CHAPTER 4

1265 Words
"Hoy, Yzebelle. Baka naman nagsuot ka pa ng bestida dyan." Narinig kong sigaw ni Badong mula sa labas ng kwarto ko na pumukaw sa pagbabalik tanaw ko. "Andyan na." Balik kong sigaw mula sa loob ng kwarto ko. Agad agad kong ipinusod ang buhok kong lagpas balikat ang haba at kumuha ng panyo mula sa drawer ko. Tinignan ko pa ang kabuuan ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Beautiful ka pa din, Mari Yzebelle. Ani ko pa sa sarili ko. Hahaha. Pero hindi sapat para ligawan ka ni Badong. Kantyaw ng utak ko. Hays. "Nagmamadali naman." Himutok ko ng makalabas ako ng kwarto ko. "Aba eh ang tagal mo kaya." Reklamo ni Iking. "Oo nga. Nagugutom na nga ako e nagkupad ka na naman." Gatong naman ni Pot. "Sus. Mga reklamador. Tara na nga kayo." Depensa kong saad at nagpatiuna na ako sa paglabas ng pinto ng bahay namin dahil tiyak na may maririnig din ako mula kina Badong at Onnie pag nagtagal pa kami. "Nay, aalis daw po muna kami. Ipinagpaalam na daw po nila ako sayo." Pagpapaalam ko kay Nanay. "Oo, Anak. Magingat kayo. Huwag kayong magpagabi masyado." Bilin ni Nanay sa akin. "Opo, Nay. Kakain lang daw po kami sa diversion. May gusto ka po bang ipabili?" Ani ko. "Wala naman. May ulam naman tayo." Tugon ni Nanay sa akin. "Kayo na bahala kay Yzebelle ha." Baling ni Nanay sa Tropang Tambays. "Opo, Nana Linda." Magkakasabay naman na tugon ng lima na parang choir lang. Hahaha. Nagulat pa ako ng may tumawag sa pangalan ko nang makalabas kami ng tindahan. "Yze." Si Neil at may dala siyang bulaklak. "Aalis ka?" Tanong pa niya. "Eh, Oo, Neil, paalis ako. Ikaw, saan ang punta mo?" Tanong ko kahit na may kutob na ako kung ano ang isasagot ni Neil. "Dyan sana sa inyo. Dadalaw sana ako sayo." Tugon ni Neil. Halata sa mukha niya ang kalungkutan. "Naku, sorry, Neil. May lakad kasi kami. Eto nga paalis na kami. Pasensya ka na." Ani ko at kasabay nito ay may humintong jeep sa tapat namin. "Sasakay ba kayo?" Tanong ng driver ng jeep sa amin. "Sasakay daw ba tayo?" Madiing tanong ni Badong na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Lahat pala sila ay nakatingin sa akin. Naghihintay ng sagot mula sa akin. "Opo, Manong. Sasakay po kami." Tugon ko. "Pasensya na, Neil. Sa ibang araw ka na lang bumalik. Sorry talaga." Ani ko at nagmamadali na akong sumakay ng jeep dahil ang mga mababait kong kasama ay nauna ng nagsisakay sa jeep. Hindi man lang ako hinintay gaya dati na pinauuna nila akong sumakay ng jeep. Kairita. Imbes na magsiusod ang mga mababait kong kasama para makaupo agad ako ay talagang hindi sila gumalaw. Sa pinakadulo pa nila ako pinaupo. Tapos yung dalawang katabing babae ni Iking sa dulo ay umusod din palapit kay Iking kaya napahiwalay ako sa kanila. Sa kabilang side sa pinakadulo ako naupo. Buti na lang at pinaandar lang ng driver yung jeep ng makaupo na ako. Nang makaupo ako ay binalikan ko ng tingin si Neil. Nakita ko siyang papasok sa tindahan namin. Siguro ibibigay na lang niya kay Nanay yung bulaklak kung para sa akin yon o kaya ay kay Nanay siya makikipagkwentuhan. Close naman sila ni Nanay bukod sa Miss Friendship naman si Nanay saka matagal ng suki ni Ka Nilda na nanay ni Neil si Nanay. Kay Ka Nilda nagpapagupit si Nanay. Minsan ay nagpapagupit din ako kay Ka Nilda noon pero ngayong nanliligaw na sa akin si Neil ay sa Bayan na ako nagpapagupit. Lagi kasi akong natatanong at nalalagay sa hot seat kay Ka Nilda. Lagi niyang inuurirat kung ano na ang status ng panliligaw sa akin ng anak niya. Hindi naman ako makasagot dahil para namang kabute ang panliligaw ni Neil sa akin. Pasulpot sulpot lang. Hindi siya consistent na every week ay pumupunta sa bahay. Pati nga pagtetext ay madalang din. Nang tinignan ko naman ang mababait kong kasama, aba eh, sabay sabay pa sila na iniwasan ako ng tingin. Lahat sila ay hindi man lang ako tinitignan kung ok lang ba ako sa kinauupuan ko. Naku naman talaga. Humanda kayo sa akin mamaya. Kokonyatan ko talaga kayo. Ani ko sa isip ko. "Talagang binalikan mo pa ng tingin kanina yung Neil na yon." Narinig kong saad ni Badong na katapat ko ng upuan sa loob ng sizzlingan na tila naninita ang tono ng boses. Kakatapos lang naming umorder sa waitress na lumapit sa amin kanina ng umupo kami sa mesa na napili naming pwestuhan. Medyo maraming customer dahil nga Sabado ngayon. Magkakatabi sina Jhe, Badong at Onnie sa kabilang side ng mesang inookupa namin. Napapagitnaan naman ako nina Pot at Iking sa kabilang side na dingding ang likod. Imbes na sumagot ako ay kinonyatan ko sa mga ulo nila sina Iking, Pot, Onnie at Badong. Mahina lang naman. "Aray." Isa isa nilang saad ng makonyatan ko sila. "Para saan yon?" Tanong ni Iking habang hinihimas ang ulo niya. "Para yan sa pagiwan nyo sa akin kanina. Talagang nagpatiuna pa kayo sa pagsakay ng jeep. Tapos imbes na magsiusod kayo, eh talagang doon nyo pa ako sa pinakadulo pinaupo. At ni isa sa inyo, wala man lang naghintay sa pagbaba ko ng jeep. Nagsipasukan na kayo agad dito. Kairita kayo ah. Parang hindi nyo ako kasama ah." Mataray kong saad. "Eh bat si Jhe, hindi mo kinonyatan?" Reklamo ni Pot. "Dahil lagi naman talaga yang nagpapatiuna. Never naman akong pinauna nyan sa pagsakay pag kasama natin yan o intayin man lang ako sa paglakad. Pero kayong apat, naku, ewan ko talaga sa inyo. Pinagkaisahan nyo na naman ako." Nanggigigil kong saad. "Nakikipagusap ka pa kasi kay Neil kanina kaya sabi nitong si Badong na mauna na kaming sumakay. Akala ko naman, hihintayin ka nya." Ani ni Onnie habang hinihimas ang ulo niya. "Ikaw ang may kasalanan nito kaya tayo nakonyatan." Saad pa ni Onnie kay Badong at siniko pa ni Onnie ang pinsan niya. "Baka kasi kako nagbago ang isip mo na sumama sa amin dahil dumating yung manliligaw mo." Sarcastic na saad ni Badong. "Hello!!! Ano ba ang sinabi ko kay Neil? Di ba ang sabi ko aalis kami. Pati na kay Manong Driver, di ba ang sagot ko sasakay po kami. Kami, di ba. Hindi naman sila. KAMI." Nakataas ang isang kilay kong saad habang nakahalukipkip ang dalawang kamay ko sa tapat ng braso ko. "Kung sinama nyo lang pala ako para supladuhan nyo at susungitan ngayon, aba eh uuwi na lang ako." Ani ko at umakmang tatayo na. Agad namang tumayo sina Iking, Pot, Badong at Onnie. Humawak sa magkabilang balikat ko sina Iking at Pot. Sina Badong at Onnie naman ay inabot ang braso ko para paupuin ulit ako. Takot naman pala silang layasan ko. Hahaha. As usual, deadma na naman sa pagiinarte ko si Jerardo. Nakaupo lang siya at pinanonood kami. Tila hahayaan na umalis ako or hindi siya naniniwala na aalis ako. "Manahimik ka nga lang dyan, Yzebelle." Nayayamot na saad ni Badong. "Wag mo akong bad tripin lalo." Tila nagbabantang sabi niya sa akin. "Ay, inaano ba kita, Salvador?" Tugon ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Wala kaya umupo ka na lang dyan, Yzebelle." Masungit na utos sa akin ni Badong. Nakakunot pa din ang noo niya. Aba, potek. First time 'to na sinungitan ako ni Badong. Sa kanilang apat mas mahaba ang pasensya ni Badong sa akin. Si Onnie naman ang pinakamaikli. Mapangasar naman sina Pot at Iking. Sasagot pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko. 1 message received.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD