Clea Mair’s POV Habang nasa byahe kami ni Andrel ay sinabi na niya sa akin kung saang party ang punta namin. And apparently, it was a birthday party hosted by Marquess Reeves, Lord of Yain City. Birthday kasi ng panganay na anak at tagapagmana ng titulo ng marquess kaya gusto niyang ihanda ko ang sarili ko sa pagdating namin doon. Maraming bisita ang dadalo sa pagtitipon na iyon ngunit agad na akong pinakalma ni Andrel at sinabing walang kahit sinong may kinalaman sa pamilya ko ang imbitado doon kaya hindi ko kailangan na mag-alala. Kahit kasi si Miracle na alam kong malapit ngayon sa mga Reeves ay hindi din pupunta sa party na iyon. Aware ako na noon pa man ay hindi tanggap ng mga Reeves ang pamumuno ng mga Azaria para sa bansang ito. Pero dahil hindi nila gusto ng kahit anong gulo ay

