"Sina Chelly." Ani ni Iking. Lumingon ako sa gate ng bakuran namin at kasalukuyan ngang pumapasok ng bakuran namin sina Chelly, May Ann, Dhorie at Lorin. Lahat sila ay nawala ang ngiti ng makita kaming Tropang Tambays. "Galit din ba kayo sa amin?" Bungad kong tanong kina Chelly ng paakyat na sila ng balkonahe. Andito kami ngayon sa bahay namin. Inaya kong uminom sina Pot, Iking at Onnie. Pumayag naman sila dahil pare-pareho kami ng nararamdaman. Malungkot kami pare-parehong magkakaibigan at nasasaktan. Sa totoo lang ay lasing na ako dahil pinanay ko ang paginom ng Red Horse mula kaninang nagumpisa kaming uminom samantalang ang mga kainuman ko ay hindi pa dahil hindi sila nakipagsabayan sa akin sa paginom. "Dapat, Kuya Badong, pero mahigpit ang naging bilin sa amin ni Ate Yze na hindi kam

