chapter 8. Na virginan?

1280 Words
CACIA'S POV. Paalis na sana ako ng condo kanina nang biglang tumawag sila mama at papa, nasa El Royale ang mga ito kasama si grandma. Kaya naman dali-dali akong umakyat muli upang magpalit ng damit. Paano ay naka pants at shirt lang ako. Ang gusto kasi lage ni granny ay ladylike. Binaon ko na lamang ang suot ko kanina na damit at nag drive na patungo sa nasabing restaurant. Isa iyong five star hotel and restaurant. Kasalukuyang naka check in ngayon doon ang aking mga magulang. Sa makalawa kasi ay anibersaryo nila grandma at Lolo judge kaya naman maagang lumuwas ang mga ito dahil pupunta rin sila sa divisoria para mamili ng mga paninda para sa kanilang lumalagong tindahan. Kung date ay mga pesticide, abono at ibang mga gamit para sa pag tatanim lamang ang tinda ni Papa sa tindahan ay dumami na nang dumami ang kanilang paninda. Bukod sa pagsasaka sa bukid ay isa iyon sa pinagkakaabalahan ni Papa sa amin. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ba until now ay galit pa rin SI Lolo judge kay papa, e. Kaya naman lahat ay gagawin ko para ma-accept niya na nang tuluyan si papa. Nakita ko kanina si Sir Hades sa restaurant. Hmpf. Kailan pa naging court room ang El Royale? hmm. Matapos namin kumain ng almusal ay talagang busog na busog ako. Paano ay kumain na kami ni Sir Hades ng breakfast sa unit ko tapos ayun at muli akong kumain kasama ng pamilya ko. Bago umalis ng El Royale ay nagbihis na muna ako ng baon kong damit at nag drive na patungo sa university na aking pinapasukan. Nang makarating ay sinalubong agad ako ng mga kapwa ko estudyante para mag pakuha ng litrato. May nagtanong pa nga kung kailan ako ulit mag a-upload ng bagong video. One week ago na nga pala noong huling post ko ng video. Mamaya nga ay mag shoot ako ng bago para naman may mai-post ako. Nang dumating ako sa aming room ay agad naman akong tumabe kila Erick-a. " Hoy bakla ka ng taon, saang lupalop ka nag suot? " malisyosang tanong sa akin ng vaklang tow. " Sa Condo?" patanong kong sagot. " Condo? Gaga! Noong hinatid ko iyong kotse mo sa condo mo wala ka roon!" pabulong nitong sagot sabay kurot sa aking tagiliran. " Ouch! " " Saan ka galing!" muli ay tanong nito habang pinandidilatan ako ng mga mata. " Mamaya ko na splook sa'yo, te. Huwag atat." pabitin kong sagot. Mabuti na lang at dumating na ang professor namin kaya walang nagawa ang bakla kundi mag hintay ng pag dismissed ng klase. Matapos ang klase ay binuntutan nako ng husto ni Erick-a. Pero tikom pa rin ang bibig ko. Tumungo kami sa canteen kung saan naghihintay na pala ang buong barkada. Nang makalapit kami sa pwesto nila ay tumigil na sa kakakuda si Erick-a. " Hi guys!" masiglang bati ko sa kanila. " Hoy Casia! Saang lupalop ka naman nagpunta!" sabay-sabay nilang tanong sa akin. Akala ko pa naman ay matatahimik na ang tenga ko. " Yow, chill!" sabe ko sa kanila. " Na virginan ka na ba?" walang habas na tanong ni Tobias. " Gago ka Tobby! Hindi ganyan Ang baby Casia ko." pagtatanggol ni Deena. " Grabe kayo! Hindi lang ako umuwi, e, ganyan na iniisip nyo." nakalabing sabe ko. " E, Saan ka ba kasi galing, bakla!" naka ingos na sabat ni Erick-a. " Tinulungan ako ni Sir Hades---" " Ni Sir Hades!?!" chorus na sabe nila. Nagtinginan tuloy ang ibang estudyante sa gawi namin dahil napalakas pala ang kanilang pagkakasabe. Tumahimik naman agad sila at nag kanya-kanya kami nang kuha ng pagkain. Naka Bro Code na sila. Ibig sabihin humanda ako mamayang hapon pag uwian na. Paniguradong Mamaya makukulile ang tenga ko sa kanila. Wala ng nag-imikan sa amin hanggang sa matapos na kaming kumain. Literal na walang pansinan at kaniya-kaniyang punta na sa klase. Buong klase ay lutang ako. Dapat pala ay sinabe ko na lang na sa El Royale ako natulog dahil doon naka check in ang mga magulang at kapatid ko. Waaaaaaahhh!!!!! Anong gagawin ko! Hanggang sa ma dismissed ang iba ko pang subjects ay wala talaga ako sa aking sarili. Malayo pa sa parking lot ay tanaw ko na ang mga kaibigan ko na nag aabang malapit sa naka parada kong sasakyan. Nang matanaw nila ako ay mabilis na inabot ni Erick-a ang spare key ko na nasa kaniya kay Tobias. Mabilis naman itong pumasok sa sasakyan at ini-start ang sasakyan. Kaya naman ng makalapit ako ay pumasok na rin sila sa loob ng sasakyan ang iba ay sa kotse ni Deena sumakay dahil hindi kami kasya. Nag chat naman ako sa group chat namin at sinabing sa HNR kami magkita at mag go-grocery ako ng pang shoot namin today. Yaman din lamang at hindi sila titigil ay might as well ay tulungan nila ako ulit sa blog ko na madalas naman nilang gawin. Nagtanong na rin ako sa kanila kung anong ma-suggest nila na lulutuin ko ngayon. Nauubusan na kasi ako ng idea. Pag dating namin sa HNR ay parang batang nag takbuhan agad ang mga barkada ko sa free taste. Napailing na lang ako. Parang mga bata. Iniwan ko na sila at nag simula ng mag-ikot. Mabilis nakong kumuha ng mga kailangan ko katulad ng: mozzarella cheese, cheddar cheese, cream cheese, whip cream, Eden cheese, non fat milk, cooking wine, olive oil at mga sabong panlaba at pang linis at marami pang-iba. Ang mga karne o isda Naman ay sa wet market ko na binibili dahil mas fresh doon gayun din ang mga gulay at prutas. Maliban na lamang kung pang steak ang kailangan kong bilhin. Nang matapos akong kumuha ng mga kailangan ko ay mabilis akong pumila sa counter. Hindi ganoong karami ang namimili ngayon. Hindi katulad pag nataon na week ends ay paniguradong aabutin ka ng siyam-siyam sa counter. Isa-isa ko nang nilagay sa counter ang mga pinamili ko. Habang hinihintay kong matapos mai-punched ang lahat ng aking mga pinamili ay nakita kong umoorder ng mga pagkain ang mga kaibigan ko. Napangiti ako. Pihadong babaha nanaman ng pizza sa condo. Madalas namin gawin iyon simula noong kami ay nasa first year pa lamang. Saktong natapos ilagay ng box ang mga pinamili ko ay saktong natapos din sila sa pag kuha ng mga inorder nilang pagkain. Tuna pasta ang aming i-shoot ngayon dahil isa iyon sa mga madaling lutuin. Tumatakbong lumapit naman sa akin si Tobias at ito na mismo ang nag tulak ng cart. Medyo may kabigatan kasi dahil puno ng laman. Pag labas namin ay nag-aabang na SI Ericka. Mautak talaga ito, ayaw lumaki ang muscle kaya ito ang mag d-drive Ngayon. Inabutan naman ako agad ni Deena ng milktea. " Thank you, Beb." pagpapasalamat ko kay Deena sabay tusok ng straw pag tapos ay humigop na ako. grabe, so refreshing. Tanging tango lang ang sagot into sa akin. Alam talaga ng mga ito ang paborito ko, lalo na si Deena. And Yes, wala pa rin umiimik kahit isa sa amin. Mabuti at hindi napanis Matapos ikamada lahat ni Tobias at isang staff ng HNR ang mga pinamili ko sa sasakyan ko at sa sasakyan ni Deena ay inabutan agad ni Deena Ng one hundred pesos ang staff. After fifteen minutes ay dumating na kami sa condo. Kumuha agad si Tobias ng Trolly at ito na mismo ang nag presintang mag-aakyat ng mga pinamili. Imagine kung ako lang gagawa nun, pihadong lawit dila ako. Kaya naman malaking pasasalamat ko sa mga mokong kong kaibigan dahil sa kanilang helping hands lalo na pag sinabe kong mag-shoot ako ng video. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD