Sa totoo ay magaan ang pakiramdam ni Greg sa babaeng ito. Nakita na niya ito noon nang minsan niyang ihatid sa palengke si Manang. Hindi naman kasi siya humahawak ng trabaho kapag bakasyon. Nakatuon ang sarili niya para sa pagpapahinga. Minsan ay dinadala niya ang trabaho ngunit madalas ay hindi. Naisip din niya na para saan pa ang bakasyon niya kung trabaho rin lang ang iisipin niya. "Salamat ho..." tipid na sagot ni Steph sa binata. Nang matapos kausapin ni Greg sina Manang Maca at Steph ay umalis na ito at muling pumanhik sa itaas. Lumuwag naman ang loob ni Manang maca dahil sa pagpayag ng amo niyang si Greg sa paninirahan ni Steph doon. "Ayan. May permiso na tayo kay Sir Greg sa pagtuloy mo rito." natutuwang sabi ni Manang Maca kay Steph. "Mabait talaga iyan si Sir Greg. Lalo na kap

