CHAPTER 5

1438 Words
1 message received ang nagappear sa screen ng cellphone ko na ng tinap ko ay galing kay Iking. Iking: Ze, nag away si Badong at si Majhoy kaya mainit ang ulo ni Badong. Wag ka na munang sumagot. Wag mo ng patulan. Ok?!?!? Tinignan ko si Iking. Pinandilatan pa niya ako na tila sinasabi niya na manahimik na ako. Pasimple pa nyang hinila pababa ang t-shirt ko para umupo ako. Hays. Behave Yzebelle. Ani ko sa isip ko pero inirapan ko muna si Badong na nakatingin sa akin. "Iihi lang ako." Ani ko maya maya sabay tayo. "Samahan mo yan, Iking. Baka takasan tayo nyan." Masungit pa ding saad ni Badong. Tinignan ko naman siya ng pairap. "Kung gusto nyo, sumama pa kayong lahat sa loob ng CR para hindi ako makatakas. Sa susunod, wag nyo na akong isasama kung may mga topak kayo. Hayaan nyo na lang ako na manahimik sa bahay namin kesa sungitan nyo ako. Tara na nga, Iking." Pataray kong saad at naglakad na ako kasunod si Iking papunta sa CR ng sizzlingan. "Ano na naman ba ang pinagawayan nina Badong at Majhoy?" Tanong ko kay Iking nang nasa hallway na kami papunta ng CR. "As usual selosan blues. Yun naman ang madalas pagawayan nung dalawang yon." Saad ni Iking. "Sinong nagselos? Si Badong o si Majhoy?" Urirat ko. "Iihi ka ba talaga, Yzebelle, o maguurirat ka lang tungkol kina Majhoy at Badong kaya tayo andito?" Nakangising tanong ni Iking. "Iihi po. Masama bang magtanong? Saka ako ba ang nagsabi sayong samahan mo akong umihi?" Ani ko. Inirapan ko din si Iking at pumasok na ako sa loob ng CR. Nang makabalik kami ni Iking sa pwesto namin ay naiserve na ang mga inorder namin. Naguumpisa na silang kumain kaya tahimik na lang din akong umupo gaya ni Iking at nagumpisa ng kumain. Sizzling liempo ang inorder ko. As usual masarap pa din ang pagkain dito sa sizzlingan kaya paborito naming dito kumain pag mga sizzling ang trip namin bukod sa mura lang. Pag goto naman ay sa katapat na gotohan nitong sizzlingan kami kumakain. Naghilera kasi dito sa diversion road ang mga kainan, gimikan at bar. Pag pumupunta ang Tropang Tambays dito sa diversion na kasama ako ay never silang pumunta sa bar. Ayaw nila na kaharap nila ako habang nagiinuman. Maski pag sa tindahan namin sila umiinom ay itinatapat nila na si Nanay ang bantay or yung wala ako sa bahay mula ng maging close kami. Tahimik lang kaming kumakain na anim. Walang kumikibo. Hindi gaya dati na ang ingay ingay namin pag kumakain kami dito. Halatang may something sa amin. Hindi ko sila tinitignan lalo na ang katapat ko na si Badong habang kumakain kami. Nakatuon lang ang mga mata ko sa kinakain ko. Damay damay na. Ani ko pa sa isip ko. Nakadalawang subo na ako ng inorder ko ng itapat ni Badong sa harap ko ang kutsara niya na may laman na kanin at sisig para isubo sa akin. Ganoon kasi si Badong. Nakagawian na niya na subuan ako pag kumakain kaming magkakasama, magkaiba or parehas man ang inorder namin. Daig pa namin ang magkasintahan di ba. "Uy, Yzebelle. Sorry na. Bati na tayo." Nakangiti niyang saad sa akin at mas inilapit pa sa akin ang kutsara niya. Nagroll over pa muna ako ng mga mata ko at sumimangot sa kanya saka ko ibinuka ang bibig ko. "Hay, salamat. Pwede ng magsalita." Ani ni Pot. "Ang hirap maging tahimik." Dagdag pa niya na ikinatawa naming lahat. "Oo nga. Daig pa natin ang nasa simbahan kanina." Himutok ni Onnie. "Kala ko mapapanisan na ako ng laway sa pananahimik natin." Ani naman ni Iking. "Nagsusungit kasi yung isa dyan." Saad ko. Akmang sasagot pa sana si Badong pero inunahan na siya ni Onnie. "O, maguumpisa na naman kayo. Bati na nga kayo di ba." Pagpapaalala ni Onnie. Nag-peace sign na lang ako ng makita ko na pati si Onnie ay nakakunot na ang noo. Nginitian naman siya ni Badong. Itinaas naman ni Badong ang kamay niya na nakaharap ang palad sa akin. Senyas yun na maghigh five kami na siya namang ginawa ko. Itinaas ang kamay ko at nakipaghigh five kay Badong. "Nanliligaw pa pala sayo, Yze, yung si Neil. Akala ko tumigil na yon." Saad ni Onnie. "Di ba nabanggit ko na sa inyo yun na parang kabute yang si Neil. Lulubog. Lilitaw. Minsan magtetext. Matagal na hindi magpapakita. Hindi nga consistent sa panliligaw sa akin kaya paano ko siya magugustuhan. Kung kayo ang babae, mahuhulog ba ang loob nyo sa lalakeng nanliligaw sa inyo na madalang pa sa patak ng ulan sa tag araw kung dumalaw at magpakita? Ngayon nga lang ulit lumitaw yun after ng ilang buwan." Ani ko. "So ibig sabihin, wala ka pang nararamdaman para kay Neil?" Tanong ni Iking. "Wala." Mariin kong saad. "Aba eh ilang taon ng nanliligaw sayo si Neil ah." Ani ni Pot. "Mag lilimang taon na yata. Limang taon na siyang ganyan na pasulpot sulpot lang pag naisipan nyang manligaw at dumalaw kaya paano magiging stable ang feelings ko if ever man na meron kung ganoon siya." Pagpopoint out ko. "Para kang nanghihinayang na hindi consistent sa panliligaw nya sayo yung Neil na yon ah?" Tila naninita na tanong ni Badong. "Ako nanghihinayang? Hindi ah. Mas ok nga yung wala akong boyfriend kasi nga sa plates pa lang na ginagawa ko para sa school requirements ko pati na yung kina Architect Caparas eh hindi na ako magkandaugaga, magboboyfriend pa ako eh di lalo na akong humilahod. Saka baka lalong hindi nyo ako makita pag may boyfriend ako. Kung kayo nga pag may mga girlfriend kayo e nagdidisappearing act kayo. Di ba? Di ba? Di ba?" Saad ko at halos magkakasabay pang tumango sina Onnie, Pot at Iking. "Si Badong lang naman ang simula sa umpisa na kahit may girlfriend e lagi pa ding nagpapakita sa akin. Kaya nakakatiyak ako na ngayon e single kayong tatlo dahil madalas ko kayong nakikita." Ani ko sabay turo kina Onnie, Pot at Iking. "Kabisado mo na talaga kami." Ani ni Onnie. "Sa loob ba naman ng mahigit na dalawang taon na tayong magkakaibigan eh hindi ko pa ba kayo makakabisado. Saka matagal tagal na din na hindi kayo nagpapagawa ng love letters at nagpapabili sa akin ng mga panregalo nyo sa mga The One nyo." Tugon ko. "Oo na. Tama ka. Single nga kami ngayon." Pag-amin ni Iking. "Anong nangyari ba kasi? Akala ko ba sila na ang mga The One nyo?" Urirat ko. "Marami kasing arte sa katawan si Marlyn pati sa kung saan kami kakain. Napakaselan. Ayaw sa carinderia lang. Puro fast food ang alam." Ani ni Onnie. "Di gaya mo na kahit sa bangketa ko lang isama na kumain e ok lang. Fish balls at squid balls lang e napakasaya mo na. Minsan kong inaya sa Lina's, sinabihan pa akong ang cheap ko daw samantalang paborito nating dalawa yung palabok doon." Dagdag pa ni Onnie. Napailing na lang ako. "Eh ikaw naman?" Tanong ko kay Pot. "Aba e gusto lagi naka-pekpek shorts at kuntodo pa sa make-up. Daig pa ang sasagala sa kapal ng make up yang si Che." Dismayadong saad ni Pot. "Di gaya mo na pag sinabihan namin na magpalit ng damit e sumusunod agad. Walang kolorete sa mukha. Aba e si Che, kulang na lang panty at bra ang isuot pag lalabas kami tapos ubod pa ng kapal ang lipstick. Nung pinagsabihan ko aba e ang sagot ba naman sa akin, ikinukumpara ko na naman daw sya sayo, Yze, e ni pangalan mo nga e hindi ko naman binanggit." Napakamot pa sa ulo niya si Pot. Napahawak naman ako sa noo ko. Tinignan ko si Iking. "Ano naman ang kwento mo?" Tanong ko. "Ako naman napakaselosa ni Karina. Ang gusto siya lang ang titignan ko. Dapat daw kami lagi ang magkasama pag wala akong pasok. Kulang na lang itali ako sa bewang nya. Pati nga ikaw e pinagseselosan, Yze. Lagi na lang daw ikaw ang pinupuntahan ko. Ang kitid ng utak. Hindi mo kagaya na understanding. Sinabi ko sa kanya na paano ko siya pupuntahan e ang sama lagi ng tingin sa akin ng Tatay nya. Hindi naman nya magawang kausapin ang Tatay nya. Hindi gaya ng Nana Linda na malayo pa lang nakangiti na agad pag nakita kami." Himutok ni Iking. Napapailing na lang ako habang nakahawak sa noo ko sa mga narinig ko mula kina Pot, Iking at Onnie. "Eh ikaw naman, masungit na nilalang? Bakit naman kayo nag-away ni Majhoy?" Usisa ko kay Badong. Naramdaman kong tinabig ni Iking ang paa ko gamit ang paa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD