Chapter 3

2676 Words
Lasing na lasing ito noon at halos hindi makabangon. Ngunit nakita siya ng kasamahan nitong pulis na naglalakad sa kanto. Ipinagbubuntis nito ang anak nilang lalaki na si Earl. Wala siyang nagawa kung hindi ay sumama rito para ihatid pabalik ng bahay. “Pare, bakit naman hinahayaan mo si Mare na maglakad sa hamog?” gumuhit ang mga linya sa noo ni Gino. Ngunit panandalian lang iyon dahil hindi niya ito ipinakita sa kasamahan niya. “Naku, Pare. Nagpaalam naman iyon na maglalakad-lakad. Kaya lang ay napalayo yata. Nalasing ako, Pare.” palusot niya rito nang magkuwento ito sa kanya na nakita ang asawa. “Gano’n ba? Naku, samahan mo rin kasi minsan. Masyado kang workaholic. Sige ka, baka mauntog ‘yan pagkatapos ay iwan ka.” sinamaan ni Gino nang tingin ang binata. Palibhasa ay isa ito sa nagnanasa sa asawa niya sa tuwing nag-iinuman sila sa bahay na iyon. At kahit hindi ito pinapatulan ni Steph ay nagseselos pa rin si Gino. Mahal na mahal niya ito na kaya niyang makipagpatayan huwag lang maagaw sa kanya ang kanyang asawa. Pagkatapos ng insidenteng iyon at nang magising siya kinabukasan ay binugbog niya ito na halos hindi na ito makalakad pa dahil sa tinamo nitong tadyak at suntok. Isang linggo niya itong hindi pinalabas ng bahay para magtanda sa ginawa nito. At nakita naman niyang effective dahil sa halos umabot na ng taon nang muli itong magtangka. At ito nga ay ang araw na ito. “Parang awa mo na…” hindi alintana ni Gino ang sakit na nararamdaman ni Steph sa pagkahiwa ng talampakan nito. Ang tanging nais niya ay magpalipas ng galit. Halos maluray-luray na ang shirt ni Steph habang patuloy na pinaghahatak ito ni Gino. Kung kinakailangang mawalan ito ng damit upang hindi na makaalis ay gagawin niya. “Wala kang utang na loob, Stephanie!” sabi pa ni Gino habang hatak ng isang kamay ang buhok nito at ang isang kamay naman ay nakahawak sa panga ni Stephanie. Ramdam ng babae ang pagtusok ng mga ngipin sa loob ng bibig niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Gino sa kanyang panga. Hanggang kailan ba niya kailangang magtiis? Kailan siya makalalaya sa mas mahigit pa sa pusaling ugali ni Gino? Ano’ng klaseng pagmamahal ang halos gawin kang isang punching bag? Hindi na niya namalayan kung paano siyang nakatulog. Ang natatandaan niya ay hawak ni Gino ang panga niya habang hinihigit ang buhok niya. “Good morning, Mahal!” rinig niyang sambit ng pamilyar na boses. Kung tama ang pagkakarinig niya ay si Gino ito. Ang daig pa sa hayop ang ugali. Noong bumibisita ito sa club ay daig pa nito ang maamong tupa kung suyuin siya. Ngunit tama ba ang naririnig niya? Malambing ang tinig nito at tinawag siyang…mahal? Kailan pa? “Mahal, gising na. Handa na ang almusal…” matapos ang bangungot kagabi ay tila isang magandang panaginip ang gumising sa kanya. “Nananaginip ba ako? Ayaw ko nang magising…” sambit niya sa kanyang isipan. Sana ay hindi ito panaginip. Hiling ni Steph. Marahan niyang iminulat ang kanyang paningin at nakita niya ang mukha ni Gino. Ang ekspresyon nito nang una niyang makita ito sa club. Nakangiti sa kanya at puno ng paghanga ang mga mata nito na nakatuon sa kanya. “Gising ka na? Tara kain na tayo bago ka pumunta ng palengke at bago ako pumasok.” sambit ni Gino na hindi pa rin magawang paniwalaan ni Steph. Nais niyang sampalin ang sarili niya nang magising siya. Sapagkat naisip niya na wala nang pag-asa na magbago ang asawa niya. Ngunit ano itong ikinikilos nito ngayon? "Mukhang nakarating ka na naman sa langit kagabi, kuya a. Lambing mo sa asawa mong pokpok e." sabi ng pakialamero niyang bunsong kapatid na si Badong. Totoo naman ang sinasabi nito. Sa tuwing nakararaos ang kapatid niya sa pakikipagtalik sa asawa nitong si Steph ay napakalambing nito kinabukasan. Daig pa nito ang nakaraos ng limang ulit. Tila ba may after effect pa ito sa naganap sa nagdaang gabi. Iyong tipong ramdam pa rin nito na nasa loob ni Steph ang p*********i niya. Kabaliktaran naman ng kay Steph. Pakiramdam niya ay masakit pa rin ang kanyang p********e kahit na ilang oras na ang nakalilipas dahil na rin sa ginawa ni Gino sa kanya. Kumikirot ito na tumitibok-t***k. Ramdam niya ang hapdi nito. May pagkasadista rin kasi ito. Sa bawat sakit na nararamdaman niya ay siyang sarap na dulot sa pakiramdam nito. Minsan pa nga ay nakasakal ito sa kanya habang ibinabaon nito ang p*********i nito sa b****a niya. Pagkatapos ay patataobin pa siya nito habang hila ang buhok niya ng isang kamay at hawak naman ang dalawang kamay niya ng isang kamay pa nito. Daig pa nito ang gumagawa ng porno kung makipagtalik sa kanya. "Magtigil ka nga riyan, Badong. Hindi na pokpok iyang misis ko. Sa akin lang gigiling iyan at ako lang ang papasok diyan." awat nito sa pang-aasar ng kapatid. "At isa pa ay kumain ka na lang diyan. Mahuhuli ka na sa trabaho." bilin pa ni Gino rito. Magkaiba ang oras ng pasok nila at off. Magkaiba rin sila ng departamento ni Badong. "Mahal, kain ka na." muling baling ni Gino sa asawa. Hindi pa kasi ito nakalapit sa kanya kaagad. Paano ay iika-ika itong maglakad. Bukod sa sakit ng paa nito dahil sa pagkaka-bubog nito kagabi ay hindi ito makalakad nang maayos. Pakiramdam nito ay namaga ang mga paa nito. "Mukhang napasarap ka talaga kagabi. Hindi na makalakad ang asawa mo, o. Tsk. Lupet mo, kuya!" patuloy na pangangantiyaw ni Badong. Hindi nito alam ang naganap na pagtakas ni Steph at ang pakaka-bubog nito sa paa. Naiiling na lang si Gino rito. Nang makalapit si Steph ay tumabi siya sa asawa. Pinagsilbihan pa siya nito at nilagyan ng pagkain ang plato niya. Pagkatapos ay nagsimulang kumain ang dalawa. Ito rin ang naghanda ng lahat. Mula sa sinangag na kanin hanggang sa ulam. Hiling ni Steph ay maging tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Gino katulad ng ipinakikita nito ngayon. Ngunit alam niyang ngayon lang iyon. Muli ay babalik na naman ito sa ganoong ugali. Ang panay na bulyaw sa kanya at ang pambubugbog nito. Alam niyang wala nang pag-asa pa na maging ganito ito habambuhay. "Ayaw mo ba ng niluto ko? Gusto mo magluto ako ng bacon?" agad na sumubo si Steph dahil sunod na tanong nito'y tiyak na sa sahig ang punta ng mga pagkain. At doon siya pakakainin nito habang pinupulot ang butil ng kanin. Nangyari iyon sa kaniya noon. Hindi niya mainguya ang bibig niya dahil sa sakit ng panga niya at lalamunan niya nang isulasok nito sa bibig niya ang kahabaan ng p*********i nito. At dahil doon ay hinawi nito ang mesa at ini-ngudngod nito sa sahig ang nguso niya. Pagkatapos ay ipinaubos sa kanya ang pagkain na nagkalat sa sahig. "Ayan. Kakain ka naman pala e." sabi nito. Takot niya lang na hindi ito sundin. "Mamaya ay susunduin kita sa palengke. Hintayin mo 'ko. Huwag kang aalis doon nang wala ako." napahintong kumain si Steph. Alam na niya ang mangyayari mamaya. Pagpapakasasaan na naman ng mga kaibigan nito ang katawan niya habang nagdo-droga ang mga ito. Panlabas na anyo lang ni Gino ang salitang 'akin lang si Steph. Sa akin lang siya gigiling.' Dahil kapag bangag na ito ay tila nasa bar na ulit siya. "Bakit? May problema ba?" sumeryoso ang mukha ni Gino habang nakatingin sa kanya. Nanginginig naman ang kamay niya na umiling. Baka biglang umindayog ang palad nito sa pisngi niya. Kahit nagtatalik sila ay sinasampal siya nito hanggang sa makaraos ito. "W-wala." sagot niya rito. Kaya pala mabait ito ngayon dahil sa session mamaya. "Good. Sige na. Papasok na 'ko. Hintayin mo 'ko sa palengke." muling bilin nito saka humalik sa ulo ni Steph na para bang napakaamong tupa at napakabait na asawa. Halos magitla siya sa bawat kilos nito. Kapaparaos lang nito kagabi ay ipagagamit na naman siya sa mga kaibigan nito. Galit na galit ito kapag may mga lalaking umaaligid sa kanya sa palengke o bumabastos sa kanya. Ngunit kapag sabog ito ay tila isa lamang siyang prostitute na bukas sa lahat ng gustong gumamit sa katawan niya. Nang makaalis ang magkapatid ay nakahinga siya nang maluwag. Ngunit hindi maiaalis na magitla siya sa bawat kilos ng mga ito. Pakiramdam niya ay mabubugbog na naman siya. Nais niyang makawala sa mga kamay nito. Ngunit paano? Munting luha ang sumungaw sa kanyang mga mata. Pagod na pagod na siya sa sitwasyon niya. Pagod na siya sa mga pagtrato sa kanya ng pamilya nito at kahit si Gino mismo. Ngunit para sa anak ay magtitiis pa siya. Nang matapos siyang kumain ay iniligpit na niya ang mesa at hinugasan ang pinagkainan nila. Ginamot naman ni Gino ang sugat niya kagabi ngunit may kapalit iyon sa tuwing nagiging mabait ito. At iyon nga ay ang magaganap mamayang gabi. Kapag nasa katinuan ito ay sobra itong magselos. Ngunit kapag lulong ito ay halos ipamigay niya ang katawan ng asawa. Muli siyang napatingin sa mga paa niya. Puno ito ng benda. Kahit masakit ang paa niya ay naligo pa rin siya. Ayaw na ayaw ni Gino na hindi niya aalagaan ang katawan lalo na sa pagligo. Hindi naman ito nagkulang sa pagbili sa kanya ng gamit. Damit at mga pang-alaga sa katawan. Ngunit lahat ng iyon ay para na rin kay Gino. Para maayos ang asawa niya kapag kailangan niya ito. "Anak, babalik si Mama. Pangako babalik ako." bulong niya rito kahit tulog pa ito. Naiwan na naman ang anak niya sa bahay at papasok na naman siya sa palengke. Nang makapagpaalam sa anak ay tinungo na niya ang palengke. "Ang ganda naman talaga ng asawa ni Gino. At mukhang masarap pa." rinig niyang sabi ng kapitbahay na nadaanan niya. Matagal na siyang pinagnanasaan nito. At kahit ng mga kasama nito sa bahay. Isang boarding house iyon ng mga lalaki. At hindi lumilipas ang araw na hindi siya nito pinagnasaan. Matino naman ang suot niya pero sadyang manyakis ang mga ito. Hindi nga lang nila mabastos si Steph dahil sa takot nila kay Gino. Ngunit ang mga tingin ng mga ito na nakaloloko ay hindi makalalampas sa paningin ni Steph. Mabilis na naglakad si Steph at nang makarating sa sakayan ay dagli itong sumakay sa tricycle. "Manong, sa palengke ho." agad na tumalima naman ang driver ng tricycle. Pero panay ang sulyap nito sa salamin na halos tila nakatutok sa dibdib ni Steph. Pinagpala si Steph ng hinaharap kaya naman kahit disente ang suot nito ay mukha pa ring kaakit-akit. Katulad ngayon. Nakasuot naman siya ng jeans at white top. Ngunit pinagnanasaan siya ng driver na ito. "Bayad ho." hindi na alam na alam ni Steph kung paano pa niya maibabalik ang respeto ng mga tao sa kanya. Kahit sarili niya ay hindi na niya kilala pa. "Salamat, Ineng." sabay kindat pa ng matanda sa kanya. Kitang-kita pa niya na parang manyakis na inamoy pa nito ang kamay na dumaplis sa kamay niya. Nailing na lang siya at dali-daling nagtungo sa puwesto niya sa palengke. "Naku, tinanghali ka na Steph." sambit ni Aling Tekla rito nang makita niya ang kararating lang na asawa ni Gino. Ngiting pilit lamang ang ibinato niya rito. "Pero huwag kang mag-alala. Ipinagtabi kita ng sariwang isda." ngumiti ito sa kanya ay inabot ang isang baldeng sariwang isda. "Salamat ho." tipid na sabi niya rito. "Wala 'yon. Basta sabihan mo naman si Gino na baka naman puwede niyang ilakad kay Badong ang anak ko." tama ang hinala niya na mqy kapalit ang ginawang iyon ni Aling Tekla. Napapaisip tuloy siya kung sigurado ba ang Ale na ito na gusto niyang maging parte ng hayop na pamilya ni Gino. "Uy, sige na." pukaw sa kanya ni Aling Tekla sa saglit na pagtulala niya. "O-oho. Sasabihin ko." ngunit alam naman niya sa sarili niya na hindi niya iyon masasabi dahil tiyak na pagseselosan lang ito ni Gino. Maliban na lang kung mga bangag ito. Ngunit hindi naman siya nito maiintindihan kung sasabihin niya iyon habang bangag ang mga ito. "Salamat, Steph." tila excited pang sabi ni Aling Tekla na pumapalakpak pa. Mabilis itong tumungo sa puwesto nito upang magtinda na. "Ano ho ang hanap?" sabi ni Steph nang matapat ang isang pamilyar na mukha rito. Ang matandang babae na bumili noong nakaraan sa kanya ng gulay at isda. "Isang kilong bangus nga, Neng. Pakilinisan na rin. At isang taling kangkong, samahan mo na rin ng isang taling okra, kamatis, talong, labanos at itong luya." turo nito sa luya na nakabalot din. "Samahan mo na rin ng siling pangsigang." nakangiting turan ng matanda kay Steph. "Ay sige ho. Salamat. Mukhang magsisigang ho kayo. Tamang-tama. Sariwang-sariwa pa ang mga iyan. Masarap iyang isigang." nakangiting sabi ni Steph. Hindi niya alam ko ng bakit hindi niya maiwasang mangiti nang makita niya ang matanda. Siguro ay dahil na rin sa nakahahawang ngiti nito kahit noong unang kita niya rito. "Oo, neng. Paborito kasi ng amo ko iyan. Lalo na ang matabang bangus na iyan. Tiyak na taob na naman ang kaserola ko nito." natatawang pagkukuwento ng matanda. "Ay nakatutuwa naman ang amo niyo. Sige ho. Dadagdagan ko ng timbang. Pasasalamat ko ho sa pagbili ninyo bilang buena mano." napapakagat pa sa labi na sabi ni Steph. Natutuwa siya at may natitira pang tao sa mundo na marunong ngumiti ng walang halong kaplastikan sa kanya. "Pihado, neng. Salamat." sambit ng matanda at inabot ang plastic na naglalaman ng pinamili nito. "Salamat din ho. Sa uulitin. Dito ho kayo ulit mamili. Ingat ho." kakaibang galak ang nararamdaman niya. Hindi niya alam pero masaya talaga siya kahit na may masakit siyang nararamdaman sa mga paa at p********e niya. "Isda kayo riyan. Sariwang-sariwa. Mataba pa. Bangus kayo. Bangus!" ganadong-ganado si Steph sa pagtitinda. At eksakto namang marami ang bumibili sa kanya. Mukhang masuwerteng buena mano ang matanda kanina at talaga namang dinagsa siya. Nakasimangot na nga lang ang iba sa kanya. Paano ay tanghali na siya dumating ng palengke ngunit sa kanya pa rin ang suwerte. "Hoy, Steph! Baka naman maambunan mo kami ng customer. Aba ay pinakyaw mo na. Paano naman kami kakain mamaya? Mabuti at ikaw ay may asawang pulis na magpapakain sa'yo. E kami ay kami-kami lang ang kumakayod." sabi ni Bebang sa kanya. Wala naman siyang kasalanan kung tutuusin. Ang ginawa lamang naman niya ay istimahin ang lahat ng dumadaan sa palengke. Kadalasan kasi ay ayaw ng mga mamimili ang makulit na tindera. Ang gusto ng mga ito ay aalukin sila nang hindi pinipilit na bumili. Sadyang suwerte lang din naman siya ngayon. Ilang linggo na rin nilalangaw ang mga paninda niya dahil sa walang bumibili. Kumbaga sa pagkain ay napanis dahil walang pumapansin. "Ngayon lang naman ho iyan. Sinuwerte lang ho ngayon." sagot naman niya. Ngunit inirapan lamang siya ni Dabeng. Naiiling na lamang siyang inayos ang mga paninda. Nang dumating ang tanghalian ay humupa na ang mga mamimili. Pagkakataon na niyang kumain. Ipinagbaon siya ni Gino kanina. Naaalala pa niya kung gaano ito maasikaso sa kanya sa mga unang linggo ng pagsasama nila. Madalas ay ito pa ang nagluluto ng almusal nila. Ngunit ngayon ay kapag nakuha lang nito ang gusto nito sa kanya. Ang katawan niya. Bibihira nga lang siyang sipingan nito. Ngunit kapag sinipingan siya ay tiyak na laspag ang katawan niya. "Talaga namang napaka-suwerte nitong si Steph kay Gino." sabat na naman ni Aling Tekla sa dalaga. Kung alam lang nito na kaya iyon ginawa ni Gino ay para iiwas na rin siya nito sa mga lalaki sa karinderya kung doon siya kakain. At alam din nitong hirap siyang maglakad dahil sa sugat niya sa paa mula sa pagkabubog sa mga basag na bote. "Kain ho." alok na lamang niya sa mga ito. Hindi niya nginitian at hindi rin naman niya sinimangutan. "Iyong sinabi ko sa'yo ha. Huwag mong kalilimutan." tango lamang ang naisagot niya rito. Kung malalaman lang talaga ng mga ito ang ugali ng pamilyang kinabibilangan niya ngayon ay tiyak na hindi nila gugustuhing mapabilang sa pamilya ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD