ALVIN'S POV
Nakarating na nga kami sa bahay at hindi na kame nag dinner at pinakain ko na lang ito sa mga tagabantay at yaya ko. Masaya ang araw ko kaya gusto kong magsaya sila ngayon.
" magsaya kayo ngayon, pagkatapos niyong gawin ang trabaho niyo gawin niyo na ang gusto niyo " sabi ko sa kanila " at mga pagkain na hinanda niyo kainin niyo na din, kung kulang pa magluto kayo ulet " utos ko at kita ko ang mga ngiti sa kanilang mga mukha.
" thank you sir " sabi nila at umalis na ako umakyat papunta sa kwarto. Aaminin kong medyo pagod ako dahil sa sobrang paglalakad kanina.
Nasa kwarto na nga ako at nakita kong andun si Ivan na nakabulakta sa kama ko ni hindi man lang nagbihis. Naku! Babuy talaga.
" Ivan! Gising! Bat ka natutulog na dyan! Gising! " sigaw ko habang niyuyugyog ko siya.
" mmhmm " tanging tunog niya.
" Ivan isa! Magbihis ka nga muna! Ang baho mo na! " kulit ko ulet. Gago to! Parang siya pa ang amo kesa sakin ahh.
" Alvin pagod ako. Bukas na! " siya
" anong pagod? Eh puro kain lang ginawa mo! Magbihis ka dun! Mag punas ka dun ng katawan. Ayokong may katabing amoy suka! " sabi ko at agad naman siyang tumingin sakin.
" grabe ka naman sa suka! Tabi nga dyan! Aalis na lang ako! " haha nagtampo.
" oh? Saan ka naman pupunta? " tanong ko
" bababa ako! Tabi! Iinom ako ng tubig " inis niyang sabi at agad naman umalis. Napangiti na lamang ako. Dilaan ko yang butas mo eh.
IVAN'S POV
Haist! Badtrip! Natutulog ang tao gigisingin pa talaga. Kainis!
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nagtaka ako dahil walang tao ni isa. Walang mga maid sa paligid kahit mga tagabantay dito naglayas na ba lahat dahil sa ugali nung gagung Alvin na yun.
Matapos kong uminom ng tubig ay naglakad muna ako sa labas ng garden at bigla akong nagulat sa nakita ko. Si Jacks! Nakatopless
" OMG! Sorry ! " biglang sabi ko at agad naman tumalikod.
" Sir Ivan ikaw pala. " tuwang sabi niya habang nakatalikod ako sa kaniya.
" b-bat ka nakatopless at naka shorts lang?. " hiyang tanong ko.
" pinayagan kami ni master na mag enjoy kami ngayong gabi. Kaya mag night swimming kami. First time to sir Ivan kaya lubos lubusan namin " tuwang sabi niya. Wow! Pinatagan sila nung mokong na yun? Humarap na muli ako sa kaniya syet! Plakado ang katawan niya bat ba tong naging tagabantay dito? Pang model naman ang katawan at itsura ng Jacks na to.
" wow. Buti naman " sabi ko pero hindi ko mapigilan ang wag tumingin sa abs ni Jacks. Umaandar talaga pagka berde ko.
" uy! Sir tingin sa taas wag sa baba " ngiting sabi ni Jacks.
" luh? H-hindi kaya noh. " hiyang wika ko.
" aysus! Hindi daw, pwede na ba ako pang model sir Ivan? " siya at tumingin lamang ako sa kaniya " hehe joke lang, halika sir Ivan dun tayo malapit sa pool at kain ka dun " aya niya at hinila naman ako bigla.
Andito na nga kame sa pool at andun nga lahat ang mga maid at tagabantay na nagsasaya sa pool. Medyo na touch ako sa ginawa ni Alvin , dahil pinayagan niya ang mga maid niyang magsaya sa gabing ito.
" upo ka sir Ivan at kain ka dito ng inihaw na manok! " at nilapag na niya ang nakatuhog na manok gosh! Hindi ko matanggihan ugh.
Umupo din si jacks at sinamahan akong kumain. Aamin kong naatract talaga ako sa Jacks na to. Ang lakas ng appeal niya sakin, kung medyo bata pa at walang asawa mga maid dito siguradong may magkakagusto na sa kaniya dito.
" alam mo sir Ivan ang cute mo " biglang salita ni jacks at napalaki naman mata ko.
" joker ka talaga " ako, pero kinilig na ako. Leche! Haha
" kaso nga lang hawak ka pa ni master " biglang sabi niya. Teka? So alam niyang may nangyayari samin ni alvin?
" anong ibig mong sabihin? " tanong ko.
" alam mo kasi, hindi na bago ang magdala si sir ng mga babae, bi or gay man dito para pag laruan niya. Alam mo lang kung ano ang bago? " wika niya
" a-ano? " tanong ko
" ikaw lang ata ang nagpabait kay master, ikaw yung tumagal dito sa lahat ng mga dinadala niya dito. Kaya thank you sayo sir Ivan kasi kahit isang gabi may pahinga kami at sumaya " siya. Medyo natouch naman ako sa mga sinabi ni jacks at ngumiti nalamang ako. " sir Ivan, pag pinakawalan kana ni master sabihin mo sakin hah. Gusto kintang makilala pa lalo " ngumiti siya at namumula na ako sa mga sinasabi niya. Syett.......... ano to?.....
" ah eh hehe. Jacks sorry pero papasok na ako hah. Maaga pa ako bukas para sa school. " palusot ko. At agad naman akong naglakad paloob. Mayghad! Baka kung ano na masabi ko pag tumagal pa ako dun.
Pumasok na ako sa kwarto at kita kong nakapikit na si Alvin. Wew. Salamat naman, mag half na nga lang para matulog narin ako. Mag 5 mins ay natapos narin ako at naghanap ako ng masuot sa mga damin ni Alvin. Bahala sa kaniya kung susuotin ko mga damit niya.
At ayun nga, umakyat na ako sa kama at tumabi sa gagung tulog na to. Napatingin naman ako, at ang cute naman pala pag tulog, sana palagi ka nalang tulog.
" tss! Gwapo mo sana! Kung hindi ka lang naging maniac! Edi sana ako na mismo mag tutuwad para mapansin mo lang ako " wika ko sa natutulog na Alvin at inayos ko na position ko at para makatulog na din.
" narinig ko yun! Pakiss muna " nagulat ako dahil biglang nagsalita si alvin
" putcha! Gising ka pa? " ako
" nagising ako sa mga pinagsasabi mo sakin " salita niya na medyo husky na.
" tss. K. Matutulog na ako " at tumalikod sa kaniya
" hoy! Kiss nga! " siya
" kiskis mo sa pader! " ako
" Ivan! Isa! " siya
" Zzzzz " ako
At bigla nalamang niya akong pinatong at hinawak dalawang kamay ko at itinaas. " sabi ko kiss " siya at agad akong hinalikan sa labi habang siya nakapatong.
" goodnight " pagkalas niya at nagbigay muli ng mabilis na halik sa labi ko.
Itutuloy..........