Katulad nang inasahan nila ay hindi naging madali ang lahat lalo na pagbalik nila ng opisina. Halos isang buwan na ang nakalilipas ay tila hindi mawalang-wala ang buoong-bulungan sa paligid nila. Pakiramdam niya ay monitored sila ng mga tao. "Hoy, friend. Tulala ka na naman. Alam mo isang buwan na ang nakalipas mula nang i-announced ni KISA ang relasyon niyo. Tapos hindi ka pa rin umaamin sa'kin kung naka-score na siya sa'yo." pangungulit ni Gracia. "Alam mo ikaw? Makulit ka rin e. Huwag ka ngang maingay sa kaka-KISA KISA mo riyan. Mamaya may makarinig sa'yo e." kahit na official na silang couple ni Greg ay ayaw naman niyang isipin ng mga tao na ipinagkakalat niya ang buhay nila. "KJ mo. Makabalik na nga sa desk ko." nakangusong sabi ni Gracia na akala mo naman ay bagay ang magt

