"Sir, kasi po, tumakas siya sa asawa niya. Binubugbog daw po kasi siya. Kaya naman gusto niyang makapag-isip at lumayo." paliwanag pa ni Maca. "Walang masamang tumulong, Manang. Pero baka ho kayo ang mapahamak niyan. Sabi mo 'ka mo ay tumakas siya dahil binubugbog siya ng asawa niya." hindi maiwasan ng matanda na mag-alala. Hindi para sa kanya. Kung hindi ay para sa amo niya. Naisip niya na baka ito ang mapahamak dahil nasa puder nila ito. Lingid sa kaalaman nila na narinig ni Steph ang usapan nila. "Ano'ng gagawin ko? Paano kung... Paano kung isumbong nila ako?" umigting ang kaba sa dibdib niya dahil sa kanyang naisip. Ngunit kung magsusumbong ito ay tatakas na lamang siya. Iyon na lang ang gagawin niya sakaling mangyari iyon. Nang maramdaman niyang pabalik na ang matanda ay agad na bu

