Nang makaalis ang ina ni Gino ay nagtalik pa muna ang dalawa bago umalis. Magkikita sila ng mga kaibigan niya para ipagpatuloy ang lihim na paghahanap kay Steph. Hindi pa rin ito naka-mo-move on sa babae. "Sure ka ba na kaya mo na si Earl mag-isa?" tanong Gino habang hawak ang baywang nito at patuloy na umiindayog sa ibabaw niya. "Oo naman..." habol hiningang sabi nito na halos pumuti na ang buong mata. Agad na isinubsob nito ang kanyang mukha sa dibdib ni Gino. Nang makapag-ayos na ay umalis na si Gino. Nagtungo naman sa kuwarto si Jackie kung saan natutulog si Earl. Tinitigan ito nang matalim. "Dapat sumama ka sa mama mo. Nakakaistorbo ka sa relasyon namin ng tatay mo." mahinang sabi nito. Walang kaalam-alam ang bata sa sinasabi nito dahil hanggang ngayon ay mahimbing ang tulog nito.

