After four months…. (POV pa rin ni Salvador Jr.) "Engineer Badong, tara na sa covered court. Ikaw na lang ang kulang doon para makapagstart na tayo ng general meeting natin." Saad ni Engineer Art Mendoza na head engineer namin dito sa MGV Construction. Kakadating ko lang dito sa compound na pagaari ng MGV Construction kung saan located ang main office namin. Galing ako sa pag-site visit sa isang project namin sa Pulilan. May scheduled general meeting kami today kaya hindi ako nagdiretso ng uwi. Oo nga pala, thru God's will ay nakapasa nga pala ako sa board exams at isa ng licensed civil engineer. Pareho na kaming titulado ng aking pinakamamahal na Architect Mari Yzebelle Santo Domingo. "Eh sige po, Engineer Art. Sabay na po tayo." Tugon ko at sumunod na ako kay Engineer Art papunta sa c

