kaya? May nangyari kayang hindi niya alam?
Nang patalikod na siya para umalis na lamang dahil hindi naman niya nakita ang taong hinahanap niya ay saka naman siya nakita ni Arvind. Hindi naman siya nito nagawang tawagin para kausapin dahil nasa harapan ng mga ito ang guro at abala sa pagdi-discuss kaya walang nagawa si Arvind kundi ang sundan na lamang siya ng tingin habang papalayo siya mula sa kinaroroonan nito.
Lihim na napabuntong-hininga na lamang ito. Naaawa ito pero wala naman itong magagawa para sa kanila.
Alam ni Arvind na si Paolo ang pinunta ni Mia pero kagaya ni Mark ay hindi pumasok si Paolo. Si Mark hindi pumasok dahil sa pas ana natanggap nito galing kay Paolo. Nahihiya naman ito sa pasang natanggap mula kay Paolo at baka pagpiye-piyestahan naman ito ng mga tsismoso at tsismosang mga estudyante para tanungin kung bakit it nagkapasa at pumutok ang gilid ng labi nito habang si Paolo naman ay wala siyang ideya kung bakit hindi ito pumasok. Matapos kasi nitong ihampas sa sementadong daan ang phone nito ay wala na siyang alam na paraan para kuntakin ito. Sinubukan niya itong puntahan sa bahay nito pero hindi siya nito hinarap. Si Lola Auring lamang ang humarap sa kanya habang panay ang hingi ng paumanhin nito dahil sa hindi paglabas ng apo nito.
Hindi na rin siya nagpumuilit pa dahil kahit na anong gawin niya ay alam naman niyang wala na siyang magagawa pa. Alam niyang hindi talaga siya kakausapin ng kanyang kaibigan dahil nakita naman nito kung papaano niya sinubukang ipagtanggol ang side ni Mark dito.
“Huwag mo nang sayangin ang panahon mo sa katatawag sa nobyo mong makitid ang utak.”
Napalingon si Mia sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang kaibigang si Liza habang naglalakad ito papalapit sa kanyang kinaroroonan ng mga sandaling ýon. Kasama nito si Arvind at mukhang kaka-break lang nito mula sa klase nito.
“He broke his phone last night kaya hindi mo na siya makukuntak pa sa phone number niya,” pahayag ni Arvind saka ito umupo sa isang malapit na bench.
Nagtatakang napatingin si Mia kay Arvind, “Bakit, anong nangyari?” kunot-noong tanong niya rito.
“Mark tried to explain everything to him but he burst because of his anger kaya wala na kaming nagawa kundi ang hayaan na lamang siya kung ano ang kanyang iisipin dahil kahit na ano pang gagawin namin ay hindi na siya makikinig pa sa amin,” pahayag ni Arvind.
Nadidismayang naibaba ni Mia ang kanyang kamay na may hawak ng phone dahil sa kanyang narinig mula kay Arvind habang si Liza naman ay nanatiling tahimik at nakikinig sap ag-uusap nilang dalawa.
“Alam naming galit lang siya kaya siya nagkakaganu’n at naiintindihan naman namin ýon. Sana, maiintindihan mor in siya, Mia. Kahit sino naman sigurong nasa kalagayan niya na makikita niya ang kanyang girlfriend na katabi ang bestfriend niya na praehong nakahuabd ay malamang sasabog din sag alit,” mahaba-habang litany ani Arvind at bahagya naman itong siniko ni Liza na para bang sinusuway.
“Alam naman nating lahat kung gaano kasakit ýong makita mo ang taong mahal mo sa tabi ng iba pero tama ba ang ginawa niyang huwag makinig sa mga paliwanag?” tanong ni Liza sa naiinis na boses.
Nakapulupot ang dalawang braso nito sa harapan nito nang umupo ito sa tabi ni Arvind.
“Kasalanan ko, eh. Kung hindi sana ako nagpadala sa nararamdaaman kong sakit sa biglaan niyang pagkawala, hindi sana ako naglasing. hindi sana kami aabot sa ganu’ng sitwasyon,” maluha-luhang saad ni Mia habang nakayuko. Pilit na pinipigilan ang mga luha mula sa pagdaloy dahil nandu’n ang dalawa sa kanyang tabi at may iilan ding mga estudyanteng dumadaan sa kanilang kinalalagyan ng mga sandaling ýon.
“Bakit ng aba siya biglang nang-ghost?” tanong ni Liza, “May sinabi ba siya sa inyo kung bakit bigla na lang siyang nawala?” baling nito kay Arvind.
“Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong pag-usapan ang tungkol sa bagay na ýon dahil sa mga nangyayari,” matapat na sagot ni Arvind.
“Ang pinagtataka ko lang talaga, papaano nalaman ni James na nandu’n tayo? Nandu’n si Mia?” nakataas na kilay na tanong ni Liza.
Napaisip na rin si Mia sa naging tanong ng kanyang kaibigan saka niya naaalala kung saan niya nakuha kinaumagahan ang kanyang phone ng araw na ýon. Sa loob lang din ng kwarto kung saan sila ni Mark nahuli ng lahat na magkatabi. Wala naman siyang napansing kakaiba sa kanyang phone. Wala naman siyang napansing may gumalaw nu’n kaya wala sa kanyang isipan na may gumawa ng kakaiba ng mga sandaling ýon para lang siraan siya o sirain ang relasyon niya kay Paolo.
“Ano bang ibig mong sabihin? Wala naman sigurong gagawa ng masama, di ba?” pabalik niyang tanong sa kaibigan.
“Mia, alalahanin mong marami ang naghahabol sa boyfriend mo. Marami ang nagkakagusto kaya nang naging kayo, marami rin ang nagalit at naiinggit saýo,” wika ni Liza habang nakatingin ito sa kanya habang si Arvind naman ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Naaalala kasi niya ang picture na ipinakita ni Paolo sa kanilang dalawa ni Mark kagabi bago nito ibinato ang phone nito.
“Anong iniisip mo?” tanong ni Liza rito nang mapansin nito ang pananahimik niya at nagtataka namang napatingin sa kanya si Mia.
“Naaalala ko lang kasi…” aniya habang nakakunot ang kanyang noo, “…may picture na ipinakita sa amin ni Mark si James kagabi. Picture ninyong dalawa ni Mark,” dagdag niya saka siya nag-angat ng tingin at tinapunan niya ng tingin si Mia na nagtataka na rin dahil sa kanyang sinabi rito.
Wala kasing natatandaan si Mia na may picture siyang kasama si Mark at kung mayroon man, sigurado naman siyang hindi lang silang dalawa kundi kasama ang kanilang mga kaibigan lalo na si Paolo.
“Anong picture?” nagtatakang tanong ni Liza.
“Picture nilang dalawa kung saan yakap-yakap siya ni Mark habang pinapakalma siya dahil umiiyak siya dahil sa nangyari ng araw na ýon.”
Bumalik sa ala-ala ni Mia ang sandali kung kailan niya malakas na sinampal si Mark dahil sa galit niya at sa sakit matapos sabihin sa kanya ni Paolo na wala na sila, na tapos na ang anumang namamagitan sa kanila ng araw na ýon.
Naningkit ang mga mata ni Liza matapos manariwa sa kanyang ala-ala ang nangyari. Napatingin siya sa kanyang kaibigan na naguguluhan na rin ng mga sandaling ýon.
“Ngayon, sabihin mong wala ngang traydor sa grupong ýon,” saad niya pero wala namang katagang lumalabas sa bibig ni Mia dahil hindi pa rin nagiging malinaw ang lahat sa kanya, “Sigurado akong pinlano rin ang nangyari sa inyo ni Mark para may maipapakita silang matibay na dahilan upang magkasiraan kayong dalawa ni James,” walang prenong saad ni Liza.
“Hindi ba, siya ýong babaeng girlfriend ni James tapos nahuling may katabing ibang lalaki?”
Sabay silang tatlo sa dalawang babaeng nag-uusap habang ang mga mata ng mga ito ay nakatuon sa kanilang kinaroroonan na nagsasabi lang na sila nga ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Siya nga ýon. Ang pagkakatanda ko Mia Buenavista ang pangalan niya,” may pabulong pang sagot ng isa. Pabulong na halos buong school campus naman ang nakakarinig.
Nakakunot ang noo nina Arvind at Liza nang tinapunan nila ng tingin si Mia na nakayuko lang ng sandaling ýon habang nakikinig sa iba pang sinasabi ng dalawang babaeng nag-uusap.
“Hindi na nahiya. Ang kapal talaga ng mukha. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya nababagay kay James, eh. Ang gwapo-gwapo kaya ni James tapos papatol lang sa kagaya niya? Di hamak na mas maganda pa naman ako diyan,” nadidiring saad ng isa sa mga ito na siyang nagpainit sa dugo ni Liza.
Agad siyang napatayo para sana ay harapin ang dalawa pero naging maagap naman si Mia sa pagpigil sa kanya.
Napatingin siya sa kanyang kaibigan at nakita niya ang marahan nitong pag-iling para sabihing huwag na niyang patulan ang mga iyon.
“Akala mo talaga kung sinong malinis, makati rin pala. Mantakin mong pinagsasabay pa niya ang magkaibigan,” saad ng isa sa mga ito na may kasama pang nakakainsultong tawa.
“Lumabas din ang tunay na ugali. Higad din talaga,” segunda naman ng kausap nito.
“Hindi ba kayo titigil o baka gusto niyong ipapakain ko sa inyo ang kamao ko!” galit na sigaw ni Liza nang hindi na ito nakapagtimpi. Naaawa na kasi ito sa mga ginagawa ng mga babaeng ýon sa kanyang kaibigan habang si Mia naman ay nanatili ang pagigng mapagkumbaba kahit na naaapakan na ng mga ito ang pagkatao nito.
“Totoo naman ang mga sinasabi namin, ah! Dahil kung matino ýang kaibigan mo, hindi ýan tatabi sa ibang lalaki lalo na sa kaibigan pa ng nobyo niya!” matapang na sagot ng isa sa mga babaeng ýon.
“Hinddi niyo alam kung ano ang totoong nangyari kaya wala kayong karapatang manghusga ng tao,” pagtatanggol pa ni Liza sa kaibigan.
“Alam namin dahil nakita namin.”
Napakunot ang noo nilang tatlo dahil hindi naman nila maaalalang kasama ang dalawang babaeng ýon sa nangyaring party noong kaarawan ni Irish.
“Bakit kaya hindi niyo na lang panoorin sa school chat lounge? Hindi niyo ba alam na kalat na kalat na ‘yon?” saad ng mga ito saka agad ding nagsialisan matapos sabihin ang mga iyon.
Natataranta namang binuksan ni Liza ang kanyang phone at ganu’n na rin si Arvind upang tingnan kung totoo nga habang si Mia naman ay pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay sa takot na baka nagsasabi nga ng buong katotohanan ang dalawang ýon.
Napatingin siya kay Liza nang makita niya ang pagkabigla nito matapos matingnan ang phone nito at ganu’n na rin ang naging reaksiyon ni Arvind.
Nag-aalalang napatingin ang dalawa sa kanya habang ang mga luha naman niya ay dahan-dahan na dumaloy sa magkabila niyang pisngi.