CHAPTER 8

1911 Words

"Yze." Narinig kong may tumawag sa pangalan ko na nang lingunin ko ay si Pot na kakalabas lang ng gate nila at papalapit sa akin. "Pupunta ka sa Bayan?" Bungad nyang tanong. "Oo. Inutusan ako ni Nanay na bumili ng mga paninda." "Eh bakit ka naglalakad?" Tanong ulit ni Pot. "Malapit lang naman yung bilihan ng candy at chichirya. Dyan lang naman paglampas ng Kapilya. Saka makulimlim naman kaya naglakad na lang ako." "Wala kang pasok ngayon?" Tanong ni Pot. "Holiday ngayon di ba. Araw ng mga Bayani." Pagpapaalala ko kay Pot. "Ah, oo nga pala." Napakamot pa sa ulo niya si Pot. "Ikaw, saan naman ang punta mo?" Tanong ko kay Pot. "Wala akong pupuntahan. Natanaw kasi kitang nagdaan kaya tinawag kita. Kung gusto mo, sasamahan na lang kita." Mungkahi ni Pot. "Baka may iba kang gagawin?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD