Casia.
Nang makaakyat na kami sa unit ko ay mabilis kong pinindot ang password ng pinto.
At home na ang mga kaibigan ko rito. Madalas kasi kaming tumambay dito dahil malapit lang ang school. Inasikaso agad namin ang mga dala naming foods.
" Vakla! Splook mo ang sesmes!" tawag pansin ni Erick-a sa akin habang naka salong baba sa counter ng aking kitchen.
" Atat na atat sa sesmes, te!" natatawa kong sabe. Kumuha muna ko ng Isang slice ng pizza at mabilis kong nilagyan ng japanese mayo bago kainin.
Grabe! The best talaga ang pizza sa HNR! Hmmm, so yummy! Napapapikit pa 'ko sa bawat pag kagat ko.
Sa sobrang engrossed ko sa pagkain ay hindi ko namalayan na mga naka tunghay sa akin ang mga kaibigan ko at mga naka salong baba pa.
" Ano beb, magsasalita ka na ba?" tanong naman ni Deena na panay laro sa hawak nitong dinner knife.
" Hindi ba pwedeng patapusin niyo muna ako sa pagkain?" sabe ko sabay inom sa milktea na bigay ni Deena.
" Vakla! Alam mo bang nag cancel kami ng appointment?!" exaggerated na sabe ni Erick-a.
" Right! Pag nagka-wrinkles ako kasalanan mo talaga." maarteng sabe pa ni Stacey.
Wow ha! Wala talaga akong lusot sa mga ito. Sinubukan kong ibaling sa iba naming kasama ang tingin ko na animo ay humihingi ng saklolo. Ngunit nag mwestra lamang ang mga ito na animo ay may zeeper ang bibig. Damn!
" Okay fine!" sumusukong sabe ko sabay tayo.
Naglapitan ang iba pa naming mga kabigan na mga nakaupo sa couch. In total ay nasa 11 kaming lahat ngayon. Marites na marites ang galawan ng mga tinamaan ng magaling. Ganoon pa man ay mga mapagkakatiwalaan ang mga ito at sure ako na ilalaban namin ng p*****n ang bawat isa.
" After I dance sa stage. I just wanted to rest a little sa table natin. Inubos ko iyong laman ng baso ko, kaso wrong move pala iyon kase mas lalo akong nahi---"
" E, alam mo naman na hanggang isang bote ka lang. Mahina ang tolerance mo pag dating sa alak. Saka bakit 'di ka nag sabe sa isa samin. Sana nasamahan ka." asar na panenermon ni Deena sa akin. Kung lalaki lang ito ay jojowain ko talaga tong kaibigan ko na 'to, e. Lahat ng katangian na nanaisin mo sa isang lalaki ay narito na.
" Puso mo, Deens." sabay abot ni Migz ng isang bote ng beer kay Deena.
" Wala naman nangyareng masama sa akin, guys. That's thanks to Professor Hades. Inuwi niya ako sa condo niya. And you know what's funny? We live in the same building. Imagine that?" pilit na tumawa ako sabay kagat sa pizza na nasa paper plate. Syempre hindi ko na sinabe na nagising akong suot ang damit ni Professor Hades at wala akong kahit na anong suot na pang loob. For sure hindi ko magugustuhan ang reactions nila.
" Ano ba 'yan! Kala ko pa naman nalasap mo na ang langit," dismayadong sabe ni Tobias. " Hina pala ni Sir Hades sa chix." dagdag pa nito.
" Hoy Tobias! Don't tell me 'pag samin nangyare 'yon, e, pagsasamantalahan mo kami?" mataray na sabe ni Diane habang naka crossed arms at nakataas ang isang kilay.
" Hoy! Syempre hindi! Tropa ko kayo, e." defensive naman nitong sabe.
" O, siya. Ano okay na ba? Pwede na ba tayong mag shoot ng blog ko?" lively kong tanong sa mga ito. Matiim na nakatitig sa akin si Deena na animo ay hindi kumbinsido sa aking sinabe. I smiled at her to assure her that there's nothing to be worried about.
" Kala ko pa naman makukwento mo na sa amin kung gaano kalaki at kataba ang burachie ni, Sir." dismayadong ani Erick-a. Shuta! Doon pala Siya excited! meyged! Napailing na lang ako. Wow kala mo siya hindi dismayado. Enebe self!
" Tignan mo na lang iyong iyo, Erick, parehas lang iyan. Iba lang ng size at kulay!" pang-aasar ni Leo.
Sa inis ni Erick-a ay binato niya ng apple na nasa mesa si Leo na sinalo naman ng isa habang humahalakhak.
" Para kayong mga bata." naiiling na sabe ko habang nag p-prepare ng lulutuin para sa blog.
Nang matapos ko ng i-ready ang mga gagamit para sa Tuna Carbonara ay nag start na kami mag shoot.
" Hello-hello mga mahal naritong muli ang inyong lovely kusinera. Na miss niyo ba ako? char. Today we are cooking a tipid way of Tuna Carbonara." nakangiti kong pag-intro.
Sinimulan ko sa pag papakita ng mga ingredients at inexplain ko rin kung gaano karami at kung anong pwedeng ipalit kung sakaling wala sila ng ingredients na gamit ko.
Nag gisa na ako ng bawang at sibuyas sa tinunaw na margarine.
Habang nilalagay ko ang evaporated milk ay tumunog naman ang doorbell. Si Deena ang tumayo at tiningnan ang mini screen para masilip kung sino ang nag-doorbell. Tumingin sakin si Deena na ikina-curious naman ng mga mosang naming kaibigan kaya nag pulasan silang lahat patungo kay Deena upang makiusyoso.
"Omg, Vaklah! Si papa Hades!" Erick-a mouthed in silence.
Beke marinig sa blog at naka live pa naman ako. Buti na lang marunong si aklah!
Nang tingnan ko ang iba naming kaibigan ay nakatingin din pala ang mga ito sa akin ng makahulugan. Binaling ko agad ang tingin ko sa camera para pag takpan ang kabang nadarama ko. Bakit ka kinakabahan? E, Diba, wala namang nangyare? ( E, syempre baka iba isipin nila.) Pagtatalo pa ng isip ko.
Binuksan naman ni Diane ang pinto na ikinagulat ni Sir Hades na makitang naroon ang iba niyang estudyante. Enebe keseng genegewe meh rete, ser.
" Nakalimutan ko pala na sabihin, guys, 'wag na 'wag ninyong kalimutan na lagyan ng calamansi or lemon kung wala parehas ay pwedeng vinegar na lang ang gagamitin ninyong tuna. Pampabawas ng lansa iyon." nakangiti kong sabe bago tikman ang sauce, " Hmmm, perfect!"
Pagtapos kong tikman ay nag handa na agad ako sa isang plato para mag plating ng pasta at nilagyan ng sauce at cheese sa itaas gayundin ng mangilan-ilan na dahon.
Lumapit pa nang husto si Tobias at itinutok ang camera sa naka plating na carbonara.After that ay muli nitong itinutok sa akin ang camera habang nakangiti akong kumukuha ng carbonara gamit ang tinidor. After I twirl the carbonara to the fork ay tumingin akong muli sa camera at itinutok naman agad ni Tobias ang camera sa tinidor. After that ay sa akin muli naka tutok ang camera. Cue ko iyon upang isubo na ang tinidor na may carbonara.
" Hmmmmm! So yummy!" napapikit kong sabe na tila ninanamnam ko ang lasa ng luto ko then I naughtily l!ck the side of my lips na may sauce ng carbonara. " And that's it for today's mini cooking hacks this is your one and only lovely kusinera your ideal wife, my name is Casia see you in my next blog! Byeie!" Todong ngiti at wave ko sa camera.
Nang sabihin ni Tobias ang salitang "Cut" ay saka nawala ang ngiti ko. Questionable ka nanaman, girl! Aba ako nga clueless bakit nandito si Sir, eh. Pag tatalo ng isipan ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko ibinaling kay Professor Hades ang tingin. s**t! Ano bang sasabihin ko? Ano ba kasing ginagawa niya rito?
" N-naligaw po kayo, Sir? Halika po, tikman niyo po ang tuna carbonara ko." medyo alangan pa ako sa sasabihin ko. Dahil hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin.
" Nako, nakaistorbo pa ata ako sa inyo hindi ko kase alam na busy pala kayo buti na lang pala medyo marami itong donut na nabili ko." nakangiti nitong sabe sabay abot sa akin ng dalawang box ng donut.
Medyo nag-alangan pa akong tanggapin dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kaibigan ko, mabuti na lamang at to the rescue si Diane dahil mabilis nitong kinuha ang kahon at dinala ang isang box sa may living room na tanaw mo lamang sa kusina dahil magkatabi lang naman.
Nang maupo si Diane sa sofa ay makahulugan itong sumenyas sa akin. ( Basta nagkaintindihan kami ) I mouthed thank you at her afterwards then mabilis ko namang inasikaso ang plato ni Sir na ngayon ay kakwentuhan na nila Tobias at Erick-a.
Matapos kong asikasuhin si Sir Hades ay pumwesto ako sa tabi nila Deena, Stacey at Andrei.
" Beb, what is he doing here?" Stacey asked curiously.
" I don't know, beb, baka may kailangan?" balik tanong ko sakaniya.
" Wow! This is one of the best tuna carbonara that I've tasted! Surprisingly, hindi siya malansa unlike the other usual carbonara, calamamsi lang pala ang dapat ilagay sa tuna." ani Sir Hades at tuloy-tuloy na ang pag subo nito.
" Hayaan mo, Sir, patitikimin pa kita ng iba ko pang luto. Sabihan po kita kapag may shoot kami." nakaka flattered pakinggan na nagustuhan nito ang luto ko.
Nang matapos itong kumain ay mabilis itong nag paalam na aalis na, pag tayo nito ay may iniabot itong USB sa akin. Nag tataka man ay kinuha ko.
" Paki distribute na lang sa classmate mo iyang laman niyan. Lecture ko iyan for the whole semester para naman may copy na agad sa next klase natin. Salamat sa food." nakangiti nitong sabe. Hinatid naman ito sa labas ni Tobias.
" Akala namin may something na kayo." Hindi napigilang ibulalas ni Cindy. Na sinang ayunan naman ng mga kasama namin. They all said " oo nga." in chorus.
Matapos namin mag ligpit ay isa-isa nang nagpaalam ang mga kaibigan ko sa akin. Ten pm na rin naman kase.
Nang masiguro kong maayos na lahat sa kusina at wala ng ano mang kalat ay nag pasya na akong mag shower. Lagkit na lagkit na kase ako sa mag hapon ba naman na klase tapos ay nag grocery at blog pa.
Kasalukuyan akong nag papahid ng lotion nang tumunog ang doorbell. Bago ako lumabas ay nag suot Muna ako ng bathrobe dahil naka underwear lamang ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Hades. Naka white t-shirts at black na pajamas ito. Nag tataka man ay binuksan ko ang pinto.
" May nakalimu---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil mga labi agad ni Sir Hades ang sumalubong sa akin.
to be continued...