"Anak, nabalitaan mo na ba?" agad na tanong ng ina ni Gino habang hawak ang isang diyaryo at nagkakape sa sala. "Ang alin, ma?" abala ito sa bagong kinakasama kaya naman wala na siyang panahon sa mga balita na kung ano pa man maliban sa trabaho. "Ang kababata mo, ikinasal na." ipinakita pa nito ang diyaryo ngunit walang balak si Gino na silipin ito. "Mabuti naman. Aba e nakakatatlo na ako e siya e wala pa rin." tukoy niya sa unang kinakasama, kay Steph at sa bago niya. "Nako, anak. E heto o. Hindi ka maniniwala. Akala ko e kahawig lang pero siya talaga." napakunot ang noo ni Gino. "Sino?" iaabot na sana nito ang diyaryo kay Gino nang lumabas mula sa kuwarto ang kinakasama nito at lumapit sa kanila. "Babe, bakit naman lumabas ka kaagad. Hindi pa tayo tapos e." hindi na iniabot ng ina

