"Oo, Kuya Badong. Paalis na kami dito sa resthouse. Inaantay lang namin yung katiwala nina Mr. and Mrs. Alincastre para maisauli ni Ate Yze ng personal yung susi nitong resthouse at ng makapagpasalamat na din kami. Oo, Kuya Badong, ayos naman kami. Naenjoy namin ng husto ang Baguio. Kung saan saan kami ipinasyal ni Ate Yze. Nung nakaraang gabi nga ay inilibre pa kami nina Mr. and Mrs. Alincastre ng dinner sa Manor Hotel. Ang babait talaga nung mag-asawang client ni Ate Yze na yon. Ang dami nilang kwento about kay Ate Yze. Halos anak na nga din ang turing nila kay Ate Yze. Kunsabagay, hindi naman na nakakapagtaka yon dahil kilala naman natin si Ate Yze na matanda o bata man ay nakakagaanan siya ng loob dahil sa pagiging totoo niya at sa kabutihan ng puso niya. Nakakaproud talaga si Ate Yze

