"Let's begin." sabi ni Greg nang makarating na ang lahat at kompleto na ang mga ka-meeting niya. Agad na tumango ang mga ito at nagsimula ang agenda. Halos isang oras din ang itinagal ng meeting. Nang mapasilip siya sa oras ay tea time na. At iyon ay ang free time ni Greg. Agad nitong hinawakan ang palad ng babae at dinala ito sa opisina niya. "Let's have some coffee and chocolate cake." tangay-tangay pa rin siya ng binata. Hanggang namalayan na lamang niya na nasa basement na sila. "Saan tayo pupunta?" usisa ni Steph ngunit hindi naman nagsalita si Greg. Nakamasid lamang si Steph sa paligid habang nagmamaneho si Greg. Hindi man niya alam kung saan sila pupunta ay pakiramdam niya na isa itong sorpresa. "We're here..." agad na bumaba si Greg at pinagbuksan ng pinto si Steph. "

