"Ate Yze, di ba si Kuya Badong yon." Saad sa akin ni Dhorie sabay turo sa lalaking nakatayo sa labas ng katapat na fast food. Nandito kami sa loob ng isang bookstore sa isang mall dito sa Malolos. Nagpasama ako kay Dhorie para bumili ng drawing materials ko. Hindi kasi ako nakadaan kahapon sa bookstore sa may Cubao dahil nagmamadali akong umuwi. May pinuntahan kasi kaming birthday ni Nanay.
"Oo, Dhorie. Si Kuya Badong mo nga. Mukhang may hinihintay ah." Saad ko nang matuon ang pansin ko sa itinuturo ni Dhorie. Naka-white shirt, maong pants at white sneakers ang crush ko na si Salvador Lagdameo Jr. Ay, My Love from Afar na nga pala. Kahit na nakasuot siya ng blue cap ay kita pa din ang gwapong mukha ni Badong. Hays. Nag-flip flop na naman ang puso kong sumisinta kay Badong.
Kakawayan ko sana si Badong pero hindi ko na naituloy dahil siya namang paglapit ni Majhoy. Nakita ko na humalik pa sa pisngi ni Badong at agad na umukyabit sa braso ni Badong si Majhoy. How sweet naman. Ani ng isip ko. Aray! Durog na naman ako. Daing naman ng puso ko. Tila nananadya din yung sound system ng mall dahil ang sumunod na tumugtog ay yung kanta ni Roselle Nava na Bakit Nga Ba Mahal Kita?. Aray! Ang sakit namang talaga.
"Tara, Ate Yze. Magpakita tayo kina Kuya Badong at Majhoy." Aya sa akin ni Dhorie.
"Wag na, Dhorie. Hayaan na natin sila tutal hindi naman tayo nakita ni Badong at ni Majhoy." Pagpigil ko kay Dhorie.
"Bakit ayaw mo?" Nagtatakang tanong ni Dhorie sa akin.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.
"Nung nakaraan kasi na kumain kami ng Tropang Tambays sa sizzlingan eh napagusapan namin yung tungkol sa mga The One nila at sa lagi nilang pinagdidiskusyunan. So ayun na nga, nagkadaingan ng mga dahilan ng madalas na tampuhan at pagawayan nila. Si Onnie, maarte at maselan daw si Marlyn. Si Pot naman ay may pagka liberated daw manamit si Che. Si Uging naman ay selosa daw si Karina. Iyan namang si Kuya Badong mo eh nakukulangan daw si Majhoy sa oras na nakakasama niya si Badong. As usual, ginawa na naman nila akong point of comparison sa mga The One nila na hindi ko daw kagaya na inuunawa sila, nakikinig sa kanila, hindi maarte at hindi maselan. Pero sabi ko nga sa kanila na mali yon. Kung ako ang The One nila eh ayoko din naman yung ikinukumpara ako sa iba." Saad ko kay Dhorie.
"At bukod sa mga sinabi mong problema ng Tropang Tambays sa mga The One nila ay pinagseselosan ka ng mga nagmamagandang The One ng Tropang Tambays. Tama ba?" Diretsahang saad ni Dhorie na tinugunan ko ng pagtango. "Narinig kong pinaguusapan yan ni Kuya Badong at ni Kuya Onnie nung isang araw na nasa kina Chelly ako. Sabi mo nga daw na dapat yata daw na magkaroon ka na lang ng boyfriend o kaya maglie low muna kayo. Sabi mo pa nga daw na didistansya ka na lang kamo muna sa kanila pero ayaw pumayag ng Tropang Tambays sa sinabi mo. Tapos narinig ko pa si Kuya Onnie na tinanong si Kuya Badong kung seryoso na nga daw kaya si Kuya Jhe sa sinabi niya na desidido na daw siya na liligawan ka na daw nya." Kwento ni Dhorie.
"Isa pa yang si Jhe. Hindi ko alam kung naprepressure lang ba sa paguudyok ni Badong o talagang seryoso siya na liligawan ako." Himutok ko kay Dhorie.
"May feelings ka ba kay Kuya Jhe? Ilang taon na din na pasundot sundot ang pagpapalipad hangin nya sayo. Para lang din si Neil na lulubog lilitaw. Mga seasonal lang ba." Saad ni Dhorie.
"Kaya nga di ba. Parang panahon lang. Pabago bago kaya paano ko madedetermine kung may feelings ba ako sa kanila o wala." Tugon ko at napabuntong hininga pa ako.
"Matanong nga lang kita, Ate Yze. Magsabi ka ng totoo. Kanino ka ba may nararamdamang kilig sa dalawa? Kay Neil ba o kay Kuya Jhe?" Urirat ni Dhorie.
"None of the above." Diretsahan kong sagot kay Dhorie.
"Seryoso?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Dhorie.
"Oo. Kasi di ba pag marinig mo lang ang pangalan ng taong gusto mo, kikiligin ka na dapat deep inside. May spark ba. Eh kaso kahit isigaw mo pa sa akin ngayon ng paulit-ulit yung pangalan ni Neil or ni Jhe, ni isang balahibo ko sa katawan e walang nagrereact. Ni katiting na kibot nga ay waley reaction si puso ko. Deadma siya." Saad ko na ikinatawa ni Dhorie. "Nung isang gabi nga dumalaw yang si Jerardo. Mag-isa lang siya. Potek eh muntik na akong makatulog dahil tahimik kaming pareho nung wala na akong maisip na pag-usapan namin. Aba e kung hindi ko kausapin eh hindi naman nagsasalita." Dagdag ko pa.
"Wala ngang spark pag ganoon. Saka paano ka nga ba ma-fall sa kanya kung ikaw ang magsasalita. Siya dapat ang maging assertive." Pagsangayon ni Dhorie. "Paano ka nga ba magkakaroon ng boyfriend nyan kung kahit kanino sa manliligaw mo e wala ka naman palang nararamdaman kahit ni katiting na kilig para hindi ka na pagselosan nung mga insecure na The One ng Tropang Tambays?" Himutok ni Dhorie.
"Hindi ko rin alam, Dhorie. Sumasakit na din ang ulo ko. Kaya nga ang sabi ko sa Tropang Tambays eh didistansya na lang muna ako sa kanila para hindi sila nagaaway ng mga The One nila. Ayoko din namang nakakasakit ng ibang tao ng hindi ko naman sinasadya." Dismayado kong tugon kay Dhorie.
"Eh kaso nga ayaw ng Tropang Tambays di ba. Narinig ko pa nga na sabi ni Kuya Onnie na para ka na nga daw niyang kapatid kaya kung sakali man daw na sabihin sa kanya ni Marlyn na iwasan ka niya e hindi daw niya gagawin. Sanay na daw siya na nakakasama ka nila. Na parte ka ng buhay nila. At hindi lang siya. Kundi lahat ng Tropang Tambays. Hindi mo naman kasalanan yon 'no kung naging kaclose mo sina Kuya Badong, Kuya Onnie, Pot at Iking." Pagpopoint out ni Dhorie.
"Hay naku, ewan ko doon sa mga yon." Saad ko.
"Magtapat ka nga sa akin, Ate Yze? Tomboy ka ba?" Urirat ni Dhorie na ikinagulat ko.
"Hoy, Dhorie, babaeng babae ang puso ko kahit na may pagkaboyish akong kumilos. Sa lalake pa din ako naaattract 'no. Sa lalake pa din ako napapalingon at kinikilig." Paglilinaw ko kay Dhorie. Kung alam lang ni Dhorie ang totoo kung kanino tumitibok ang puso ko.
"Nililinaw ko lang, Ate Yze. Wala ka naman kasing ikinukwento sa amin na crush mo or nagugustuhan na lalake. Sabi nga ni May Ann, malihim ka nga daw. Di gaya namin na open book kami sayo tungkol sa mga boylet namin." Saad ni Dhorie. Totoo naman yung sinabi ni Dhorie. Lahat ng crush nila eh alam ko. Ako lang yung nanatiling lihim ang identity ng minamahal ko kahit na kilalang kilala naman nila kung kanino ko inilalaan ang puso ko.
"May crush din naman ako kaso may girlfriend na. Kaklase ko sa Sintang Paaralan." Pagkakaila ko. Hindi ko masabi kay Dhorie na ayun yung crush ko na si Salvador Lagdameo, Jr. Nakaukyabit sa kanya yung The One nya na si Majhoy Calayag na pinagseselosan ako.
"Ah. Ok. Kaya pala favorite mo yung kanta ni Roselle Nava. That's your story behind sa kanta na yan." Ani ni Dhorie. Madalas kasi kinakanta kanta ko yun pag magkakasama kami ng Kanto Girls. Napansin pala ni Dhorie. Keen observer din itong si Dhorie Angeline Rosales.
"Oo." Pag-amin ko at napabuntong hininga pa ako. Kung alam mo lang, Dhorie, kung bakit ko naging paborito yung kanta na yon at kung sino yung mahal ko.
"Ang sakit naman." Malungkot na saad ni Dhorie.
"Kaya nga hindi ako nagkwekwento dahil wala naman akong ikwekwento. Hanggang pagsilay lang ako mula sa malayo." Saad ko. Napabuntong hininga pa ulit ako dahil natanaw ko si Badong at si Majhoy na naglakakad sa di kalayuan. Nakaukyabit pa din si Majhoy kay Badong.
"Cheer up ka na, Ate Yze. Tiyak naman na makikilala mo din yung inilaan na para sayo ni Lord. Hindi man ngayon pero sure akong meron yun. May darating na magmamahal sayo at mamahalin mo din, Ate Yze." Saad ni Dhorie bilang pampalubag loob sa akin.
"Oo naman. Naniniwala naman ako sa sinasabi mo." Pagsangayon ko kay Dhorie.
"Saka hindi mo pa din naman afford na magkaroon ng boyfriend. Hectic ang schedule mo sa studies mo bukod pa sa sideline mo. Tapos mag OOJT ka na next sem sa dream company mo na MDZ Makati. Bumawi ka na lang pag isa ka ng licensed Architect at nagwowork ka na sa construction world. Tiyak na marami kang makikilalang engineers at architects sa Makati na mabibighani sa ganda mo, soon to be Architect Mari Yzebelle Santo Domingo." Pabirong saad ni Dhorie.
"Ganoon na nga lang. Manghahunting na lang ako ng kagaya kong nakasubsob sa mga plates, perspective plans, bakal, graba at semento sa construction industry." Maarte kong tugon kay Dhorie na ikinatawa namin pareho.
Tatawa-tawa pa kami ni Dhorie ng may tumapik sa balikat ko na ng lingunin ko ay….
Shit! Si Badong.
"Hoy! Ano ang tinatawa tawa nyong dalawa dyan ha? Kanina ko pa kayo kinakawayan kaso busy kayo sa pagtawa nyo kaya hindi nyo ako napapansin." Bungad sa amin ni Badong na tila nagtatampo.
"Tungkol sa bakal, graba at semento, Kuya Badong." Birong tugon ni Dhorie.
"Anong ang tungkol sa bakal, graba at semento, Dhorie?" Napakunot ang noo na tanong ni Badong.
"Wala. Binibiro ka lang ni Dhorie." Saad ko.
"Oo nga, Kuya Badong. Binbiro lang kita." Ani ni Dhorie kay Badong. Tumawa pa siya para makumbinsi si Badong.
"Sorry ha. Hindi ka namin napansin. Ano ang ginagawa mo dito? Wala kang kasama?" Tanong ko. Pretend pa more, Yzebelle. Ani ng utak ko.
"Si Majhoy ang kasama ko. Andun siya nakapila sa Greenwich. Natanaw ko kasi kayo kaya sabi ko kay Majhoy eh tatawagin ko lang kayo para makasama namin kayong kumain. Tara na kayo. Libre ko." Aya sa amin ni Badong.
"Naku, pasensya ka na, Badong. Kailangan na naming umuwi. Nagtext na kasi si Nanay. Aalis kasi siya. Inaantay na nya ako para daw may tatao sa tindahan bago siya umalis." Pagkakaila ko.
"Ganoon ba." Tugon ni Badong na tila nalungkot.
"Oo eh." Pagkakaila ko kay Badong. "Ikaw, Dhorie, baka gusto mong makijoin kina Kuya Badong mo? Ok lang naman sa akin na mauna na akong umuwi." Tanong ko kay Dhorie.
"Naku, hindi na, Ate Yze. Kailangan ko na ding umuwi. Thank you na lang, Kuya Badong. Next time mo na lang kami ilibre." Tugon naman ni Dhorie.
"Eh sige. Kung talagang kailangan nyo ng umuwi pareho." Saad ni Badong. "Daan na lang ako sa inyo mamaya paguwi ko, Yze. May gusto ka bang pasalubong?" Tanong ni Badong sa akin.
"Wala. Wag ka nang mag-abala. Sige na. Mauna na kami ni Dhorie. Pakisabi na lang din kay Majhoy." Pagpapaalam ko kay Badong.
"Ingat kayo." Nakangiting saad ni Badong. "Ikaw na ang bahala dyan kay Ate Yze mo ha, Dhorie." Bilin ni Badong kay Dhorie.
"Oo, Kuya Badong. Ako ang bahala kay soon to be Architect Santo Domingo na bibighani sa mga architect at engineer sa construction world." Pilyang tugon ni Dhorie.
"Ano yun, Dhorie?" Tanong ni Badong na tila gusto nyang ulitin ni Dhorie yung sinabi nito.
"Wag mong pansinin yang si Dhorie. Kanina pa yan na puro kalokohan ang mga sinasabi kaya kami tawa ng tawa." Ani ko kay Badong. "Sige na, Badong. Baka naiinip na sayo si Majhoy." Giya ko kay Badong.
"Eh sige. Ingat kayo ha. Text mo ako pag nakauwi ka na sa bahay nyo." Nakangiting saad ni Badong.
Hays. Sa amin ka na lang sumama, Badong. Bulong ng puso ko.
"Sige. Itext kita." Tugon ko kay Badong at naglakad na siya palayo sa amin ni Dhorie.
"Halika na, Dhorie. Baka magtext pa si Badong kay Nanay e mabuko pa ako na hindi naman talaga ako pinapauwi na. Textmate pa man din si Nanay ko at yang si Badong. Ayoko lang talaga makijoin tayo sa kanila para walang masabi si Majhoy na istorbo tayo sa bebe time nila ni Badong." Aya ko kay Dhorie.
"I know, Ate Yze. Kaya nga no comment na ako kanina nung tinurn down mo yung invitation ni Kuya Badong. Nalungkot tuloy si Kuya Badong." Tugon ni Dhorie.
"Hayaan mo ng malungkot ang Kuya Badong mo na hindi tayo nakijoin sa kanila ni Majhoy kesa naman mas magiging malungkot pa siya pag inaway na naman siya ni Majhoy dahil nakijoin tayo sa kanila." Saad ko.
"Hay naku, bakit nga ba kasi may mga babaeng insecure sa kapwa babae nila? Sayang tuloy yung libre ni Kuya Badong." Himutok ni Dhorie.
"Kaya ikaw, Dhorie, wag kang maiinsecure sa mga kaibigang babae ng magiging boyfriend mo if ever meron man." Paalala ko kay Dhorie.
"Ay never, Ate Yze. Ayoko ding mapagbawalan ng future boyfriend ko. And most importantly Empowered woman kaya ako. Confidently beautiful with a heart." Proud na saad ni Dhorie.
"Go girl power." Halos sabay pa naming saad ni Dhorie. "Huwag ka ng manghinayang dyan. Mag-take out na lang tayo sa Pizza Hut. Sa bahay na lang tayo kumain."
"Yes!" Masayang saad ni Dhorie.
Bago kami lumabas ng mall ay binalikan ko pa ng tingin si Badong. Kasama na niya si Majhoy na nakaukyabit na kay Badong.
Hay, Salvador. Hanggang kaibigan na lang ba talaga ako sayo? Ani ng puso kong durog na naman habang nakatunghay sa nagiisang lalake na nakakaramdam ako ng spark with fireworks pa pag nakikita ko at naririnig ang pangalan nya.