Habang tulala't nakaupo si Robin sa apat na sulok ng kanyang kwarto ay tila balisa siya at malalim nanaman ang iniisip, isang ordinaryong araw nanaman ang lumipas. Walang bago -- ganoon parin.
Napabalikwas siya ng tayo nang biglang may malakas na kumatok sa pinto at halos atakihin siya dito sa gulat -- kakakape na siguro to , turan pa ng kanyang isip. Binuksan niya naman ang pinto at linuwa nito ang matalik niyang kaibigan -- si Santi.
"Robin Sharon Paraiso..." Matalim na saad nito sa kanya , nakapameywang ito at halos mag dikit ang makakapal na kilay.
"Ano nanaman ba Aaron Santino Sy ?!" Nakangusong singhal rin ni Robin sa kanya, bigla naman itong bumulalas ng tawa at inakbayan sya nito.
"Bweset wag mo nga ako tawagin sa full name ko , kakairita eh." Dagdag niya pa rito.
"Bakit ang cool nga ng pangalan mo eh ! Robin Sharon .." Sabay gulo sa buhok niya.
"Avid fan masyado si Tita Chona nina Robin Padilla at Sharon Cuneta eh." Humagalpak naman ito sa kakatawa kaya malakas niyang binatukan ang kaibigan.
"Walang kaibi-kaibigan dito ha..kakainis naman to!" Tinulak niya pa ito.
"Joki lang eh ! Sensitive masyado Robi -- oh ito binilhan kita ng paborito mong pichi pichi!" , agad naman itong hinablot ni Robi sa kamay ni Santi.
"Yan kaya mahal kita eh , lagi may suhol wahahaha thanks chingkit !" sulsol niya pa rito .
Gwapong singkit nga naman talaga ang kanyang kaibigan, matangos ang ilong , mestizo at mas makinis pa nga siguro ito sa kanya , hanggang balikat lang sya nito kaya laging nakapatong ang siko ni Santi sa tuktok ng ulo niya. Si Santi ay isang nurse at kasalukuyang pinagsasabay ang pagtatrabaho at pagaaral para maging isang ganap na doctor sa isang sikat na unibersidad sa lungsod.
"Rob !!! Halika na dito , kain na kayo ni Santi!!" , malakas na sigaw ng kanyang ina.
"Grabe nasa second floor tayo tas ang lakas parin ng boses ni tita hahaha parang nakalunok ng megaphone." Tinaasan niya naman ito ng kilay.
"Isusumbong kita kay mama bahala ka jan!" , pagbabanta niya pa rito.
"Hoy ! Charot lang ! Tangina nito-- hoy Robi parang d naman to bff!" ,mabilis na tumakbo naman pababa si Robi kaya hinabol siya nito, hanggang sa makarating sila sa hapag-kainan.
"Ma , may sinabi sakin si Santi tungkol sayo!" , pinandilatan naman siya ng mata nito.
"Sabi ko maganda ka Tita ! wag kayo maniwala jan sa anak niyo baka sinisiraan niya na ako sa inyo!" , usal pa nito.
"Sus ! Manahimik na nga lang kayo ate at Kuya para naman kayong mga bata eh." Reklamo pa ng kapatid ni Robin na isang seven years old , natawa naman ang lahat.
"Sorry na po."
"Ito kasi si Robi nagalit pa tuloy si senyora !"
"Oh siya..tama na yan at kumain na kayo ng meryenda ."
May turon at kamoteque na ginawa ng ina ni Robin ang nakahain sa mesa , pati narin ang biniling pichipichi ni Santi para sa kanya at di mawawala ang coke haha endorser ampig.
"Nga pala , bat hindi ka pumasok sa trabaho ngayon at nagmumukmok ka lang sa lungga mo." Ngumunguyang saad sa kanya ni Santi.
"Eh nakakatamad , ginamit ko muna leave ko at bukas papasok rin naman ako."Pagsisigurado nito sa kanya.
"Hays nagsisenti nanaman yan Santi-- anak , buti nga at dumating ka." Malungkot na saad ng kanyang ina.
"Hindi ako nag eenjoy bilang receptionist nakakapagod ngumiti at tumayo lang." Nakangusong saad pa ni Robi.
"Edi wag kana mag trabaho , mag resign ka nalang ate!", singit pa ng bunso niyang kapatid na halos hindi na makapagsalita dahil kinain ba naman ang buong turon.
"Kaya nga ,galing ni senyora eh..May sasabihin ako sayo kaya ako naparito." singhal ni Santi.
"Ano nanaman yun?"
"Nakalimutan ko eh putek ! ano ba yun--- hays basta ! Ang sarap kasi nitong Turon at kamoteque mo tita eh!" , natawa naman ang ina ni Robi.
"Sus ! Sipsip nanaman." Pabirong usal pa niya sa kanyang kaibigan.
"Nag sasabi lang ng totoo." Inirapan pa siya nito.
Matapos nilang mag meryenda ay nag paalam na si Santi sa kanila pauwi dahil narin may klase pa ito sa gabi.
Hindi mawari ni Robi kung saan nakuha ng kanyang matalik na kaibigan ang kasipagan na meron ito , siguro kung siya nga ang nasa sitwasyon nito ay mag s-stick nalang siya sa pagiging isang nurse, pero pangarap talaga ni Santi ang maging isang doctor eh ,kahit na ayaw ng pamilya niya sa propesyong ito kasi gusto nilang magfocus siya sa kanilang business , half chinese kasi itong si Santi at half garter charot -- half Filipino.Pinaglaban niya talaga ang kanyang pangarap at nag w-working student pa dati at isang scholar noong college pa kami kasi nga hindi siya suportado ng kanyang pamilya. Ibang klaseng lalaki naman talaga itong si Santi , walang kapintasan ang mukha pati ugali, napakasipag pa. Kaya hindi niya maiwasan ang humanga si Robi sa kanyang matalik na kaibigan.
Siya naman ito tamang chill lang , kung tatanongin niyo si Robi tanging pag iling lang ang kanyang maisasagot. Pangarap niya dati maging isang field reporter ,nakapagtapos siya sa kursong MassCom kaso lang pagkatapos mismo ng graduation nila nalaman niyang may sakit siya kaya hindi pumayag ang ina niya na mag apply siya para sa propesyong kanyang pinapangarap ,she was diagnosed with aortic aneurysm , walang kasiguraduhan at walang gamot dito . Para siyang isang bomba na anytime ay sasabog at maglalaho sa mundong ito.
Ngunit, subalit , datapwat kailangang magpatuloy lang para narin sa ina niya at sa bunso niyang kapatid ,kaya kahit ayaw niya wala naman siyang choice at pinush nalang ang pagiging isang receptionist sa Sharrie Hotel.
Wala na ang papa niya saktong pagkatapos rin ng kanyang graduation , suportado siya nito dahil isa itong retired na sundalo. Nawala ito dahil sa atake sa puso , kaya siya nalang ang inaasahan ng pamilya niya.
"Anak.." Nabalik naman siya sa ulirat nang tawagin siya ng kanyang ina.
"Kung pagod kana sa trabaho mo ay mag resign nalang muna." Kita naman sa mata ng kanyang ina ang pag aalala.
"Ma naman, may sakit lang ako pero di pa ako mawawala. Hindi ako papayag!" ,natatawang saad niya pa rito.
"May kunting ipon pa naman ako dito eh , kaya pahinga ka muna."
"Itabi mo yan para kay Peachy , para sa tuition niya at isa pa wag kang mag aalala okay . Magaling kaya tong anak mo kaya pag pinaalis nila ako malulugi sila !", niyakap naman siya ng kanyang ina.
"Ang laki ng bebe ko , dati hinahagis pa kita." Natawa naman silang mag ina pareho.
"Hays nag d-drama nanaman kayo !" , singit uli ni Peachy , nanonood ito ng palabas nina Robin Padilla at Sharon Cuneta , nahawa narin sa ina. Kinurot nalang ito ni Robi sa pisnge , napanguso naman ito.