Napasunod ang mga mata ni Leon sa kauuwi lang niyang anak. Wala ito sa sarili at mukhang may malalim na problema. Napangiti pa ito nang makita at magmano sa kanya pero ramdam niya na may problema ito kahit na hindi man nito sabihin sa kanya.
Kilala niya ang kanyang anak kaya hindi na nakapagtataka kung kahit sa kilos lang ay alam niyang may kakaiba rito.
Dumiretso ito sa kwarto nito sak nagkulong. Nagtataka siya sa inasal nito gayong hindi naman ganito ang anak na kilala niya. Masiglahin ito at palangiti sa kanya pero ibang Mia ang kanyang nakita rito. Gusto man niya itong usisain pero naisip niyang pagod pa ito kaya huwag muna sa mga sandaling ýon. Papahingain muna niya ito saka na niya ito uusisain. Hindi siya matatahimik kung hindi niya malalaman kung ano ang problema nito kung sakali mang mayroon.
Samantalang walang tigil sa kaagos ang mga luha ni Mia nang nasa loob na siya ng kanyang kwarto. Hirap na hirap na siya kanina sa kapipigil sa kanyang sariling emosyon kaya nang nakapasok na siya sa loob ng kanyang kwarto ay mabilis na umagos ang kanyang mga luha. Napaiyak siya nang walang boses dahil ayaw naman niyang maririnig siya ng kanyang amang si Leon dahil baka mag-aalala lang ito sa kanya. Ayaw din naman niyang malaman nitong isang lalaki ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
Hindi siya sanay na ipaalam sa kanyang ama ang tungkol sa ganyang bagay. Ni minsan ay hindi talaga niya sinubukan i-share rito ang tungkol sa kanyang pakikipagnobyo kaya awkward talaga para sa kanya. Close siya sa ama pero pagdating sa ganu’ng mga bagay ay mas komportable siyang sa Ate Nayume siya magsusumbong o mas mabuti sana kung buhay pa ang kanilang ina.
Dumapa siya sa ibabaw ng kanyang higaan habang nakasubsob ang kanyang mukha sa unan para mas maitago niya mula sa kanyang ama ang kanyang pag-iyak. Humagulhol siya habang napapahigpit ang pagkakahawak niya sa bedsheet na para bang doon siya kumukuha ng lakas para naman mailabas niya ang sama ng kanyang kalooban.
Alam niyang nagkamali siya, nagkamali siya kung bakit nagising siyang hubo’t-hubad sa tabi ni Mark pero alam naman ng Diyos na wala siyang alam tungkol sa bagay na ýon. Alam ng Diyos na kahit kalian ay walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Mark.
Alam niyang nagkasala siya sa relasyon nilang dalawa ni Paolo pero wala na ba siyang karapatan para bigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at mapatunayan na kahit kailan ay wala talaga sa kanyang isipan ang lukuhin ang nobyo? Wala na ba siyang karapatan para bigyan ng pangalawang pagkakataon?
Kinuha niya ang kanyang phone saka niya sinubukang tawagan si Paolo pero hindi na niya ito makuntak kagaya ng nangyari noong bigla na lang itong nawala. Lalong umaagos ang kanyang mga luha habang paulit-ulit niyang idinadayal ang phone number ng kanyang nobyo pero nabigo lamang siya dahil kahit na halos malo-lowbat na ang kanyang phone ay hindi pa rin talaga niya makuntak si Paolo. Naiintidihan naman niya ito kung bakit ganu’n na lamang ang galit nito sa kanya pero dapat bang hindi siya nito pakikinggan muna?
Naibaba niya ang kanyang kamay na may hawak ng phone habang walang tigil sa kadadaloy ang kanyang masasaganang mga luha. Napatihaya siya sa ibabaw ng kanyang higaan at napatitig siya sa kisame ng kanyang kwarto habang puno pa rin ng luha ang kanyang mga mata. Tumagilid siya saka niya dahan-dahang ibinaluktot ang dalawa niyang mga binti habang ang kanan niyang kamay ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang damit sa bandang kaliwang dibdib nito.
Ang hirap pala ang umiyak na pinipigilan ang paghikbi ng malakas, mas lalong sumisikip ang kanyang dibdib, mas lalo siyang nahihirapan.
“Bakit?” tanging tanong na sumagi sa kanyang isipan habang umiiyak. May magagawa pa ba siya? Wala na. hanggang pag-iyak na lamang ang kaya niyang gawin ng mga sandaling ýon pero nanatili pa ring positive ang kanyang puso ng maiintindihan din siya ni Paolo at alam niyang mahal siya nito. Alam niyang pakikinggan siya nito. Alam niyang tatanggapin pa rin siya nito sa kabila ng nangyari. Alam niyang kagaya niya ay hindi siya nito kayang mawala sa buhay nito.
Hindi nga kaya? O baka siya lang ang nakakaramdam ng ganu’ng pakiramdam? Alam naman ng maraming babaero si Paolo at kahit na mawala siya ay marami pa rin naman itong pwedeng ipalit sa kanya. Pero, sana naman ay hindi iyon mangyayari dahil alam ng Panginoon kung gaano niya ito kamahal, kung gaano ito kahalaga sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung mawawala ito sa kanya. Mahal niya ito. Mahal na mahal!
Sa kabilang banda naman ay agad na pinuntahan ni Mark ang kanyang kaibigan sa bahay ng lola nito para naman ay makapagpaliwanag sa nasaksihan nito ng araw na ýon. Oo, lasing siya ng gabing ýon pero kahit na ganu’n, bilang lalaki ay alam niya kung nagalaw ba niya ang isang babae o wala at naniniwala siyang walang namagitan sa kanilang dalawa ni Mia pero ang malaking tanong na gumugulo sa kanyang isipan ay malawak ba ang isipan ni Paolo para makinig sa kanya at paniniwalaan siya sa kung anuman ang magiging paliwanag niya.
Kinakabahan man ay pilit pa rin niyang nilalakasan ang kanyang sarili para naman hindi masisira ang kanilang pagkakaibigan nang dahil lang sa isang hindi pagkakaintindihan at isa pa, ayaw naman niyang masira ang relasyon ng dalawa nang dahil sa kanya. Kaibigan siya ng mga ito kaya ayaw niyang isa siya sa mga makakasira sa pagsasama ng mga ito.
“Oy, Mark ikaw pala ýan,” nakangiting sabi ni Lola Auring nang mapagbuksan niya nito ng pintuan ng araw na ýon.
“Hello po, la. Nandiyan ba si Paolo?” agad niyang tanong. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa para naman ay maayos na ang lahat.
“Naku! Hindi pa nakakauwi mula kanina. Hindi ba kayo magkasama? Sabi kasi niya sa akin, pupunta daw siya sa resort kung nasaan kayo,” paliwanag ng matanda.
“Nauna kasi siyang umuwi, la. Akala ko kasi nandito na siya,” aniya habang may pilit na ngiting nakadungaw sa kanyang mga labi para hindi masyadong halatang kabado siya ng mga sandaling ýon.
“Pasensiya ka na talaga, apo. Wala pa talaga rito ang kaibigan niyo.”
“Okay lang po, la. Baka may pinuntahan lang na mahalaga,” saad naman niya, “Sige po, alis na po ako,” agad niyang paalam.
“Hayaan mo, kapag nakauwi na siya sasabihin ko agad sa kanya na naparito ka at hinahanap siya.”
“Sige po, la. Maraming salamat talaga. Alis na po ako.”
“Mag-ingat ka,” bilin pa ng matanda at tanging ngiti lamang anag naging sagot niya rito.
Nang nasa loob na siya ng kanyang sasakyan ay sandali siyang napaisip kung nasaan na si Paolo at kung saan na ito pumunta ng araw na ýon. Habang hawak niya ang manibela ng kanyang sasakyan ay napatingin siya sa unahan pero mukha namang wala siyang nakikita dahil ang lalim ng kanyang iniisip, ang layo ng lipad ng kanyang isipan.
Hindi na niya tuloy kung ano ang dapat niyang gawin dahil sa nangyari.
Napatingin siya sa kanyang phone nang bigla itong nag-ring at nang tingnan niya ay nakita niya ang pangalan ng kaibigan niyang si Arvind.
“Dude?” sagot niya rito.
“I saw him. He’s inside of a bar right now. Naglalasing,” balita nito mula sa kabilang linya.
“I will go there,” aniya saka niya agad na pinutol ang tawag ni Arvind.
Napapailing na naibaba ni Arvind ang kanyang phone. Sasabihan pa sana niya si Mark na kung maaari ay huwag muna itong magpapakita kay Paolo dahil sigurado siyang sasabog ito kapag nakita si Mark pero ano pa nga ba ang kanyang magagawa?
Alam naman niyang ayaw ni Mark na pinapatagal ang anumang alitan na namamagitan sa mga ito kaya alam din niya na kahit anong gawin niya ay hindi na niya ito mapipigilan pa.
Agad siyang umibis mula sa kanyang dalang sasakyan nang mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw niya ng pagparada ng sasakyan ni Mark sa tapat mismo ng bar kung saan nandu’n si Paolo, naglalasing.
“Dude!” agad niyang tawag sa kaibigang nagmamadaling naglakad para pumasok na sa nasabing bar. Agad na napalingon ang kaibigan sa kanya nang marinig nito ang kanyang pagtawag.
“Hayaan muna natin siya. Hihintayin muna nating huhupa ang galit niya dahil paniguradong magkakagulo lang kayo sa loob ng bar,” pigil niya rito. Kilala niya si Mark pero nagbabasakali lamang siyang makikinig ito sa kanya ng mga sandaling ýon.
Stress na stress na napabaling na lamang si Mark sa direksiyon kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Alam niyang gustong-gusto na nitong makakausap si Paolo pero nagkakagulo na rin ang takbo ng utak nito.
“I need to see him. I need to talk to him. I need to clarify everything he saw. I need to make it clear to him,” nababahala nitong saad. Kitang-kita sa mukha ni Mark na stress na stress na ito. Hindi ito mapalagay at hindi matatahimik kung sakali mang hindi nito makakausap si Paolo.
“But, you know him. He won’t listen to you if he’s mad.”
Kahit na alam ni Arvind na mapupunta lang sa wala ang pagpipigil niya kung ang kagustuhan pa rin nito ang masusunod pero sisikapin niyang pipigilan ang kaibigan para naman mapipigilan din niya ang anumang gulo na maaaring uusbong kapag nagkaharap ang dalawa.
“But, dude I don’t want to sleep tonight without explaining my side to him,” giit pa nito.
“Explain about what?”
Sabay silang napalingon sa bandang likuran nila ng biglang magsalita mula roon ang taong pinag-uusapan nila. Si Paolo!
Kahit na may kadiliman ang lugar na kinatatayuan nilang tatlo ay kitang-kita pa rin nila ang pamumula sa mukha ni Paolo dahil sa alak na nainom nito. Nakaguhit din sa mukha nito ang galit nang makita si Mark.
“Dude, I know I was wrong----”
“Mark!” malakas na sigaw ni Arvind nang biglang dumapo sa bibig nito ang kamao ni Paolo nang hindi nito inaasahan. Hindi na nito naituloy pa ang magiging paliwanag sana nito dahil sa ginawa ni Paolo. Bumagsak sa lupa si Mark dahil sa biglaang pagsuntok ng kanilang kaibigan. Nawalan ito ng balance na siyang naging dahilan ng pagbagsak nito.
Pero, hindi pa nakakabawi si Mark at hindi pa ito nakakabangon mula sa pagkakabagsak nito sa lupa ay galit na galit itong sinugod ni Paolo para muling suntukin pero bago pa man ito tuluyang mawala sa katinuan ay mabilis ang naging aksiyon ni Arvind. Mabilis niya itong hinawakan sa magkabila nitong braso at dahil lasing na ito ay hindi ito masyadong mapwersa para makawala sa kanya.
“You betrayed me!” bulyaw nito kay Mark habang si Mark naman ay pilit na makatayo saka nito binahiran ang pumutok na bahagi ng labi nitong tinamaan ng kamao ng kaibigan. Hindi rin naman niya magawang gumanti dahil may alam niyang nasuntok lang siya nito dahil sag alit.
“I’m so sorry. I didn’t intend to do that. I don’t have----”
“Sorry is enough para sabihing ginago niyo nga ako!” agad nitong putol sa iba pa sanang sasabihin ni Mark.
Sarado na ang isipan ni Paolo para sa magiging paliwanag ng kaibigan. Masyado na siyang nasaktan sa kanyang mga nakikita.