CHAPTER 3

2822 Words
Nang matapos akong makipagusap sa crew ng Angel's Pizza regarding sa mga inorder ko ay nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Si Badong. "Pagpasensyahan mo na kami, Yze, kung ibinubuyo namin sayo si Jhe. May gusto naman talaga sayo yung pinsan ko na yun. May pagkatorpe lang talaga." Ani ni Badong. "Sus, Ok lang. No worries." Ani ko. "Ako nga ang nahihiya sa inyo kasi nga aabalahin ko kayo dahil sa debut ko." Saad ko. "Wala din namang problema sa amin yon. Kaibigan ka ni Chelly at ni May Ann kaya matic na yon na kaibigan ka na din namin. Saka magkababata din naman kayo ni Majhoy." Nakangiting saad ni Badong. "Talaga? Kaibigan nyo na din ako?" Tila hindi ako makapaniwalang tanong kay Badong. "Oo naman. Friends?" Ani ni Badong sabay taas ng kamay niya para makipag high five sa akin. "Friends." Nakangiting saad ko sabay taas din ng kamay ko at nag high five kami ni Badong. "Salamat ha." "Ako yata ang dapat magpasalamat sayo kasi kahit ganito lang kami na tambay, kinuha mo pa din kami para maging parte ng 18 sunflowers mo saka pumayag ka na maging magkaibigan tayo." Tila nahihiyang saad ni Badong. "Sus, pare-pareho naman tayong tao. Wala naman tayong pinagkaiba." Ani ko. "Saka matagal na din naman tayong magkakilala. Yun nga lang, hindi tayo close kasi nga.." Saad ko pero hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko pa. "Kasi nga?" Tanong ni Badong. "Ah basta." Ani ko na lang. "Pero totoo naman na meron tayong pinagkaiba." Giit ni Badong. "Ano, aber?" Giit ko naman. "Yung estado sa buhay natin. Bukod sa nagaaral ka. Samantalang kami, ganito lang. Tambay at member ng PMA." Tila nahihiyang saad ni Badong. "Anong PMA?" Tanong ko na nakakunot pa ang noo ko. "Pahinga Muna Anak." Nakangising tugon ni Badong. "Ay sus. Yun pala yon." Ani ko. "May dahilan naman kaya kayo PMA di ba. Kung may mapapagkunan nga lang eh tiyak naman ako na gugustuhin nyo ding magaral at makapagtapos. Saka pare-pareho lang naman tayo ng estado sa buhay. Kung hindi kakayod, hindi tayo kakain. Kung wala din sigurong naiwang pension si Tatay ko at wala kaming tindahan at kung may kapatid din siguro akong nagaaral din, malamang myembro din ako ng PMA." Saad ko. Yun naman ang totoo. Si Tatay ang nagtratrabaho noon. Si Nanay ang siya namang nagbabantay sa tindahan namin. Sina Badong naman ay pare-pareho silang nasa college ni Chelly at Ate Len. Ang kwento ni Chelly, kinakapos sila sa budget kaya nagdesisyon daw si Badong na huminto muna sa pagaaral. Patay na din kasi ang Tatang nila. Ang Lola Cora nila ang tumutulong at nagpapaaral sa kanila. Sina Chelly at Ate Len na lang muna ang nag-aral tutal naman daw ay isang sem na lang ay gragraduate na si Ate Len. Nangako naman daw si Ate Len na papagaralin niya si Badong pag naging nurse na siya. "Mukhang hindi din. Tiyak na gagawa ng paraan si Nana Linda na mapagaral ka dahil unica iha ka. Saka ikaw din mismo, tiyak na gagawa ka ng paraan para makatapos ka ng pagaaral. Madiskarte ka din eh. Sabi nga ni Chelly, may part time job ka daw. Ikaw daw ang gumagawa ng plano ni Architect Caparas at ng mga kaibigan ni Architect Caparas. Bukod sa may mga scholarship ka pa. Saka wala ka daw kaarte arte sa katawan kaya tiyak ako na kaya mong itaguyod ang sarili mo kung ganoon ang naging sitwasyon mo dahil matipid ka." Ani ni Badong na ikinagulat ko kasi parang kilalang kilala niya ang pagkatao ko. "Parang kilalang-kilala mo ako ah kahit hindi tayo naguusap dati." Hindi ko na napigilang sabihin ang saloobin ko. "Oo naman. Kilalang-kilala kita, Mari Yzebelle Santo Domingo. Madalas kasing magkwentuhan ang Inang at si Chelly tungkol sayo. Giliw na giliw kasi sayo ang Inang kaya laging nagpapakwento kay Chelly tungkol sayo. Pati ako ay nakikinig din sa kwentuhan nila. Tapos si Majhoy. Kinuwento din niya sa akin na dati nga daw close kayo at yung mga alam niya tungkol sayo nung tinanong ko siya kung bakit part kayo ni May Ann ng 18 candles niya. Pareho ng sinabi sina Chelly at Majhoy. Hindi ko kasi alam na magkababata kayong tatlo nina May Ann. Mabait ka nga daw, matalino at marunong makisama once na makaclose ka. Di ka nga daw pumipili ng kakaibiganin. Simple ka daw at down to earth kahit na may karapatan ka naman daw na magyabang dahil unica iha ka ni Nana Linda na kilala dito sa barangay natin. Wala ka daw kaarte arte sa katawan kahit na beauty and brains ka." Nakangiting saad ni Badong na ikinatalon ng puso ko. Kalma ka lang puso. "Alam mo kanina mo pa sinasabi na beauty and brains ako. Baka maniwala na ako niyan." Pabiro kong tugon kay Badong. "Totoo naman na beauty and brains ka, Yze. Kung hindi ko nga lang girlfriend na si Majhoy e ako na ang manliligaw sayo. Hindi ko na irereto si Jhe sayo." Pagtatapat ni Badong. "Ano ba yan? Lokohan na yata tong paguusap natin." Ani ko. Honestly, lalo akong kinikilig deep inside. Ayaw ko lang ipahalata kay Badong. "Hindi ah. Totoo ang sinasabi ko. Kung naging close lang kayo agad ni Chelly at nadalas ang pagpunta mo dito sa amin noon, ikaw ang liligawan ko. Hindi si Majhoy. Kaso yun nga, kahit na mas una kitang nakilala at nasilayan kesa kay Majhoy pero si Majhoy ang mas madalas kong nakakasama at nakakausap dahil pareho kaming member sa Samahan ng Kabataan dito sa Barangay natin. Hindi ka kasi palalabas ng bahay nyo. Nakikita lang kita pag natatapat na pag bumibili ako sa tindahan niyo na ikaw ang nakabantay o kaya pag naiimbitahan kayo ni Nana Linda ng Lola Cora pag may handaan dito sa amin. Hindi ko naman masabi kay May Ann kasi may pagkamadaldal yung pinsan ko na yon. Tapos yun nga, nagalangan ako dahil sa estado ng buhay natin na malaki ang pagkakaiba kaya ayun, si Majhoy ang niligawan ko." Paglalahad ni Badong. Tek. Confession time ba today? Sana hinintay mo na lang akong lumabas ng bahay namin para ako na lang ang niligawan mo. Manghinayang daw ba, Mari Yzebelle. Saway ng utak ko. "Alam mo as long as pareho tayong nakatuntong sa lupa, pareho lang tayo ng estado sa buhay. Bukod sa darating yung time na pare-pareho tayong magiging alikabok. Kaya kalimutan nyo yung sinasabi nyo na pagkakaiba ng estado sa buhay dahil pare-parehas lang tayo. Kung hindi kakayod, hindi makakakain gaya ng sabi ko kanina." Pagpopoint out ko kay Badong. "Kunsabagay may katwiran ka. Yun din ang sinabi sa amin ng Nana Linda noon nung biniro namin siya na kung pwede ka ba naming maging kaibigan." Saad ni Badong. "Ano ang sinabi ng Nanay ko?" Nagtataka kong tanong. "Close kayo ni Nanay?" Pabiro ko pang tanong. "Hindi naman sa close pero nakakakwentuhan din namin siya pag nasa tindahan nyo kami. Saka mabait kasi ang Nana Linda. Hindi namimili ng kakausapin. Ang sabi niya na iyon nga, wag daw kaming magalangan na makipagkaibigan sayo kasi nga daw gaya ka din nya na wala sa kanya yung esta-estado sa buhay na sinasabi namin ng Tropang Tambays dahil ganun ka din daw na pantay pantay ang tingin sa lahat ng tao. Gusto nga daw niya na magkaroon ka ng mga kaibigan dito sa lugar natin para naman daw hindi ka nakasubsob lagi sa mga plates na ginuguhit mo or nakakulong sa bahay saka sa tindahan nyo. Kailangan mo din daw ienjoy ang kabataan mo at pagdadalaga mo kaya masaya daw siya pag lumalabas kang kasama ang ibang Kanto Girls." "Si Nanay talaga. Mas worried pa sa pagdadalaga ko kesa sa akin." Natatawa kong saad. "Tama naman si Nana Linda. Baka maloka ka na pag puro plates, ruler at drawing materials ang nasa harap mo lagi. Magrelax ka din naman kasi." Giit ni Badong. "Nagrerelax naman ako." Giit ko naman. "Sige nga. Ano ang ginagawa mo para marelax ka, aber?" Urirat ni Badong sa akin. "Nagbabasa ng mga novels. Nakikipagbonding kina Chelly pag pinupuntahan nila ako sa bahay. Nagbrowse sa internet. Tumatambay sa kanto." Pagpapaliwanag ko. "Ang sinasabi kong relaxation, yung lumalabas ka ng bahay nyo para maarawan ka at makalanghap ng sariwang hangin." Pagpopoint out naman ni Badong. "Lumalabas naman ako ng bahay namin. Nagpapaaraw naman ako tuwing umaga pag wala akong pasok." Pangangatwiran ko. "Sa labas ng bahay nyo pero sa loob pa din ng bakuran niyo." Nakangising saad ni Badong. "Lumabas ka naman ng bakuran nyo at wag naman hanggang sa kanto lang." Tatawa-tawang dagdag pa ni Badong sa sinabi niya. "Saan naman ako pupunta?" Mariin kong tanong. "Dito sa amin o kaya kina May Ann o kaya kina Lorin o Dhorie." Saad ni Badong na tila iyon ang normal na gawin. "Eh." Nagaalangan kong tugon. "Anong eh?" Napakunot naman ang noo ni Badong na tanong sa akin. "Nakakahiya kaya. Ayoko din namang makaistorbo. Saka hindi naman kasi ako sanay na nangangapitbahay." Pagpapaliwanag ko. "Minsan lang naman. Hindi naman araw araw. Saka ano naman kung araw arawin mo ang pagpunta mo dito. Natutuwa kaya si Inang pag andito ka. Saka sumama ka din sa amin pag may mga lakad kami. Nung nakaraan na nagswimming kami sa Batangas kasama sina May Ann, Dhorie at Lorin, hindi ka sumama. Tinanong ko si Chelly kung hindi ka nila inaya. Sabi ni Chelly, ayaw mo daw sumama kasi sabi mo daw family event namin yon." Tila naninitang saad ni Badong. "Totoo naman na family event nyo yon. Nakakahiya naman kung sasama ako." Tugon ko. "Bakit sina Lorin at Dhorie sumama saka si Iking? Ikaw nga lang sa barkada nyo ang hindi nakasama. Si Majhoy nga isinama ko din pati si Pot." Tila nagtatampong saad ni Badong. "Si Lorin at Dhorie, halos kapamilya nyo na. Si Lorin, bale magiging hipag na niya si Ate Len mo pag kinasal sila ni Kuya Hanz. Si Dhorie naman, halos kapatid nyo na kasi nga magkababata sila ni Chelly. Halos sa inyo na siya lumaki. Si Majhoy, magiging asawa mo if ever kaya magiging bayaw mo na si Pot. Si Iking, matagal nyo na siyang kabarkada. Samantalang ako…" Pagpapaliwanag ko na sinadya kong hindi tapusin. "Ano ka?" Tanong ni Badong. Para siyang professor ko na naghihintay ng sagot mula sa akin. "Walang connection sa pamilya nyo." Pageemphasize ko. "Ay sus, Yze. Hind pa ba connection sa pamilya namin yung pagiging magkaibigan nyo ni Chelly at ni May Ann? Alisin mo sa isip mo na ibang tao ka sa amin dahil pamilya na din ang turing namin sayo. Anak na nga ang turing sayo ng Inang di ba saka close din kayo ni Ate Len. Kung kayo ni Nana Linda ay hindi tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. Kami naman ay pamilya na ang turing namin sa mga nagiging kaibigan namin." Pagpopoint out ni Badong. "Malay ko ba. Saka syempre andun yung apprehension ko dahil hindi ko pa naman kaclose ang barkada nyo. Kabatian ko lang kayo ng barkada nyo pero hindi ko pa kayo nakakausap ng ganito. Kaclose ko nga si Chelly, si Ate Len at ang Inang pero ikaw hindi pa. Ayoko din namang lumampas sa dapat na hangganan ko." "Hindi sinabi sayo ni Chelly at May Ann na pag kaibigan namin e pamilya na din ang turing namin?" Tanong ni Badong. "Sinabi." "Hindi ka pinilit sumama?" "Pinilit." "Hindi ka inaya ni Inang?" "Inaya." "Eh bakit di ka sumama?" "Kasi nga andun yung apprehensions ko na baka ma-out of place ako." "So ang tingin mo pala sa amin ay judgemental?" Tila nagtatampong tanong ni Badong. "Hindi naman sa judgemental kayo. Hindi naman kayo kundi ako. Baka di ko masabayan yung trip nyo. Nagegets mo ba ang ibig kong sabihin?" "Oo naiintindihan ko. Ganun din kasi kami sayo. May apprehensions din naman kami ng Tropang Tambays sayo kaya nga hindi kita niligawan." Ani ni Badong. Need ba talagang iremind na hindi nya ako niligawan? Kainis. "No need to explain na ako?" Tanong ko sa kanya. Nakangiting tumango si Badong. Ang gwapo niya lalo pag nakangiti. "Tinitignan ko lang kasi kung makakampante ka na habang kausap kita. Nabanggit kasi sa akin ni Chelly na ilag ka daw sa akin." Nakangising saad ni Badong. "Hindi lang naman sayo ako ilag kundi pati na sa mga barkada mo." Pagpopoint out ko. "Mga suplado kasi kayo." Dagdag ko pa at tinaasan ko pa ng isang kilay ko si Badong na ikinatawa nya. Mayamaya lang ay lumabas na din ang barkada ko at ang barkada ni Badong sa tarangkahan. Doon na namin inintay ang inorder kong pagkain. "So pano yan. Tropa na tayo." Ani ni Badong habang kumakain kami. Tinignan niya kami nina Dhorie at Lorin. "Oo." Tugon ko. "Oo, Kuya Badong." Tugon naman nina Lorin at Dhorie. "Welcome sa Tropang Tambays, Kanto Girls." Masayang saad ni Onnie. "May mga muse na ang tropa natin." Tuwang tuwa namang turan ni Iking. "Dagdag tulong para sa paggayak sa fiesta." Saad naman ni Pot. "Kahit naman hindi nyo kami tropa, magsabi lang naman kayo e tutulong naman kami." Tugon ko. "Weh, di nga." Kantyaw ni Iking. "Oo naman." Tugon ko. "Di ka naman palalabas ng bahay nyo, Yze. Hanggang sa tindahan ka lang naman at sa Kanto." Ani naman ni Pot. "Lumalabas din naman ako pag inaaya nila ako." Pangangatwiran ko. "Pero hindi araw araw." Saad ni Lorin. "May mga need tapusin na plates para sa school at para kay Architect Caparas kasi saka need ko din tulungan si Nanay sa tindahan. Bukod sa kailangan kong i-maintain yung grades ko para hindi mawala yung scholarship ko." Tugon ko. "Kunsabagay. Wala naman ibang nakakatulong si Nana Linda kundi ikaw lang. Eh yung tiyuhin mo naman na si Tata Rudy na dapat katulong ni Nana Linda sa tindahan, pag naaya sa inuman e to the max. Kala mo wala ng bukas pag uminom." Saad ni Iking. "Totoo yan. Tapos si Nana Nina naman, laging nasa looban. Sumasagap ng tsismis." Ani ni Dhorie. "Kaya nga eh. Kaso sabi nga ni Nanay, kesa daw wala kaming kasama sa bahay kaya pagpasensyahan na lang namin si Tata Rudy at si Nana Nina." Saad ko. "Ang bait talaga ng Nana Linda." Ani ni Iking. "Ay OO. Hindi ko kayang pantayan yung kabaitan ni Nanay ko." Pagsangayon ko. "Mabait ka din naman, Yze. May pagkasuplada ka nga lang kung minsan." Pabirong saad ni Onnie. "Kayo din naman ah. Mga suplado din kayo kaya nga iwas ako sa inyo." Resbak ko. "Hindi ah." Pagkontra ni Pot. "Sus totoo kaya. Remind ko lang kayo na hindi kabawasan sa pagkatao yung ngingiti din kayo. Hindi yung pa-artista effect kayo na mahal ang mga ngiti." Pabiro kong kantyaw kay Pot. "Ganoon ba ang dating namin?" Tanong ni Onnie. Tumango ako pati sina May Ann, Chelly, Dhorie at Lorin. "Ano kasi Kuya Onnie. Kung hindi namin kayo kilala baka gaya din kami ni Ate Yze na iiwas sa inyo. Iba kasi yung dating ninyo pag magkakasama kayong naglalakad sa daan. Tama si Ate Yze. Mahal ang mga ngiti nyo." Paglalahad ni Chelly. "Totoo ang sinabi ni Chelly saka ni Yze. Yun bang giba ang sinumang bumangga sa inyo pag nakasalubong kayo sa daan." Dagdag ni May Ann. "Maski nga ako, pag alam kong andito kayo eh nagdadahilan na lang ako kay Chelly para hindi ako papuntahin dito. Kasi nga natatakot ako sa inyo." Pag-amin ni Dhorie. "Ikaw, Lorin?" Baling ni Onnie kay Lorin. "Sanay na ako sa inyo kasi kabarkada nyo din naman ang mga kuya ko. Sabi nga ni Kuya Hanz, front nyo lang daw yung kunwari astig kayo at suplado. Mga may sayad din daw kayo gaya nya kaya di ako naiilang sa inyo. Saka sabi nga ni Kuya Sito, pag daw binully nyo ako, isumbong ko daw kayo sa kanya." Ani ni Lorin sabay tawa. "Tama ako di ba?" Pabiro kong tanong kay Onnie. "Oo na. Tama ka na. Suplado na kami." Pagsuko ni Onnie na ikinatawa naming mga babae. "Di bale, babawi kami sayo, Yze. Pag natapat na ikaw ang bantay sa tindahan nyo at wala din naman kaming lakad, sasamahan ka namin para may tagabuhat ka man lang or security guard mo." Ani ni Badong. "Seryoso?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Oo naman. Di ba sabi ko sayo kanina na pag naging kaibigan namin, pamilya na ang turing namin. Saka tambay lang naman kami di ba kaya kesa sa bakanteng lote kami tumambay, sasamahan ka na lang namin magbantay sa tindahan nyo. Saka para masigurado na din namin na walang ibang aaligid sayo bukod kay Insan Jhe. Tama ba ako mga tropa?" Ani ni Badong. "Tama." Magkakasabay pang saad nina Pot, Iking at Onnie. Si Jhe, ayun tahimik pa din sa sarili niyang mundo. Di man lang supportive sa sinabi ni Badong e para sa kanya naman yung gagawin ng tropa niya. "Aba e kahit ganoon ang rason nyo, maraming salamat pa din sa balak nyong gawin." Nakangiti kong tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD