Prologue

299 Words
Binuklat ni Robi ang libro at nabasa niya ang alamat ng matsing kaya sinara niya ulit ito at humarap sa kanila . "Rob ito upuan !" Usal ni Kim at inilagay sa gitna ang monoblock chair. "Salamat koreano.." Kumindat lang ito sa kanya , umupo naman siya at tumikhim muna bago nagsalita. "Para akong si Lola Basyang.." Natawa naman ang lahat. "Anyways...narinig nyo na ba ang istorya ng langit at dagat ?" "Hindi pa po..." "Love story po ba yan ?" Napangiti naman si Robi. "Hindi ito love story.." "Simulan ko na!" Tumango naman ang lahat. "Sa malayuan akala natin nagtatagpo ang langit at karagatan , pero subukan mong tumingala ito'y imposible dahil sa layo at ilang milyang agwat na pumapagitna sa kanilang dalawa." "Pero dati magkadikit pa ang langit at dagat..ngunit naudlot ang kanilang pag - iibigan dahil sa isang trahedyang nangyari..." Bumuntong hininga naman si Robi. "Pinagbuklod sila ng tadhana , kasi hindi sila para sa isat isa.." "Ate Wobi ! batet po ende nila pinaglaban ang itat - ita.." Tanong ng isang batang babae. "Kasi yun ang tinadhana para sa kanila at hinding hindi mababago nang kung sino man ang tadhana." "Kaya pag umaalon , ibig sabihin ay namimiss niya ang kanyang sinisinta na si langit at pag umuulan ay umiiyak ang langit dahil sa pagkamiss kay dagat.." "Sa pamamagitan noon maipapahiwatig nilang dalawa na mahal nila ang isat - isa kahit magkalayo sila.." "Pero nagbago ang lahat nang dumating ang araw , hindi na kailanman umiyak ang langit..umibig ang langit sa araw at naiwang mag isa ang dagat , pero kahit gano'n masaya pa rin ang dagat at natutong kumalma kahit na sa kaloob - looban niya ay mahal niya parin ang langit at kahit na nalimutan ng langit na may dagat naghihintay sa kanya..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD