IVAN'S POV
Isang araw kasama si Alvin ay parang masisiraan ako ng bait. Ayst buti nalang may pasok at nakauwi narin ako sa dorm ko.
Ito na ang huling araw dahil Christmas vacation na at parang gusto kong umuwi samin kaso ang layo ng provincia namin, uuwi paba ako kahit isa't kalahating weeks lang naman ang bakasyon? Hays...
Habang nakahiga ako sa kama kong namiss ko at nagmumuni ay agad naman nag ring phone ko. Agad ko naman ito kinuha sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
" syet! Si Alvin?! " at lumaki agad mata ko. Anong gagawin ko? Icacancel ko ba o ianswer ko? Haist! Ianswer ko na nga lang tong gagung to.
CLICK
" hello? " ako
" ano ba Ivan! Bat ang bagal mong mag answer?! " ayun! Beastmode nanaman.
" ano ba?! May ginagawa kasi ako hindi ko narinig agad! " inis ko sa kaniya
" aba! At tinataasan mo ko ng boses! Saan ka?! " siya
" sa dorm ko bakit ba? " ako
" saan yang dorm mo! Susunduin kita dyan " siya
" at bakit mo ko susunduin dito? " tanong ko sa kaniya, naku! Ano nanaman ang plano ng taong to? Kailangan ko na lang pala umuwi muna sa probinsiya.
" wag ka na ngang matanong Ivan! Saan yan?! " inis na niya
" ayokong sabihin! Wag ka ng pumunta! " ako
" tang ina! Pag ikaw mahanap ko, makikita mo talaga! " galit na siya at kinakabahan na ako.
" bakit nga kasi? " tanong ko muli.
" isasama kita sa korea at japan sa Christmas vacation " sabi niya at agad naman napalaki mata ko sa sinabi niya.
" what?! " tanging sabi ko
" what ka dyan? Wag ka ngang oa! Sabihin mo na kung saan ka! Naiinis na ako sayo! " siya. Omg! Anong gagawin ko? Sasama sa kumag na to at makapunta sa ibang bansa at maging laruan niya o uuwi sa probinsiya para makasama ang pamilya ko. " hoy!! Saan kana?! Tinatanong kita! " nabigla naman ako sa sigaw niya, nakalimutan kong may kausap pa pala ako sa phone haha
" ah, alvin pwede bigyan moko 10 minutes para mag isip kung sasama ba ako or hinde " sabi ko at agad cinancel ang call. Syet!! Anong gagawin ko?
No! Hindi ako sasama! Mag eempake na ako para umuwi probinsya, feeling ko hindi ako safe ngayon. Kailangan ko ng umalis sa dorm.
Nagmamadali na nga akong magempake ng mga damit ko at inilalagay na ito sa bag ko, itinabi ko narin para pamasahe ko sa bus. Mahaba-habang byahe din yun mga 5 hours. Wew.
Cp ko. check!
Laptop ko. check!
Damit. Check!
Pamasahe. Check!
" wew! Maka alis na nga dito sa dorm " sabi ko at kinuha ko ng mga gamit ko at kinarga na ito. Nag earphone ako at lumabas na sa dorm. Bumaba na ako at ng makarating ako sa gate ay may napansin akong kotse na nakaparada, kulay gray ito. Hindi ko nalang pinansin ito at lumabas sa gate ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse at may lumabas! Tang ina! Si Alvin pala yun! nakita ko agad ang nakasimangot niyang mukha. Patay!!
" a-alvin " tanging sabi ko. Hindi ko alam kung papasok ba ulet ako sa gate at ilock ito or tatakbo palayo habang karga ko ang mabigat ko bag.
" at saan mo balak pumunta Ivan? " tanong niya
" uuwi ako sa probinsiya alvin " ako
" at bakit? Di ba sabi ko samahan mo ko sa korea at japan? " siya, nakakatakot mata niya parang kakainin na ako.
" Alvin, a-ayoko. Namimiss ko pamilya ko sa probinsiya. Iba nalang isama mo " sabi ko sa kaniya at agad niya akong hinawak sa braso.
" leche! Ikaw gusto ko ikama este isama! Kaya walang uuwi sa probinsiya " siya. tangina! Huling huli ka na! Alam ko na pakay nito.
" leche ka din! Alam ko na pakay mo! Wag ako may pa Korea at japan ka pang nalalaman! " inis ko.
" aba! Lumalaban?! Walang uuwi pasok sa kotse! " sabi niya at ayun na nga gaya ng dati hila nanaman ako paloob ng kotse at nilock ang pintuan.
" alvin ayoko!! Help! Kidnap! " sigaw ko
" IVAN ANG INGAY MO TAE! GUSTO MO BANG TAKPAN KO YANG BIBIG MO GAMIT t**i KO?! " sigaw din ni Alvin at napatahimik naman agad ako. Grabe na tong pambubully sakin ni Alvin magkakatrauma na ako nito.
" magpapakamatay nalang ako para hindi mo na ako ibully pa alvin " sabi ko ng malungkot na boses at napatingin naman agad sakin si alvin ng nakasimangot.
" tss! Maghintay ka! Ako ang papatay sayo sa sarap " siya at inandar na ang kotse.
Itutuloy.....