Badong: Andito ako sa labas ng university mo. Pauwi ka na ba? Sabay na tayo. Saad ng text ni Badong sa akin na ikinagulat ko. Ha? Ano ang ginagawa nya dito? Me: Oo. Palabas na ako. Nasaang banda ka ba? Ani ko sa reply ko kay Badong. Buti pala dumaan muna ako sa library kanina dahil kung nagkataon ay hindi ako aabutan ni Badong. Badong: Dito sa may gate. Tanaw na nga kita eh. Agad akong tumingin sa may gate at ayun nga si Salvador Lagdameo, Jr. Nakangiti habang nakatanaw sa akin. Kinawayan pa niya ako. Hay, sana ako na lang ang girlfriend mo, Badong, para nakikita ko lagi ang mga ngiti mong nakakapagpagaan sa loob ko. Ani ng puso ko. Magtigil dahil may Majhoy na si Badong. Pagkontra naman ng isip ko. "Saan ka galing? Saka ano ang ginagawa mo dito?" Bungad kong tanong kay Badong na

