Chapter 4

1987 Words
Nang matapos mananghalian si Steph ay agad siyang bumalik sa puwesto niya ay binuksan ang mga panindang tinakpan niya ng puting tela kanina para hindi langawin. Winisikan muli ng tu ig ang mga gulay para hindi malanta. At muling isinalansan ang mga isdang inalis niya sa display para ilagay sa tubig. Madalang lamang ang taong namimili sa oras na iyon. Dahil iyon din ang oras ng pahinga niya at tiyak na mamayang hapon ay dadagsa na naman ang mga tao sa palengke para mamili ng lulutuin para sa hapunan ng mga ito. Abala na naman siya. At kung palalarin ay maubos ang tinda niya. Kung hindi naman ay iuuwi niya ang iba upang maging hapunan nila. Iyon at iyon lamang naman ang ganap sa buhay ni Steph sa araw-araw. Bugbog dito. Bugbog doon. Kayod dito kayod doon. At kung ano-ano pang kababuyan ng asawa niya. Nagpapasalamat siya na kapag weekdays ay naiiwasan niya iyon dahil pagod ito sa trabaho. Ngunit pag weekends ay tila bisyo na nito ang bugbugin siya matapos ang inuman. Kung mamalasin ay pagpapakasasaan ng mga kaibigan nitong hayok sa laman. Natapos man ang paghihirap niya sa bar ay hindi naman ito nagtatapos sa bahay ni Gino. Nais man niyang humindi ay wala siyang magagawa. Wala siyang pagpipilian. Nasa malalim siyang pag-iisip habang nakatitig sa kawalan. "Ready ka na?" nagitla si Steph nang marinig niya ang boses ng asawa. Alam niyang ito na naman ang oras ng pagiging prostitute niyang muli sa piling ng asawa niyang si Gino. "O-oo." sambit niya. Natapos na naman pala ang buong maghapon. Natapos na naman ang pagiging tindera niya sa, palengke. Matapos ayusin ang lahat ay lumabas na sila ng palengke at sumakay sa motor ng asawa. Minsan ay inihahatid at sundo siya nito gamit ang motor nito. At minsan naman ay mag-isa lang siyang pumapasok at umuuwi. "Maligo kang mabuti. Ayaw kong mangangamoy isda ka o amoy palengke. Heto at isuot mo 'to." sabi ni Gino nang makarating sa kuwarto ng bahay nila. Isang sexy na bistida ang ipinasuot ni Gino sa kanya. "At huwag mo ring kalilimutang mag-ayos." iniabot din nito ang binili nitong lipstick at pabango para sa kanya. Hindi siya maaaring tumanggi. Kung hindi ay bugbog siya. Agad siyang tumalima rito at naligo. Kuskos dito, kuskos doon. Kailangang mabango hanggang sa kasuluk-sulukan ng singit niya. Habang nagkukuskos ay naalala niya ang mga araw niya sa bar. Giling dito, giling doon. Kapag may nagkagusto sa kanyang i-table siya ay pupuntahan niya at pagkatapos ay lalabas sila sakaling nais nitong dalhin siya sa motel. Minsan ay doon na lamang sa banyo ng bar. O hindi kaya ay madalian lang sa kuwarto. Makaraos lang ng init ang customer niya. Naiiling siya sa mga alaalang iyon. Mga alaalang isinumpa na niya noong iligtas siya ni Gino sa bar. Naalala na naman niya ang tagpong iyon. "Miss, dito ka. Bilis!" sigaw ni Gino nang makita siyang nakasiksik sa dressing room. Matagal na nilang minamatyagan ang bar na iyon at ngayon nag operasyon nila. Matagal na rin niyang binabantayan si Steph. At ngayon nga ay kinuha niya nang palihim ang damit ng kanyang ina upang ipasuot kay Steph. "Suotin mo 'to." Nang iabot sa kanya ay wala siyang kime ba isinuot iyon kahit pa hindi niya alam kung kakasya ba iyon sa kanya at ano ba ang plano ng lalaking ito kung bakit siya pinasusuot niyon. Mabilis ang mga pangyayari at nang ilang saglit pa at napansin na lamang niya ang sarili na kasama na ang pulis na ito habang bumibiyahe patungo sa probinsya kung saan ay nakatira sila ngayon. Napaigtad siya nang marinig niya ang tawag ni Gino sa kanya. "Steph, tapos ka na ba?" "Matatapos na." balik na sigaw naman niya habang nagbubuhos ng tubig mula sa tabo. Nang makapagbanlaw ay kaagad siyang nagpunas ng katawan at nagtapis. Paglabas niya ng banyo ay luto na ang pulutan ng asawa niya. Si Gino ang nagluto niyon at ito na rin ang naghanda ng mesa. Wala itong reklamo sa ganoon gawain lalo pa kung para sa inuman iyon. Napalingon siya sa sala. Wala pa ang mga kainuman nito. "Magbihis ka na. Mayamaya lang ay darating na sila." utos ni Gino sa kanya nang makitang nakatunganga pa siya. Kaya agad namang tumalima si Steph at pumasok sa kuwarto nila upang magbihis. As usual ay wala ang anak niya roon dahil kasama ito ng mga biyenan niya kapag umaalis ito katulad ng kapag namamasyal ito. Lalo pa at kung may session ang anak nilang si Gino na asawa niya kasama ang mga kaibigan nito. Habang nagbibihis ay hindi niya maiwasang titigan ang katawan sa salamin. Wala pa ring nagbabago sa hubog niya. May kurba pa rin ito kahot nanganak na siya. Iyon nga lang ay tila namayat siya. Dala na rin siguro ng pagod, bugbog at madalas na pagpapagamit sa kanya ng asawa niya sa mga kaibigan nito. Gustuhin man niyang tumakas upang makalaya rito ay hindi siya pinapalad. Isinuot niya ang damit na ibinigay ni Gino at naglagay ng kolorete sa mukha. Para siyang nagtatrabahong muli sa club. Hindi niya makuhang ngumiti sa salamin. Hindi niya nais ang ganito. Ngunit wala naman siyang choice. Matapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng kuwarto at eksaktong dumating naman ang mga kaibigan ni Gino. At narinig niyang nagsalita ang isa. "Pare, kumusta? Ibang klase ka. Nagka-asawa ka lang e nakalimutan mo na kami." agad na napalingon si Steph sa mga lalaking dumating sa bahay nila. Ang akala niya ay ang mga dati nitong kaibigan ang bisita ng asawa niya. Ngunit mga bago ang mukha ng mga ito sa paningin niya. "Kayo naman. Ako pa rin naman 'to---ang guwapo niyong ka-barkada. Kayo pa ba e makalilimutan ko? Kaya ko nga kayo pinapunta rito. Para naman makapag-bonding tayo at maipakilala ko kayo sa asawa ko." sabi ni Gino. "Asawa ko nga pala---si Stephanie." baling ni Gino sa asawa nang ipakilala niya ito sa mga bisitang dumating. "Ang ganda naman ng misis mo, pare. Jackpot ka, pre a." wala sa loob na sambit ng isang katrabaho ni Gino. Appreciation sa kagandahan ng misis niya. Ngunit biglang sumeryoso ang mukha ni Gino sa narinig. Ibang klase ang pagkakabanggit ng isang ito kaya naman hindi niya iyon nagustuhan. Akala m naman ay hindi ipagagamit ang asawa kung magalit. Samantalang iyon naman ang agenda sa gabing iyon. Ang ibahagi ang asawa niya sa iba. Minsan napapaisip si Steph kung tao pa bang maituturing ito sa mga kababuyang pinaggagagawa sa kanya nito. "Ibig kong sabihin, pre, e napakasuwerte mo." sabi na lang nito nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Gino. Napansin din naman ni Steph ang pagbabago ng mukha ni Gino kaya naman dumistansiya rin siya at pumasok sa kuwarto nila. Mabuti at inayos nito ang pananalita. Kung hindi ay siya na naman ang may kasalanan niyon. Halos maaga pa nang magsimulang mag-inuman ang mga ito ngunit palalim na ang gabi ay hindi pa rin tapos ang mga ito. Nakailang bote na sila ng pulang kabayo ngunit tila mga bihasa sa larangan ng inuman ang mga ito. Mukha namang mga professional ang mga bisita ng asawa niya ngunit tila tambay sa kanto kung uminom. "Steph, diyan muna kami. Labas ka nga riyan." ito na ang hudyat na hinihintay ng babae. Nakahanda na si Steph sa dapat niyang gawin. Pinag-isipan niya itong mabuti nang makailang ulit bago maging pinal ang desisyon niya. At ang tanging hiling niya ay ang makalayo. Makalayo sa asawang hayop. "Palabas na." saad niya. At dahil pinagbihis siya nang maayos ni Gino ay hindi na niya kailangan pang ayusin ang sarili para sa pagtakas. Wala nang atrasan ito. Tatakas siya. "Napakatagal mo naman. Ano ba ang ginagawa mo? 'Nyeta. Nagsasarili ka ba? Mamaya naman e sisipingan kita kaya tigilan mo na." mariing bulong nito sa kanyang tainga para hindi marinig ng mga kaibigan nito. Langhap niya ang amoy ng alak sa bibig nito. Kapag matagal siyang lumalabas ng kuwarto o banyo ay palagi na lang siya nitong pinag-iisipan na nagsasarili. Para bang iyon lang ang alam niyang gawin sa buhay. Ang totoo'y sinigurado niyang maayos ang lahat sa kuwarto upang hindi makahalata si Gino sa plano niya. At lalong hindi ito mag-iisip sa gagawin niya dahil wala ang bata ngayon. Wala ang anak nila. "Tara mga pare." yakag ni Gino sa mga ito nang makalabas si Steph. Agad na nagsi-pasok naman ang mga ito. Lahat ay lasing na at bangag na sa alak ngunit may oras pa para sa droga. Ito lang naman ang pinakatampok ng inuman nila. Ang droga. Bukod sa pagpapagamit sa kanya. "Ihanda mo ang tulugan mo riyan sa sofa. At diyan tayo mamaya. Paliligayan kita ulit ngayong gabi." pahabol na bulong pa nito sa kanya. Idinampi pa nito sa likod ng palad niya ang naninigas nitong p*********i. Tiyak na sa kuwarto nila matutulog ang mga bangag niyang kaibigan. At tiyak na hindi na naman siya nito patutulugin dahil kung ano-anong posisyon ang gagawin nito sa kanya lalo pa at bangag ito. Mabilis na tango lamang naman ang isinagot niya rito. Nang makapasok na ang mga ito sa loob ay inihanda na niya ang sofa. Iyon ay upang hindi makahalata si Gino sa pagkawala niya. Para naman kapag lumabas ito ay hindi ito mag-iisip na may balak siya. Rinig na rinig niya ang tawanan ng mga ito sa kuwarto nila. Kuwentuhan tungkol sa trabaho, babae at kung ano-ano pa na maari nilang mapag-usapan habang nagse-session. Pati ang mga karanasan ng mga ito sa babae ay hindi nakaligtas. Hindi pa naman niya narinig ang pangalan niya. Ibang babae pa ng binabanggit ng asawa niya. Tiyak na mga ex nito ang mga iyon. Suwerte nila na wala na sila sa kamay ni Gino. Kaya mo 'yan, Steph. Sige pa. Takbo pa. Kaunti na lang. Makalalayo ka rin sa hayop mong asawa. Sige pa. Takbo. Takbo... Mga salitang tumatakbo sa isip ni Steph habang patuloy na tumatakbo. Hingal man ay pilit na kinakladkad ang sarili palayo. Sa wakas ay nakalayo na siya sa bahay nila. Sa palengke at sa mga taong mata ng kanyang asawa. Ngunit saan nga ba siya pupunta? Bahala na. Bulong niya sa sarili. Madilim na ang paligid at tanging ilaw na lamang sa mga poste na pakimat-kimat ang umaalalay sa kanya sa daan. Liwanag ng buwan na siyang nagtataglay ng sinag na nagtuturo sa kanya kung saan siya dapat dumaan. Tinahak niya ang liwanag na naiilawan nito. Lakad. Takbo. Hinto. Lakad. Takbo. Pahinga. Iyan ang tanging ginagawa niya upang tuluyan nang makalayo sa asawa. Ngunit saan nga ba siya tutungo? Hindi niya alam. Nang makarating sa palayan ay saka niya naalala ang masukal na lugar ng isang mansion. Ang sabi ay wala ang may-ari nito at mga kasambahay lamang ang naroon. Paminsan-minsan lamang nagbabakasyon ang may-ari niyon. Kaya naman naisipan niyang doon magtungo. Papalipas lamang siya ng gabi. Siguro naman ay walang makapapansin sa akin doon. Bulong niya sa sarili. Masakit na rin ang mga paa niya at kahit papaano ay kailangan niyang magpahinga. Matatagalan pa naman bago ma-realized ng asawa niya na nawawala siya. Kaya naman makapagpapahinga pa siya. Tinahak niya ang dulo ng palayan hanggang makarating sa mga taniman. May matataas na puno roon bago pa marating ang mansion. "Dito na muna siguro ako... Magpapahinga lang ako saglit." mahinang sabi niya sa sarili nang makarating sa gilid ng mansion. At naupo siya sa gilid nito kung saan malapit sa bandang basurahan na malapit sa mansion. Nagpalinga-linga siya upang masiguro na walang nakakikita sa kanya. Saka lamang niya naalala na hindi pa nga pala siya kumakain. Kumakalam na ang sikmura niya at tila nakararamdam na siya ng pagkahilo. Marahil ay dala na rin ng pagod niya sa paglalakad. Malayo-layo na rin naman ang narating niya. Kung bakit ba kasi hindi siya kumain bago umalis para kahit papaano ay may lakas siya. Masyado siyang na-excite sa pagtakas niya. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na mga pangyayari nang mag-black out siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD