"BHY, masaya ka ba?" Tanong sa akin ni Badong. Nakaupo kami ngayon sa picnic table sa bakuran namin dito sa bahay namin sa barangay. Napagpasyahan namin ni Badong na dito muna kami magstay dahil andito ang mga gamit ko bukod sa dito sila mamamanhikan bukas. Nakayakap sa bewang ko si Badong habang nakasandig ako sa balikat nya. "Hindi ba halata, BHY? Kanina pa ako nakangiti. Hindi na nga yata nawala yung ngiti ko sa mga labi ko. Daig ko pa ang nasa Cloud 9. Bakit, ikaw ba hindi?" Urirat ko kay Badong. "Kung masaya ka, aba e mas masaya ako ngayon, BHY. Kasi nga ang tagal kong hinintay na malaya kitang mayayakap ng ganito at makakasama kita ulit. Kung dati naiinip ako kung kelan kita makikita at makakasama, ngayon ay anytime pwede na." Tugon ni Badong. "Biruin mo tiniis mo kaming hindi maka

