CHAPTER 2

2573 Words
Napapangiti na lang ako habang nagpapalit ng damit ko. Masaya ako dahil naeenjoy ko yung may iba iba akong circle of friends dito sa lugar namin at sa Maynila. Yung mga kaibigan ko noong nasa high school ako ay wala na kaming communication. Pagka-graduate namin kasi ng highschool ay nagkanya kanya na kami. Sinubukan ko naman na magkita kita kami. Pero dahil nga sa magkakaibang university at kurso kami nagsipagenroll ay naging mahirap ng magmeet ang mga schedule namin. Actually, hindi naman talaga mga tambay ang Tropang Tambays. Yun lang ang nakasanayan kong itawag sa kanila saka yun kasi ang ipinangalan nila sa grupo nila. Tropang Tambays. May mga trabaho naman sila kahit na mga college undergraduate sila. Pero sabi nga nila, nagiipon lang daw sila ng ipantutustos sa pagaaral nila. Mageenroll din daw sila ulit pag sapat na ang naipon nila. Kelan naman kaya yun? Ilang taon ko ng naririnig na sinasabi nila yun. Si Badong at si Jhe ay kasama ng tiyuhin nila na foreman sa isang construction company dito sa Bulacan. Pareho silang BS Civil Engineering ang kurso. Si Iking naman ay assistant supervisor sa isang grocery sa Bayan. BS Business Management naman ang kurso niya. Si Onnie naman ay personal assistant ni Mayor na BS Political Science ang kurso at si Pot naman ay katuwang ng tiyahin niya sa pagbabantay sa restaurant na pagaari ng pinsan niya ay BS Hotel and Restaurant Management naman ang kurso. Kaya usually, pag nagkasabay sabay na off nila sa mga trabaho nila ay napupuntahan nila ako ng magkakasabay gaya ngayon. Though sinisigurado naman nila na once a week napupuntahan nila ako. Hindi naman sa inoobliga ko sila. Yun lang kasi ang nakasanayan nilang gawin. Paano nga ba nagumpisa na makaclose ko sila? "Ate Yze, malapit na ang debut mo di ba. Next month na ah. Ano ang ganap?" Tanong ni Dhorie sa akin. Andito kami ngayon sa kanto sa tabi ng tindahan namin na tambayan namin. "Wala yata." Pagkakaila ko dahil ang totoo, ready naman na ang lahat. Listahan na lang ng magiging 18 roses ko na lang ang kulang para maipaprint ang invitations. 18 sunflowers pala kasi nga favorite ko ang sunflower. Naipaasikaso na ni Nanay sa pinsan ko na si Ate Jane na events coordinator ang lahat. Yung 18 sunflowers na lang talaga ang kulang. Ilang beses na ngang finafollow up ni Ate Jane sa akin yung listahan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa naibibigay. Kulang pa kasi ako ng sampu. Hays. "Bakit naman? Unica iha ng Nana Linda na isa sa mga iginagalang dito sa barangay natin ang magdedebut tapos wala man lang party." Saad naman ni Lorin. "Dapat meron ka ding 18 roses at 18 candles gaya ni Ate Majhoy." Ani ni Chelly. Si Majhoy ang girlfriend ng Kuya Badong ni Chelly. Kababata din namin siya ni May Ann at mas matanda siya sa amin ng 1 taon pero naiba siya ng barkada ng mag teenager kami. Magaling kasi siyang maglaro ng volleyball kaya ang naging barkada niya ay yung naging teammates niya noong may liga sa barangay namin. Bukod sa active din siya sa youth organization ng barangay namin. Kami naman ni May Ann ay sina Chelly, Dhorie at Lorin na mas bata sa amin ng 2 taon ang naging barkada namin. Pero kahit hindi kami kabarkada ni Majhoy ay isinali pa din niya kaming lima sa 18 candles niya noong nagdebut siya last year. "Yung 18 candles madali lang. Bukod sa inyo pwede ko naman kunin yung mga pinsan kong babae. Yung 18 roses ang mukhang magiging problema ko. Wala naman akong kaibigang lalake." Himutok ko. "Sus problema ba yun. Andyan naman ang mga kuya namin. Pwede naman namin silang kausapin pati na mga kaibigan nila para maging 18 roses mo." Suggestion ni May Ann. "Nakakahiya naman. Hindi ko naman sila kaclose." Saad ko. Totoo naman yon. Kabatian ko man ang barkada nina Jhe pero di ko naman sila kaclose. "Huwag ka ng mahiya. Kami ang bahala para makumpleto ang 18 roses mo, Ate Yze. Kami ang kakausap kina Kuya Badong." Paninigurado ni Chelly. "Sigurado kayo?" Nagaalangan kong tanong. "Oo." Magkakasabay pang tugon ng apat kong kaibigan. "Tara na muna sa amin. Tiyak andun sina Kuya Badong at ang mga kaibigan niya para makausap na natin sila." Aya ni Chelly. "Oo nga. Tara na. Narinig ko kanina kay Kuya Jhe na maglalaro sila ng basketball sa bakuran nina Chelly." Pagsegunda naman ni May Ann. "Eh sige. Basta kayo ang bahalang kumausap sa kanila ha." Nagaalangan ko pa ding pagpayag. "Alam nyo namang ilag ako sa Tropang Tambays." Pagpapaalala ko sa mga kaibigan ko. "Oo kami ang bahala kaya halika na, Yze." Ani ni May Ann at umukyabit pa siya sa braso ko. "Kuya, pwede ba namin kayong makausap?" Bungad na tanong ni Chelly sa Kuya Badong niya ng makarating kami sa bahay nila. Nagmano muna kami sa Inang Lilian na nanay nina Badong at Chelly na nakaupo sa swing sa bakuran nila. Sinabihan pa nga ako ng Inang Lilian na pag hindi pumayag ang Tropang Tambays na maging parte sa 18 roses ko ay sabihin ko sa kanya dahil siya daw ang bahalang magkumbinsi kina Badong. Inabutan naming nasa sala sina Badong, Onnie, Jhe, Pot at Iking. Kilala ko naman sila at kilala din nila ako pero yun nga hanggang ngitian or tanguan lang ang pagbati namin sa isa't isa. Usap? Never kahit na 13 years old palang ako ay crush ko na si Badong. "Tungkol saan?" Napakunot ang noo na tanong ni Badong. "Magdedebut kasi itong si Yze, Kuya Badong, kaso wala pa siyang 18 roses. Baka pwede nyong matulungan. Baka pwedeng maging part kayo ng 18 roses ni Yze." Saad naman ni May Ann. Hindi na ako nagulat ng lahat sila ay mapatingin sa akin na tila iniintay akong magsalita. "Ah. Eh. Pwede bang magpatulong sa inyo?" Nahihiya kong saad. "Baka pwede kayong maging part ng 18 roses ko? Ay, 18 sunflowers ko pala." Saad ko. Nakita kong nagtinginan ang limang lalaki. "Sunflowers?" Tanong ni Dhorie. "Oo." Nakangiti kong tugon. "Favorite mo nga pala ang sunflower." Saad ni Dhorie na tinugunan ko ng pagtango. "Payag ba tayo?" Tanong ni Badong sa apat niyang kaibigan. "Ako, ok lang sa akin. Ilang segundo or minuto lang naman natin isasayaw si Yze. Gaya lang nung kay Majhoy." Dagdag pa niya. "Talaga? Payag ka?" Nakangiti kong tanong kay Badong na nakangiti niyang tinugunan ng pagtango. Tila tumalon talon ang puso ko. Lihim akong kinilig sa ngiti niya. "Naku, thank you, Badong." Saad ko pa. "Ayan may isa na tayo." Saad ni Lorin. "Sige, sasali din ako." Pagpayag ni Onnie. "Dalawa na." Ani ni Dhorie. "Thank you, Onnie." Nakangiti kong saad kay Onnie. "Basta sandaling sayaw lang ha." Sambit naman ni Iking. "Oo. A few minutes lang then picture taking." Paninigurado ko kay Iking. Siya ang pinakabata sa magkakabarkada. "Sige. Ilista mo na ako." Pagpayag ni Iking. "Yes!" Masaya kong saad. "Salamat, Iking." Magiliw kong ani kay Iking. "Jhe, ano na?" Tanong ni Badong kay Jhe. "Chance mo na para maisayaw si Architect." Ani ni Badong. "Oo nga, Jhe. Pumayag ka na. Step one mo na to. Grab it, Pare." Dagdag naman ni Onnie. Napakunot ako ng noo. Chance? Anong chance? Ani ko sa isip ko. Napatingin ako kina Chelly at May Ann. Nakita kong nagtype si Chelly sa cellphone niya at pagkatapos ay inabot sa akin ni Chelly ang cellphone nya sabay bulong. "Basahin mo, Ate." Ani ni Chelly. Crush ka kasi ni Kuya Jhe. Yun ang nakatype sa cellphone ni Chelly ng basahin ko. Ha? Di nga. Hindi si Jhe ang gusto ko. Si Badong ang gusto ko. Saad ko sa isip ko. "Ano ba ang isusuot?" Tanong ni Pot na nakapukaw sa atensyon ko. "Casual wear lang. Kahit t-shirt at maong pants, pwede na. Ayoko naman ng formal formalan." Sagot ko kay Pot. Yun ang napagkasunduan namin ni Nanay at ng mga Tita ko pati ng mga pinsan ko. Simpleng party lang. Hindi din ako magsusuot ng gown. Wide leg square pants at blouse na kulay baby pink ang isusuot ko sa debut ko. Hindi ko din trip yung formal attire party ek ek. "Sige, isali mo na din ako." Pagpayag ni Pot. "Naku, salamat Pot." Masaya kong pagpapasalamat kay Pot. "Ikaw, Jhe, ililista na din ba kita?" Lakas loob ko ng tanong kay Jhe. Sa kanilang lima kung tutuusin ay mas matagal na kaming magkakilala ni Jhe dahil nga magkababata kami ni May Ann. Magkakilala lang pero hindi close at hindi din nagbabatian. May pagkasuplado si Jerardo kahit noong mga bata pa kami kaya ilag ako sa kanya kahit na kaclose ko din ang Tita Ining na nanay nila ni May Ann. "Ano ba, Jhe? Tinatanong ka ni Yze. Naputol na ba yang dila mo?" Kantyaw ni Badong kay Jhe. "Masyado yatang nagandahan kay Architect si Pareng Jhe." Kantyaw naman ni Onnie. "Hoy, hindi pa ako architect." Pagkontra ko. "Sus, sa talino mo na yan, tiyak na magiging Architect ka, Yze." Saad ni Onnie. "Oo nga. Kaya ka nga crush nitong pinsan ko dahil beauty and brains ka." Ani naman ni Badong na lihim kong ikinakilig. Beauty and brains daw ako sabi ng crush ko pero hindi naman siya ang may gusto sa akin. Saklap naman. "Naku, sana nga mag-dilang anghel kayo at maging Architect nga ako." Tugon ko. "Ano na, Jhe? Aba eh wag mong paghintayin si Yze. Oo o Hindi lang naman ang isasagot mo. Para namang si Yze pa ang manliligaw mo na naghihintay ng matamis mong OO." Buyo ni Badong kay Jhe. "Oo nga naman, Kuya Jhe. Wag mo namang paghintayin tong Bestfriend ko." Ani ni May Ann sa Kuya Jhe niya. "Sige na. Sige na. Isama nyo na ako sa listahan." Pagpayag ni Jhe na tila napipilitan. "Salamat, Jhe." Masaya ko pa ring saad kahit na halata namang napilitan lang na pumayag si Jhe. "Ayan may lima na. 13 na lang ang kulang." Saad ni Lorin. "Sa mga pininsan mo ba, Ate, wala kang ililista?" "Meron. Bale lima na lang ang kulang kasi walo yung idadagdag ko dyan sa listahan na mga pinsan ko." Tugon ko kay Lorin. "Konti na lang pala ang kulang." Ani ni Dhorie. "Baka pwede ang Kuya Hanz at Kuya Sito mo, Lorin?" Mungkahi ni Dhorie. "Teka tatawagan ko para matanong na natin. Tiyak na papayag naman yung mga yun. Kaclose naman ni Ate Yze sina Kuya Hanz at Kuya Sito." Tugon ni Lorin. Ilang sandali nga lang ay ka-video call na namin ni Lorin sina Kuya Hanz at Kuya Sito gamit ang messaging app. "Mga Kuya, so pwede ko na ba kayong ilista para maging part ng 18 sunflowers ko?" Tanong ko kina Kuya Hanz at Kuya Sito after kong sagutin ang mga tanong nila tungkol sa kung kelan at kung saan gaganapin ang debut saka kung ano ang isusuot. Mas matanda sila sa akin kaya Kuya ang tawag ko sa kanila. "Oo naman, Insan." Pagpayag ni Kuya Hanz. "Ako din payag ako, Insan Yze." Ani naman ni Kuya Sito. "Naku, maraming salamat talaga mga Kuya." Natutuwa kong saad. "Sus, ikaw pa ba, Yze. Malakas ka sa amin. Bukod sa ayokong mapingot sa tenga pag nalaman ni Mama na hindi ako pumayag na maging isa sa 18 sunflowers mo." Ani ni Kuya Hanz. "Ako din. Ayokong makurot ni Mama. Bukod sa hindi ka naman na iba sa amin. Para ka na din naming kapatid." Turan naman ni Kuya Sito. "Maraming, maraming salamat talaga, mga Kuya. Dadalin ko na lang sa bahay nyo yung invitation pag nagawa na. Thank you. Thank you talaga." Abot abot ang pasasalamat ko kina Kuya Hanz at Kuya Sito. "Sige." Sabay pang sagot nina Kuya Hanz at Kuya Sito. Nang magpaalam na kami sa isa't isa ay halos abot tenga na ang ngiti ko. Tatlo na lang ang kulang. Maibibigay ko na kay Ate Jane ang listahan. "Tatlo na lang." Saad ni May Ann. "Ate Yze, si Neil saka sa barkada niya. Baka pumayag sila." Ani ni Lorin. "Oo nga, Ate Yze. Di ba nanliligaw sayo si…" Ani ni Dhorie pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita agad si Badong. "Sino ang nanliligaw kay Yze?" Nakakunot ang noo na tanong ni Badong. "Maghintay ka kasi Kuya Badong. Sumabad ka kasi agad kaya hindi na tuloy nasabi ni Dhorie kung sino ang manliligaw ni Ate Yze." Saad ni Chelly. "Sino nga?" Tanong ulit ni Badong na nakakunot pa din ang noo. Bakit parang naiinis siya? Tanong ko sa isip ko. Wag assumera, Yzebelle. Saway naman ng utak ko. "Si Neil." Ani ni Chelly. "Si Neil na taga dyan sa boundary?" Urirat ni Iking. "Oo." Tugon naman ni May Ann. "Yung anak ni Ka Nilda?" Tanong naman ni Onnie. "Oo." Saad ni Chelly. "Nanliligaw sayo yon?" Tila gulat na tanong ni Pot. "Hindi ah." Pagkakaila ko. "Anong hindi? Di ba pinadalhan ka niya ng bulaklak at cake noong Valentine's. Tapos noong Christmas, binigyan ka ng stuffed toy na bear. Noong New Year naman eh chocolates. Kami nga lang ang kumakain ng mga binibigay sayo ni Neil na pagkain." Tila naninitang saad ni Dhorie. "Nagpapadala ng kung ano ano pero never namang pumunta sa bahay yun." Saad ko. "Pero tinetext ka." Pagpopoint out ni Dhorie. "Tinetext ako pero madalang din. Ayoko ng ganung panliligaw. Gusto ko pa din yung traditional na panliligaw na pumupunta sa bahay." Tugon ko. "Teka nga. Bakit parang nasa hot seat ako?" Himutok ko. "Hindi naman. Gusto lang namin malaman ang status nyo ni Neil kasi nga di ka naman nagkwekwento sa amin. Malihim ka din kasi, Yze." Ani ni May Ann. "Wala naman kasi akong ikwekwento. Hanggang text lang naman kasi si Neil." Pagpopoint out ko. "Naku, Pareng Jhe. Dapat pala huwag kang gumaya dun sa Neil na yon. Dapat umakyat ka ng ligaw sa bahay nina Yze." Kantyaw ni Pot kay Jhe na tahimik lang na nakikinig sa usapan. "Oo nga, Insan. Bilis bilisan mo. Baka maunahan ka nung taga boundary na yon." Sulsol naman ni Badong. "Dumiskarte ka na, Pare." Ani naman ni Onnie. "Uy, tantanan nyo si Jhe. Kinakantyawan nyo eh baka wala naman talaga siyang balak." Pagsaway ko kina Onnie, Pot at Badong. "Ang paniniwala ko kasi pag gusto may paraan. Pag ayaw kahit ipagtulakan pa ang isang tao, hindi kikilos yan kasi nga ayaw nya. Gaya lang din ni Neil." Dagdag ko pa. Nakita kong napatingin sa akin si Jhe. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha nya. "Gusto nyo ba ng pizza?" Tanong ko sa kapwa ko Kanto Girls at sa Tropang Tambays para makaiwas sa tingin ni Jhe at para change topic na din. "Pizza?" Tanong ni Iking. "Oo, pizza. Pamerienda ko sa inyo sa pagtulong nyo sa akin para mabuo ang 18 sunflowers ko." Saad ko. "Ay, sige." "Yes!" "Tamang tama gutom na ako." Magkakaibang sagot ng Tropang Tambays at Kanto Girls sa akin. "Hindi pa naman buo ang 18 sunflowers mo. Kulang ka pa nga ng 3." Paalala sa akin ni Badong. "Ako na ang bahala doon. Madali na yon. Itetext ko na lang si Neil. Baka pwede siya saka yung dalawang kaibigan nya. O kaya yung mga kabarkada nung isa kong pinsan." Ani ko at kinuha ko ang cellphone ko na nakasukbit sa bulsa ko para umorder. "Teka lang tatawag lang ako para magpadeliver. Labas lang ako. Mahina ang signal dito." Pagpapaalam ko sa kanila at lumabas na ako sa may balkonahe ng bahay nina Chelly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD