CHAPTER 6

1764 Words
"Paano mo naman nalaman na nag-away kami ni Majhoy?" Gulat na tanong ni Badong. "So nag-away nga kayo kaya ka masungit kanina. Nahuhuli ang isda sa sarili nitong bibig." Ani ko na tinugunan ni Badong ng pagtango. Ako naman ang tumabig sa paa ni Iking gamit ang paa ko. "Nagtatampo yung Kababata mo kasi nga daw hindi ako madalas na nagpapakita sa kanya. Gaya daw ngayon na imbes daw kami ang mag-date, kayo ang kasama ko. Ang sabi pa niya, mas madalas pa daw kitang makasama kesa sa kanya. Eh siya tong may gusto na sa Maynila mag-aral at tumira sa dorm tapos ako ang sasabihan na walang panahon sa kanya." Pag-amin ni Badong. Hay naku, sumasakit ang ulo ko sa apat na 'to pati na sa mga The One nila. Grabe ang insecurities sa katawan ng mga The One nila ah. "Eto lang naman ang tanong ko sa inyo, mahal nyo ba? Sigurado na ba kayo sa mga sarili nyo na sila na ang The One for you?" Urirat ko. Yun kasi ang madalas na sinasabi sa akin nina Onnie, Pot at Iking na sina Marlyn, Che at Karina na daw ang The One para sa kanila. Ang papakasalan nila at magiging ina ng mga anak nila. Si Badong lang naman ang hindi ko pa nariringgan na si Majhoy na ang The One nya. Parang ako lang yata ang madalas na nagsasabi na si Majhoy na ang magiging asawa niya. Si Jhe naman, wala akong alam tungkol sa usaping puso niya. Hini ko alam kung may lovelife ba yung isa na yon o wala. Ako naman, stuck in traffic pa yata kung saang lupalop ng mundo ang The One for me. Stuck in traffic nga ba o may nagmamayari ng iba sa puso ng sinisinta mo, Mari Yzebelle? Ayan siya sa harap mo. Saad ng utak ko. Tumango sina Iking, Pot at Onnie. Si Badong ay nakatingin lang sa akin. "Eh ganoon naman pala na sigurado na kayo na sila na ang The One nyo, bakit kayo nakipaghiwalay? Bakit hindi nyo suyuin ulit?" Tanong ko. Nanatili silang tahimik. Walang sumagot sa tanong ko. "Di ba ang sabi ko sa inyo na pag mahal, dapat inuunawa. Dapat iniintindi. Dapat pinapaliwanagan. Hindi binibitawan basta basta. Hindi sinusukuan." Pagpapaalala ko sa kanila. "Gusto nyo bang kausapin ko yang mga The One nyo?" Dagdag ko pa. "Huwag na, Yze." Saad ni Pot. "Kung ano man ang problema namin sa mga girlfriend namin, labas ka doon, Yze." Ani ni Onnie. "Oo nga. Hindi ka kasali doon, Yze." Pagsangayon ni Iking. "Kami na ang bahala, Yzebelle, sa mga problema namin sa mga girlfriend namin." Saad naman ni Badong. "Hindi nga ba ako kasali?" Naninigurado kong tanong sa kanila. "Mukhang iisa lang naman ang puno't dulo ng mga problema nyo sa mga girlfriend nyo." Ani ko. "Ano?" Sabay-sabay na tanong ng apat. Si Jhe, ayun nakikinig pa din. "Ako at ang pagiging close ko sa inyo." Tugon ko. "Bakit ikaw?" Tanong ni Badong. "Hinahanap nyo sa mga girlfriend nyo yung ugali ko na hindi naman tama. Kahit ako ang lumagay sa lugar ng mga girlfriend nyo, masasaktan ako pag nalaman ko na ikinukumpara nyo ako sa ibang tao. Lalo na sa ibang babae. At bukod doon ay may isa pang babae sa buhay nyo na kasa-kasama nyo sa mga panahon na dapat sila ang kasama nyo gaya ngayon." Pagpopoint out ko sa kanila. "Hindi naman namin hahanapin sa kanila yung ugali mo kung kikilos sila ng maayos at kung makikinig sila sa mga gusto namin na gawin nila dahil para sa ikabubuti din naman nila yung sinasabi namin. Ang problema kasi sa kanila, para silang nakikipagkumpetensya sayo na hindi naman dapat." Paliwanag ni Iking. "Tama si Iking. Hindi naman sila dapat mainsecure sayo, Yze, dahil magkaiba naman kayo. Iba ka sa kanila dahil kaibigan ka namin. Tropa ka namin na para ka na naming kapatid na dapat nilang tanggapin. Kung gusto nilang magkasundo kami, dapat tanggapin nila na kahit na maging magasawa kami, andyan ka pa din. Parte ka ng buhay namin at wala kaming balak na mawala ka sa mga buhay namin." Saad ni Onnie. "Iyon din ang sinabi ko kay Che at kay Ate Majhoy. Wala silang rason para magselos sayo dahil kapatid lang ang turing natin sa isa't isa. Kami yung mga kapatid mong lalake na hindi ka nagkaroon kaya as early as now, dapat tanggapin nila na parte ka na ng magiging buhay namin kung sakali." Ani ni Pot. "Mukhang dapat yata magkaroon na ako ng boyfriend para maniwala yang mga The One nyo na neutral lang ang relasyon natin." Pabiro kong saad. "O kaya maglie low muna tayo pare-pareho. Didistansya muna ako sa inyo para sa ikapapanatag ng loob ng mga The One nyo." Dagdag ko pa kahit na labag man sa loob ko ang sinabi ko. "Magtigil ka nga sa sinasabi mong dista-distansya na yan, Yzebelle, at hindi din kami papayag sa lie low lie low na iniisip mo." Giit ni Badong na nakakunot na naman ang noo. "Saka kahit naman magkaroon ka ng boyfriend, hindi pa din naman kami lalayo sayo. Tama ba ako?" Tanong ni Badong kina Iking, Pot at Onnie. "Oo naman." Halos magkakabasabay na pagsangayon nina Onnie, Iking at Pot. "Babarkadahin pa namin yang boyfriend mo kahit sino man siya kung sakali." Dagdag pa ni Pot. "Ayoko lang nga kasi na nagkakaproblema kayo ng mga The One nyo na ako ang dahilan. Babae din ako kaya naiintindihan ko sila. Syempre pag may mahal ka, ayaw mo ng may kahati. Ng may kasalo. Ganun din sila. Gusto nila, sa kanila lang kayo. Sila lang ang reyna ng mga puso nyo." Paglilinaw ko sa kanila. "Sila naman talaga ang reyna ng mga puso namin. Ikaw naman ang kapatid naming reyna." Pabirong tugon ni Onnie. "Siraulo." Nakataas ang isang kilay kong saad kay Onnie. "Yang kilay mo, tumataas na naman. Hihilahin ko yan." Pagbabanta sa akin ni Onnie. "Tsk. Ayan ibababa na." Himutok ko habang hinihimas ang kilay ko. Ayaw kasi ni Onnie na tinataasan ko siya ng isang kilay ko. "Sabihan nyo nga yang mga The One nyo na magsitigil na sa pagseselos nila kay Yze dahil uumpisahan ko na ang panliligaw ko kay Yze at sisiguraduhin ko na magiging kami ni Yze. Hindi si Neil ang magiging boyfriend ni Yze kundi ako." Saad ni Jhe na tila siguradong sigurado sa sinabi niya. Ay, marunong pala siyang magsalita. Kaso may kakapalan din pala ng mukha na taglay itong si Jhe. Siya daw ang magiging boyfriend? Potek, ang hangin. Imbes na kiligin ako e nayabangan pa ako sa kanya. "Wow. Confidence overload ka talaga ngayon, Jerardo." Sarcastic kong tugon kay Jhe. "Oo naman dahil gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako at mahalin, Mari Yzebelle Santo Domingo." Paninigurado sa akin ni Jhe. "Ay, talaga lang. Tignan natin ha kung hanggang saan yang sinasabi mo na gagawin mo ang lahat at kung magugustuhan nga kita." Nakataas ang isang kilay kong saad na tila chinachallenge ko si Jhe. "Hanggang ipagkatiwala mo na sa akin ang matamis mong OO at mailap na puso." Ani ni Jhe at kinindatan pa ako. Eeeewwwww. Kainis. Tinignan ko si Badong. Tahimik lang siya na nakatingin sa akin. Bakit hindi siya nagrereact? Kumontra ka naman, Salvador. Sigaw ng puso ko. Boyfriend mo siya? Kontra naman ng isip ko. Hays. "Teka nga. Tutal magkakaharap na tayo ngayon. Magkalinawan nga tayo, Jerardo. Yan bang sinasabi mong liligawan mo ako e sariling desisyon mo ha? Baka naman naprepressure ka lang nitong apat na kaibigan mo lalo na tong pinsan mong si Salvador." Diretsahan kong saad kay Jhe. "Magkakaibigan tayo di ba. Kaya sana wag nyo akong isali sa kalokohan nyo. Ok na sa akin yung ganito tayo. Magkakaibigan. Magkakapatid ang turing sa isa't isa." "Totoo nga, Yze. Liligawan na kita. Kung dati ay urong sulong pa ako, ngayon ay desidido na talaga ako. Susuyuin na kita para maging girlfriend ko hanggang sa mapapayag kita." Buo sa loob na sagot ni Jhe sa akin. "Hindi naman sa sinasabi ko na ayaw ko sayo or what. Ang sa akin lang kasi mas ok yung malinaw ang usapan para walang masasaktan at iiyak sa bandang huli. At malinaw ang usapan natin na hindi man maging tayo, walang magbabago sa friendship nating anim. Hindi makakaapekto sa pagkakaibigan natin, anuman ang magiging kakahinatnan ng sinasabi mong gagawin mong panliligaw sa akin. Maliwanag ba?" Saad ko at tinignan ko pa isa isa ang Tropang Tambays na tinugunan nila ng pagtango. "Oo, Yze. Malinaw yan. Maging kayo o hindi man ni Insan Jhe, hindi yon makakaapekto sa pagkakaibigan natin. Hindi kami bibitaw sayo at lagot sa amin si Insan Jhe pag sinaktan ka nya. Tama ba ako mga tropa?" Seyosong saad ni Badong. "Oo." Magkakasabay na saad nina Onnie, Iking at Pot. "Huwag kayong magalala dahil hindi ko sasaktan si Yze bagkus ay mamahalin ko siya ng todo todo. Papatunayan ko sa kanya na deserve ko ang matamis niyang OO. Wala akong balak na lokohin si Yze dahil si Yze ay yung tipo ng babae na hindi niloloko bagkus ay tinototoo." Full of confidence na saad ni Jhe na kahit katiting na kilig ay wala akong kilig na naramdaman. Hays. "May itatama lang ako, Jhe, about sa sinabi mo tungkol sa tipo ng babae na hindi niloloko bagkus ay tinototoo. Kung tunay naman kayong mga lalake, lahat ng babae na liligawan nyo ay dapat tototohanin nyo. Hindi dapat niloloko. Sabi nga di ba ng favorite actor nyo na si Robin Padilla, ang babae ay minamahal. Hindi sinasaktan. Kaya kahit na anong ugali man meron ang isang babae, ano man ang trabaho nya, ano man ang kulay nya or ano man ang gawi nya, pag niligawan nyo, totohanin nyo. Wag nyong paglaruan yong damdamin nya kasi hindi naman sila ang nagsabi sa inyo na ligawan nyo sila di ba. Sabi nga ni Vice Ganda, kayo ang pumasok sa mundo nila. Kayo ang nqgnais na maging parte ng tahimik na mundo naming mga babae kaya sana wag nyong saktan o lokohin ang sino mang babae na liligawan nyo. Kung ayaw nyo talaga sa amin, sabihin nyo ng diretsahan na ayaw nyo na sa amin. Hindi lang para kay Jerardo yung sinasabi ko kundi para sa inyo ding apat. Nagkakaintindihan ba tayo?" Naninigurado kong tanong sa Tropang Tambays. "Opo." Halos magkakabasabay na sagot sa akin ng Tropang Tambays. Siguraduhinn mo lang, Jerardo, yang mga sinasabi mo. Ani ko sa isip ko. Pero si Puso ko, para kay Salvador pa rin tumitibok. Hay naku, malaking problema yan, Mari Yzebelle. Ani ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD