CHAPTER 14

1923 Words
Parang sinakluban ng lupa at langit si Mia habang nakatingin siya sa kanyang nobyong nakatitig sa kanya ng mga oras na ýon. Kung nabigla siya sa hindi nito inaasahang pagsulpot sa lugar na ýon ay mas lalo yata itong nabigla nang mapagmasdan siya sa ganu’ng ayos. “James,” nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan ng kanyang nobyo habang si Mark naman ay halos hindi makaimik sa eksenang ýon. Sina Liza at Arvind naman ay halos hindi rin makagalaw sa nasaksihan. Para silang nanonood nga drama kung saan nahuli ng lalaki ang nobya nitong nagtataksil sa kanya. Wala sa sariling hinila ni Mia ang kumot habang nakatakip iyon sa kanyang katawan saka siya nagmamadaling bumaba ng kama habang si Mark naman ay agad na hinila ang bedsheet upang itakip sa hubad nitong katawan. Agad niyang hinabol ang papalayong nobyo habang ang ibang nandu’n naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Mabilis na sumunod si Liza sa kanyang kaibigan habang si Arvind naman ay agad na nilapitan ang kanyang kaibigang shocked pa rin sa pangyayari. “James!” tawag ni Mia kay Paolo habang hawak-hawak niya ang kumot na nakatakip pa rin sa kanyang katawan. Mabilis na niya itong pinigilan nang akma n asana itong papasok sa sasakyan nitong dala. “Let me explain, please,” umiiyak na niyang saad pero galit namang agad na iniwaksi ni Paolo ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito. “Ano pa ang ipapaliwanag mo, Mia?! Ipapaliwanag mo ba sa akin kung paano kayo nag-s*x kagabi ni Mark, ganu’n ba?!” bulyaw nito sa kanya. Ni hindi man lang nito pinag-isipan ang mga salitang lumabas sa bibig nito dahil sa galit nang makita ang kaibigang nakahubad sa tabi ng nobya. “Hindi ko alam kung ano ang nang----” “Hindi mo alam kung papaano niyo pinagbigyan ang tawag ng laman niyo o baka hindi mo alam kung papaano niyo ako ginago?!” singhal nito nito na siyang lalong nagpaiyak kay Mia. Wala siyang matatandaan kung papaano siya nagising kinaumagahan na katabi na niya si Mark. Hindi niya alam kung papaanong pareho na silang hubo’t-hubad kinabukasan. “Maniwala ka. Hindi kita pinagtataksilan. Hindi kita----” “So, anong tawag mo sa ginawa niyo, Mia? Hindi ba pagtataksil na rin ýon?” Hindi na napigilan pa ni Paolo ang mapaiyak na lamang sa harapan ni Mia. Sa lahat ng naging karelasyon niya, kay Mia lang talaga siya tinamaan ng ganito kaya ganito kasakit para sa kanya ang malamang pinagtataksilan siya nito sa mismong kaibigan pa niya. Hindi matanggap ng kanyang puso at isipan ang eksenang nadatnan. Sana, hindi na lang siya pumunta. Hindi n asana niya nakita at nalamang ginagago na pala siya ng dalawa. Hindi sana niya mararamdaman sa unang pagkakataon ang ganitong sakit. Hindi na sana siya nagmukhang tanga kanina habang pinagmamasdan niya ang dalawang magkatabi sa ibabaw ng iisang kama. “James, makinig ka naman sa akin, please,” umiiyak pa ring pakiusap ni Mia at nang sinubukan niyang hawakan uli ang braso ng kanyang nobyo ay agad din naman itong umiwas sa kanya na para bang nandidiri. “Ngayon pa lang, tapos na tayo,” huling litanya ni Paolo na siyang nagpaawang sa mga labi ni Mia. Agad itong pumasok sa sasakyan nito at walang pag-aalinlangang pinasibad ito paalis habang si Mia naman ay nanatiling nakatigagal at hindi alam ang gagawin. Nang maramdaman niyang muli ang maiinit niyang mga luha na dahan-dahang umagos sa magkabila niyang pisngi ay saka lang siya natauhan. “James!” sigaw niya saka siya tumakbo at pilit na hinabol ang nobyo kahit na alam naman niyang imposible na niya itong maabutan pa lalo na at mabilis ang pagtatakbo ng sasakyang minamaneho nito. “Mia!” tawag ni Liza sa kanya saka siya nito agad na hinawakan sa kanyang braso upang pigilan sa kahahabol kay Paolo. “James! James!” paulit-ulit niyang tawag sa pangalan ng nobyo habang sinusundan ang papalayong sasakyang lulan nito. “James, huwag mo akong iwan! James!” muli pa niyang sigaw habang humahagulgol ng iyak. “Mia, tama na. Wala na si James. Umalis na siya,” mangiyak-ngiyak na saad ni Liza habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Hawak-hawak din nito ang ilang bahagi ng kumot na tumatakip sa kanyang katawan sa takot na baka malaglag iyon lalo na at wala na siya sa kanyang katinuan para maisipan pa ang tungkol sa kumot. Nang tuluyan nang nawala ang sasakyan ni Paolo ay saka lang napayakap si Mia sa kanyang kaibigan habang humahagulhol ng iyak. Halos ayaw huminto ang mga luha nito sa kadadaloy sa kanyang magkabilang pisngi habang si Liza naman ay hinahagod-hagod ang kanyang likuran para naman ay mapakalma siya nito kahit papaano. “James,” bulong niya sa pangalan ng nobyo habang umiiyak. Masakit talaga sa kanya ang ginawa sa kanya ng nobyo. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag kung ano nga ba ang totoong nangyari. Hindi niya matanggap na tinapos na nito ang anumang mayroon sila. Hindi niya matanggap kung bakit ganu’n na lang kadali para kay Paolo ang tapusin ang lahat. Hindi na rin niya napigilan ang sariling sisihin dahil kung hindi sana siya naglasing kagabi ay hindi sana mangyari sa kanya ang bagay na ‘to. Kung hindi lang sana siya nagpadala sa kanyang nadaramang sakit kagabi ay hindi sana sila hahantong sa ganitong sitwasyon. Wala namang nagawa si Liza kundi ang yakapin na lamang ang kaibigan. Kahit siya, hindi talaga niya maisip na magagawa iyon ni Mia. Hindi siya naniniwalang totoong may namagitan sa dalawa ng gabing ýon. Kilala niya ang kanyang kaibigan. Matino itong babae at hindi ito kagaya sa iba na sumusiping lang kung kani-kanino. May paninindigan si Mia at prinsipyo sa buhay kaya alam niyang hindi iyon magagawa ng kanyang kaibigan. Alam din niya kung gaano nito kamahal si Paolo kaya napaka-imposible kung maiisipan pa rin nito ang makipagsiping sa ibang lalaki. Sana nga, mali ang anumang nasa isipan niya ng mga oras na ýon dahil kapag nagkataon na totoo ang lahat ng kanyang mga pagdududa ay lintik lang talaga ang walang ganti! Tahimik naman sa kabilang banda si Mark habang nakaupo ito sa tabi ng dagat. Matapos ang eksena ay mas minabuti na lamang ng lahat na magsiayos na lang ng mga gamit para umalis na lamang. Ano pa ba ang igaganda kung mananatili pa sila ng ilang oras sa lugar na ýon? Mas mabuti na nga kung magsiuwian na lamang sila para naman ay makapagpahinga na rin at kalimutan kung ano man ang nangyari sa lugar na ýon. Kinausap na rin ni Irish ang lahat na kung maaari ay hindi na makakalabas sa lugar na ýon ang eksenang kanilang nabungaran sa pagsikat ng araw. Kinausap na rin niya ang mga ito na dapat wala ng iba pang makakaalam tungkol sa nangyari maliban sa kanila. Umaasa siyang mananatiling sekreto ang lahat para naman ay mapoprotektahan ang pagkatao ni Mia mula sa mga mapanirang tao, mula sa mga taiong walang ibang ginawa kundi ang mangialam sa buhay ng ibang tao. Nangako naman ang iba na siyang nagpasaya kahit papaano sa kanilang lahat. Matapos ayusin ang mga gamit ay nakita ni Arvind ang kanyang kaibigang si Mark na nakatungangang nakamasid sa dagat. Pinagmamasdan nito ang bawat paghampas ng alon kahit na alam niyang ang layo ng lipad ng utak nito ng mga sandaling ýon. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit kay Mark saka siya tumayo sa tabi nito. “Hindi ko alam kung papaanong nagising na lang akong nasa tabi ko na si Mia at pareho kaming wala ng saplot sa katawan,” pahayag nito habang nakatuon pa rin sa unahan ang tingin nito. “Kahit anong gawin ko, wala talaga akong matatandaang may nangyari sa amin,” dagdag pa nito. Ramdam ni Arvind na problema talaga si Mark ng mga sandaling ýon. Matagal na silang magkakakilala ni Mark, matagal-tagal na rin ang kanilang pinagsamahan. Sa bawat kalukuhan ay magkasama silang tatlo. Sa bawat kwelang nangyari kanilang buhay ay pareho silang saksi at alam niyang wala sa ugali nito ang mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba. Wala sa ugali nito ang pagtaksilan ang sariling kaibigan. “Hayaan mo, lilipas din ang lahat,” sabi niya rito, “Naniniwala naman akong hindi mo magagawa ang bagay na ýon,” dagdag pa niya habang si Mark naman ay nanatiling tahimik habang sa unahan nakatingin. “Mia!” Napalingon silang dalawa sa kanilang likuran nang marinig nila ang boses ni Liza na tinatawag si Mia na para bang pinipigilan ito sa kung anuman ang binabalak nitong gawin.  Malalaki ang mga hakbang na ginawa ni Mia palapit sa kanilang kinaroroonan at nang nasa harapan na nila ito ay isang mataginting na sampal ang inabot ni Mark mula rito na siyang ikinabigla ng lahat. “Baki? Bakit?!” Singhal nito kasabay ng paglandasan ng masasagana nitong mga luha sa magkabila nitong pisngi. Hindi magawang ibuka ni Mark ang kanyang bibig dahil hindi naman niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang sasabihin sa naging tanong sa kanya ni Mia. Mangiyak-ngiyak siya habang pinagmamasdan niya itong umiiyak. Hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang nangyari pagkatapos nitong habulin si Paolo, isa lang ang alam niya nasaktan ito nang labis kung ano man ang mga salitang binitiwan ng kanyang kaibigan. “Bakit mo ginawa ýon? Bakit?!” bulyaw pa niyo saka siya nito pinagsusuntok sa kanyang dibdib at nang sinubukan ni Arvind na awatin si Mia ay pasimple niya itong sinuway. Kung sa ganitong paraan lang ay mapagaan niya ang nararamdaman ni Mia ay tatangapin niya ng buong puso ang bawat suntok nito sa kanya. “Mahal ko si James. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko,” humihikbi nitong saad. Napahinto ito sa kasusuntok sa kanya at nakalapat sa kanyang dibdib ang kamao nitong ginamit nito sa pagsuntok sa kanya. “James,” bulalas pa nito sa pangalan ng nobyo. Naaawang napapikit na lamang si Mark at maya-maya lang ay dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo ni Mia patungo sa kanyang dibdib. Niyakap niya ito habang bahagya niyang hinahaplos ang likuran nito. Patuloy naman sa paghahagulhol ang dalaga habang nasa loob ito ng kanyang mga bisig. Maluha-luha namang nanatiling nakamasid si Liza sa kanyang kaibigan. Kahit na wala siya sa sitwasyon nito ay ramdam pa rin niya ang sakit na bumabalot ngayon sa puso nito ng mga sandaling ýon. “Mia?” tawag ni Irish dito. Agad itong napakalas mula sa pagkakayakap nito mula kay Mark saka ito mabilis na napayakap kay Irish habang nanatili pa ring umiiyak. “Ssshhh,tahan na. Everything will be alright,” saad nito habang hinahagod ang likuran ni Mia. Kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito dahil naramdaman nito ang simpatya ng mga kaibigan. Habang nasa biyahe sila ay walang imikan ang namagitan sa kanilang lahat. Walang gustong magsalita, walang gustong bumasag sa katahimikan na namamagitan sa kanila habang si Mia naman ay nanatiling tahimik sa tabi at nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyang minamaneho ni Arvind. “Ngayon pa lang, tapos na tayo,” parang sirang plakang bumabalik sa isipan ni Mia ang mga katagang ýon. Mga katagang hindi naman niya inaasahang maririnig mula mismo sa bibig ng lalaking mahal niya. Muli na namang dahan-dahan na umagos ang kanyang mga luha habang bahagya siyang nakatagilid mula sa mga kasama niya. Pinipigilan niya ang sariling mapasigok. Kahit masakit ay tinitiis niya pero ang hindi niya kayang tiisin ay ang isiping tinapos n ani Paolo ang anumang mayroon sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD