Clea Mair’s POV Andrel was right. Ang pagbagsak ng angkan ko ang nag-iisang paraan upang hindi matuloy ang kasal ko sa emperador ng Reveni Empire nang hindi nawawala sa akin ang kalayaan ko. At alam kong may kakayahan siyang gawin iyon kung gugustuhin niya. Kung tutuusin ay wala namang natatagong yaman ang mga Azaria. Kung anuman ang mayroon kami ay hindi kailanman maipapantay sa kung anong kayamanan mayroon ang malalaking pamilya na nasa bansang ito tulad ng mga Dahlia. Kaya hindi imposible para ka Andrel na pabagsakin ang angkan ko. May tulong man ng mga kapatid niya o wala. Lalo na’t orihinal na parte ng Reveni Empire ang lupain na ito na inagaw lang naman ng angkan ko. “I never thought you were going to take such a big risk…” Bumaling ako kay Miracle na nakatayo ngayon sa pintua

