bc

Me and My Tambays

book_age16+
568
FOLLOW
3.3K
READ
family
HE
heir/heiress
sweet
gxg
loser
like
intro-logo
Blurb

"Oo, Yze. Malinaw yan. Maging kayo o hindi man ni Insan Jhe, hindi yon makakaapekto sa pagkakaibigan natin. Hindi kami bibitaw sayo at lagot sa amin si Insan Jhe pag sinaktan ka nya. Tama ba ako mga tropa?" Seyosong saad ni Badong.

"Oo." Magkakasabay na saad nina Onnie, Iking at Pot.

Si Mari Yzebelle Santo Domingo ay ilag sa Tropang Tambays dahil nga mga feeling heartthrob at may pagkasuplado ang limang myembro ng Tropang Tambays kahit na halos lahat sa Tropang Tambays ay konektado sa mga kaibigan ni Yzebelle, ang Kanto Girls. At isa sa Tropang Tambays ay secret crush ni Yzebelle na walang nakakaalam. Pero dahil kinailangan ni Yzebelle na makumpleto ang kanyang 18 roses para sa debut nya ay napapapayag siya ng mga kaibigan niyang Kanto Girls na kausapin ang mga kuya nila sa Tropang Tambays para maging parte ng 18 roses niya. Simula nga noon ay naging close na si Yzebelle sa mga Tropang Tambays na dati ay ilag na ilag siya.

Samahan natin si Yzebelle at ang kanyang mga kaibigan sa isang kwento ng pagkakaibigan, pagpapatawad at pag-ibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Nana Linda, mano po. Andyan po ba si Yze?" Narinig kong tanong ni Pot sa Nanay ko na nakabantay sa tindahan namin. Kadugtong kasi ng tindahan namin yung bahay namin. "Kaawaan ka ng Diyos, Pot. Oo. Andyan  si Yze sa bahay." Narinig kong sagot ni Nanay. "Pumasok ka na doon." Dagdag pa ni Nanay. "Salamat po." Magalang na saad ni Pot. Nagkatinginan kami ni Onnie at napangiti sa isa't isa. "May kapalit na akong makakakulitan mo, Yze." Nakangiting saad ni Onnie sa akin. "O, Onnie, andito ka na pala." Bungad ni Pot ng makapasok na siya sa bahay namin. Tumabi na din siyang umupo kay Onnie sa katapat na sofa. "Hi, Yze." Bati sa akin ni Pot na tinugunan ko ng pagngiti. "Paalis na din ako mayamaya, Pot. Kanina pa kami nagkwekwentuhan ni Yze. Ikaw naman ang makipagkulitan sa kanya." Ani ni Onnie. "Bakit ka pa aalis, Onnie? Padating na din sina Kuya Badong at Iking. Kasama si Jhe. Manlilibre daw si Jhe ngayon. Bagong sahod. Hindi mo ba nabasa yung message sa group chat natin na dito tayo kina Yze magkikita kita?" Tanong ni Pot kay Onnie. "Hindi. Naiwan ko kasi sa bahay namin yung cellphone ko." Tugon naman ni Onnie. "Kaya pala hindi ka nagrereply kanina pa." Saad ni Pot. It's a Saturday night. Night na kasi past 6pm na. At normal na sa akin yung ganitong tagpo na nagkakaabot sa bahay namin ang mga "boyfriend" ko. Boyfriend as in kaibigang lalake. Sila sina Pot (Gardencio Calayag Jr.), Onnie (Ronaldo Lagdameo Jr.), Badong (Salvador Lagdameo Jr.) at Iking (Francisco Bernardino Jr.).  O di ba, very oldies ang mga name nila. Hahaha. Mga Junior kasi sila ng mga tatay nila at sila ang Tropang Tambays.  Magkakabarkada din sila. Actually lima silang magkakabarkada. Si Jhe (Jerardo Contreras Jr.) ang pang lima pero dahil itinutukso nila sa akin si Jhe kaya hindi kami naging close gaya ng level of closeness namin ng apat niyang kabarkada. Pumupunta din naman  dito sa bahay namin si Jhe at nakikipagkwentuhan din naman sa akin pag kasama niya ang isa sa kina Pot, Onnie, Iking at Badong. Madalas si Badong ang kasama nya pag pumupunta siya dito sa bahay. Kunsabagay si Badong kasi ang madalas na nakikipagkwentuhan sa akin. Magpinsan sa motherside sina Jhe at Badong. Si Onnie naman at si Badong ay sa fatherside magpinsan. Si Pot naman ay kapatid ng girlfriend ni Badong na si Majhoy. Magkababata kami ni Majhoy. Samantalang si Iking ay gaya ko na walang koneksyon sa kanila pero matagal na nilang kabarkada. Actually may sarili din naman akong group of friends na mga babae dito sa lugar namin. Sina Chelly, May Ann, Lorin at Dhorie na pawang konektado din sa mga "boyfriend" ko. Magpinsan sina Chelly at May Ann. Si Chelly ay kapatid ni Badong. Si May Ann naman ay kapatid ni Jhe. Sina Lorin at Dhorie naman ay mga pinsan ko sa side ni Nanay. Yung Ate ni Chelly at Badong na si Ate Len ay girlfriend ng Kuya ni Lorin na si Kuya Hanz.  Mas bata sa akin sina Lorin at Dhorie. Matanda naman ako ng ilang buwan kay May Ann. Kami naman ang Kanto Girls. Pero dahil nga mga babae kami, hindi kami pwedeng abutin ng gabi sa kanto na madalas naming tambayan or sa mga bahay ng isa sa mga barkada namin na pinuntahan namin. Kahit na edad  20 na kami ni May Ann at edad 18 naman na sina Chelly, Lorin saka si Dhorie  ay bawal pa din kaming abutin ng gabi sa lamyerdahan. Alas sais ang ibinigay na curfew sa amin ni Badong. Pwede kaming lumagpas ng alas sais pag magkakasama ang Kanto Girls at ang Tropang Tambays. Hindi gaya nitong mga mokong na aking mga tambay na anytime pwedeng umuwi sa bahay nila kahit na abutin ng dis oras ng gabi sa galaan or inuman. Kasi nga mga lalake. O di ba, double standard naman talaga. Si Badong, Onnie at Jhe ay pawang mga 22 years old na. Si Pot ay 19 at si Iking ay edad 18 naman. Ay, Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Hahaha. Ako nga pala si Mari Yzebelle Santo Domingo. Yze for short. Yung Y is pronounced as E in English. Hindi as I in ice. Minsan naman ay Ze lang ang tawag nila sa akin. As I have mentioned earlier, 20 years old na ako. Only child ako ng Nanay at Tatay ko. Ulila na ako sa Tatay. Namatay si Tatay noong 13 years old palang ako dahil sa liver cirrhosis. Oo medyo mahilig tumoma ang aking father dear bukod sa mabait kasi siya kaya siguro kinuha na siya ni Lord. Kasalukuyan ay college student na ako taking up BS Architecture sa isang state university sa Maynila. Next semester ay graduating na ako. "Kelan nyo ba ako isasali dyan sa group chat nyo na yan?" Tanong ko kina Onnie at Pot. "Aba e ginagawa nyong meeting place tong bahay namin ng di ko nalalaman ah." Kunwari kong pagtataray sa kanila habang nakataas ang isang kilay. "Makulit ka rin, Yze. Di ka nga namin pwedeng isali sa group chat na yun. For the boys only lang kasi nga yun." Pagpapaalala sa akin ni Onnie. "At bakit? Di ba one the boys din naman ako." Nakataas pa din ang isang kilay kong tanong kahit na ilang beses na din nilang ipinaliwanag kung bakit hindi pwede. "Kasi nga malalaman mo ang mga hidden secret namin. Baka hindi mo na kami kausapin pag nalaman mo ang mga deep secret namin. Paulit ulit na tayo. Ilang beses na naming sinabi sayo yan." Natatawang saad ni Pot. "Potek. Baka naman isa ako sa topic nyo kaya ayaw nyo akong isali sa group chat nyo." Himutok ko. "Oo, minsan  pag may lakad na kasama ka namin at saka…" Saad ni Pot pero agad din siyang nahinto sa pagsasalita.  Siniko kasi ni Onnie si Pot kaya hindi na natuloy ni Pot ang sasabihin niya  "At saka ano?" Urirat ko. "Wala na. Di ba, Pot, wala na?" Saad ni Onnie. "Oo, Yze, wala na. Tataluhin ka ba naman namin. Tropa ka nga namin di ba."  Pagsangayon ni Pot kay Onnie. "Siguraduhin niyo lang dahil pag nalaman ko na pinagtsitsismisan nyo akong mga mokong kayo e lagot kayo sa akin. Ni isa sa inyo e talagang hindi ko na  kakausapin." Pananakot ko sa dalawa. "Wala ka ba namang tiwala sa amin? Maloko man kami pero pagdating sayo, good boys kami. Kahit na lagi mo kaming tinataasan ng isang kilay mo." Tugon ni Onnie. "Siguraduhin nyo lang dahil kahit may tiwala ako sa inyo, pag tinabla nyo ako eh magkalimutan na tayo. Ni tingin eh hindi ko kayo titignan kahit na maglupasay pa kayo sa harap ko." Pagbabanta ko. "Bakit highblood ka?" Bungad na tanong sa akin ni Iking. Kasunod niyang pumasok sa bahay namin sina Badong at Jhe.  "Inaway nyo ba?" Baling niya kina Pot at Onnie nang tumabi si Iking sa kanila sa sofa. "Hindi ah." Sabay pang saad nina Pot at Onnie. "Eh bakit nakataas ang kilay nitong si Mari Yzebelle Santo Domingo?" Tanong ni Badong na umupo sa tabi ko at binangga pa ang balikat ko. Sinimangutan ko siya hindi dahil sa pagbangga niya sa balikat ko kundi sa pagtawag niya sa akin sa aking buong pangalan. "Kailangan mo talagang buuin ang pangalan ko ha, Salvador Lagdameo Jr.?" Ganti kong kantyaw kay Badong. "Kasi nga, Kuya Badong, tinatanong na naman niyang si Yze kung kelan natin siya isasama sa group chat natin." Saad ni Pot. "Eh sabi namin ni Pot na hindi nga pwede dahil for us boys lang yun. Saka baka isumpa niya tayo pag nabasa nya yung mga hidden secret natin." Dagdag naman ni Onnie. "Sinusumpong ka na naman ng kakulitan mo ano, Yzebelle. Ilang beses na naming sinabi sayo na hindi nga pwede di ba." Mariing saad ni Badong. "Kung hind pwede eh di huwag. Ang sungit nyo." Nakanguso kong saad with rolling eyes pa. "Galit ka?" Tila naninitang tanong naman ni Iking sa akin. "Oo. Bakit?" Matigas ko namang tugon habang nakataas ang isang kilay ko. Hindi ako papasindak sa kanila 'no. "Wala lang. Tinanong ko lang." Tatawa tawang sagot ni Iking at nag peace sign pa sayo kaya kinurot ko siya sa braso nya. "Aray, Yzebelle. Nananakit ka na naman." Reklamo ni Iking habang hinihimas ang braso nya na kinurot ko. "Huwag nyo nga ginagalit si Yze. Iniistress nyo eh papakasalan ko pa yan." Banat naman ni Jhe na ikinagulat ko.  Ano daw? Papakasalan ako? Aba, bago to ah. Nakikibiro na din siya. Dati kasi tahimik lang si Jhe na nakikinig sa kantyawan namin. Pag tinutukso kami eh si Jhe pa ang nagblush at mananahimik. Daig pa ako sa reaction. Samantalang ako, nakikipagsabayan ako sa biro. "Kasal talaga? Baka gusto mong manligaw muna, Gerardo." Sarcastic kong saad. "Maguumpisa na nga ako sa panliligaw ko sayo." Confident na sagot sa akin ni Jhe. "Aba teka. Ano ang pinakain nyo dito sa kabarkada nyo at natutong magsalita after 2 years?" Ani ko habang isa isang tinignan sina Badong, Iking, Pot at Onnie. "Lagi mo kasing sinusungitan tong pinsan ko kaya hindi  makapagsalita sayo." Tugon ni Badong. "Ay, ako pa pala ang masungit. Kasalanan ko pa pala. Kelan ko sinungitan yan aber? Siya kaya ang suplado. Kaya nga kinakausap ko lang yan pag kinakausap nya ako." Saad ko. "Saka teka nga. Nakakahiya naman sa inyo na masungit pa pala ako ng lagay na to. Hinahayaan ko na ngang gawin nyong meeting place ang bahay namin ng di man lang kayo nagpapasintabi. Sorry ha." Sarcastic ko pa ding saad. "Kalma ka na nga dyan, Yze. Magpalit ka na nga lang ng damit mo para makaalis na tayo." Ani ni Iking. "Saan tayo pupunta?" Walang kalatuy latuy kong tanong. "Sa diversion. Kakain tayo sa sizzlingan. Ililibre tayo ni Jhe." Masayang saad ni Pot. Pagdating talaga sa pagkain, nangunguna tong si Pot. Silang dalawa ni Iking. "Seryoso? Kasama ako?" Tanong ko na nakataas ang isang kilay ko. "Oo. Kaya magpalit ka na ng damit mo para makaalis na tayo. Ipinagpaalam ka na namin sa Nana Linda." Si Jhe ang sumagot sa akin. "Pumayag ang Nanay ko?" Nagkunwari din akong nagulat na tanong. Pumapayag naman talaga si Nanay na sumama ako sa mga lakad nitong limang "boyfriend" ko.  "Aba eh oo. Pinagkakatiwalaan naman kami ng Nana Linda dahil napatunayan namin sa kanya na pag kami ang kasama mo e hindi ka mapapahamak." Ani ni Badong. Totoo naman yung sinabi ni Badong. Never naman nila ako pinabayaan pag sila ang kasama ko. Feeling secured at protected ako pag sinasama nila ako sa mga lakad nila. "Eh bakit kailangan ko pang magpalit ng damit? Maayos naman tong suot ko." Nangungulit kong saad. Tinignan ko pa ang suot kong t shirt at shorts na pambahay. Hindi kasi sila pumapayag na pag kasama nila ako e nakashorts ako. Either pants or tokong ang dapat na suot kong pangibaba. "Talagang nagtanong ka pa. Magpalit ka na ng pantalon o kaya ng tokong." Utos ni Iking. "Tsk." Ismid ko. "Ok na tong suot ko." Giit ko bilang pangiinis ko sa kanila. Hahaha. "Ipinapaalala ko lang sayo, Mari Yzebelle. Kelan ba kami pumayag na lumakad ka ng nakasuot lang ng shorts pag kasama mo kami?" Pagpapaalala ni Onnie. Hay naku. Masyado namang strikto tong mga lolo ko. Kainis. Hindi lang naman sa akin sila strikto. Pati kina May Ann, Dhorie, Lorin at Chelly din. Pero sa mga girlfriend nila, never silang nanalo. "Never nga po." Himutok ko. "Kaya dalian mo na, Yze. Huwag ka ng kumontra dyan. Minsan lang manlibre si Pareng Jhe kaya sulitin na natin. Saka nagugutom na ako." Pagmamadali sa akin ni Pot. "Oo na nga. Magbibihis na. Siguraduhin nyo na ililibre nyo ako. Baka mag 1, 2, 3 lang pala tayo." Ani ko pa sabay tayo sa kinauupuan ko. "Grabe naman. Kelan ba tayo nag 1, 2, 3? Saka wala ka bang tiwala sa akin?" Tila nasaktan na saad ni Jhe na ikinaguilty ko. "Joke lang. Ang sensitive mo namang masyado. Sorry na." Ani ko pero hindi pa din nawawala sa mukha ni Jhe yung kalungkutan. "Huy, sorry na." Saad ko ulit ng hindi pa din ngumingiti si Jhe. "Lagot ka. Nagtampo sayo si Jhe." Naninising saad ni Iking sa akin. Hays. Nakakaguilty naman talaga. "Sorry na, Jhe. Nagbibiro lang naman ako." Apologetic kong saad pero hindi pa din nagbabago ang reaksyon ni Jhe. Malungkot pa din siya. Yung 4 na mababait kong kasama naman ay lalo pa akong sinisisi. Iwinawasiwas pa nila ang mga hintuturo nila sa akin. Nakakainis na ha kaya umiba ako ng approach. "Tutuloy pa ba tayo o magdradrama ka dyan ha, Jerardo?" Saad ko. "Joke lang din." Ani ni Jhe sabay tawa ng malakas. "I got you." Ani pa niya. Tumawa din ng malakas ang 4 na kaibigan niya. "Nakakainis talaga kayo. Ewan ko sa inyo." Ani ko sabay talikod papunta sa kwarto ko na mas ikinatawa pa nila. Batukan ko kayo dyan. Ani ko sa sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook