Halos isang linggo na rin magmula nang tumakas si Steph mula sa kamay ng asawa niyang pulis. Hindi pa rin naman tumitigil sa paghahanap si Gino. Lahat ng sulok ng barangay na tinitirahan nila ay nilibot na nito at ipinagtanong-tanong. Ngunit walang nakaaalam kung nasaan siya. "P*nyeta, Steph. Huwag na huwag ka lang magpapakita sa'kin. Dahil kahit kasulok-sulukan ng katawan mo ay may latay." nagtatangis ang bagang ni Gino habang hinihithit ang sigarilyo na halos maubos na. Isang pakete na ang nauubos niya kahit kalahating araw pa lamang. Hindi niya alam kung saang butas nagsuot ang asawa at wala itong kahit anong bakas mula sa pagtakas nito. "Kuya, ano? Wala pa rin ba ang asawa mong p*ta?" tanong ni Badong habang binubuksan ang ikalawang pakete ng sigarilyo ni Gino. Hindi muna ito nagpapu

