RIGHTFUL KISS

2690 Words
HINDI siya kahit kailan namansin ng manliligaw dahil sa tatay niyang nag-take advantage sa nanay niya. Natatangi ang binigay na pangalan sa kaniya dahil natatangi naman talaga siya-magandang bunga raw kasi siya ng pagkakamali sabi ng lola niya. Rosas ang ikalawang pangalan niya sa kadahilanan na iyon ang parating binibigay ng tatay niya sa kaniyang ina noong nililigawan pa lamang nito ang huli. Magandang bulaklak na sumisimbolo sa wagas na pagmamahal ngunit maraming tinik. Nakakasakit. Tinik na kasalukuyan din na nakaambang sa kaniya. Mas nakakasakit na bersyon nga lang, dahil alam niyang kapag nagtagumpay ang lalaki sa kapangahasan ay katapusan na iyon ng umusbong na pag-ibig na naramdaman niya para rito. "H-Hindi mo itutuloy 'yan, Thorn... 'w-wag..." kahit nanghihina na't pawisan ay pinilit pa rin ni Tangi na makapagsalita. Kailangan na mauntog si Thorn. "Tangi..." Mariin na napakagat-labi siya nang sumariwa sa isipan niya ang unang araw na magtama ang mga mata nila ni Thorn. Nagulat siya sa sarili niya no'n. Nakakagulat na walang pagtanggi siyang nakapa sa sarili nang sampahan niya ang kandungan ng lalaki. Inakala niya na hindi na siya makakadikit sa kahit sinong lalaki sa takot na mangyari rin sa kaniya ang nagawa ng tatay niya sa kaniyang ina. Pero iba si Thorn sa lahat. Hindi man niya pinahalata no'n, nakaramdam siya ng tuwa sa kaalaman na kaya na niyang madikit at madikitan ng lalaki sa ganoong paraan. Hanggang sa malaman niya ang tungkol sa dahilan kung bakit siya binili ng bilyonaryo... "Sinabi mo sa 'kin na ang susunod na halik na ibibigay mo ay pareho na tayong may huwisyo. H-Hindi ito 'yon. Hindi ito ang halik na pinapangarap ko, Thorn..." Muling nagtama ang mga mata nila sa paraan kung paano sila nagkatitigan noon. Napalunok siya nang unti-unti lumuwag ang pagkakapisil ni Thorn sa pisngi niya habang magkapingki ang kanilang mga noo. Nananatiling ang isang palad ng bilyonaryo ay nasa pisngi ng pang-upo niya, kung aalisin kasi nito iyon ay mahuhulog panigurado ang winarak nitong tela! "Kinakatakot kong magising mo ang demonyo sa loob ko, Tangi. Hindi ko rin gusto 'to. Mas nakakagalit lang. Hindi ako nagkaro'n ng tinatanging babae dahil sa takot ko na mangyari 'to, s-sa 'yo ko pa pala magagawa..." Nanginginig pa man ang palad ng dalaga ay walang salitang hinaplos niya sa masuyong paraan ang pisngi ni Thorn. "Sshhh, wala kang ginawang mali sa 'kin. Ako pa nga 'tong siraulo sa ating dalawa," saway niya sa pagse-self pity ng lalaki. Nang manatili lang na nakatitig sa kaniya ang bilyonaryo ay siya na mismo ang naglapit ng labi niya rito... Iyon ang tamang halik. Nakakasiguro siyang iyon ang halik na pareho nilang pinapangarap, maalab man, sabik pa rin, maingay at basa, ngunit may pagsuyo na. Nagkakaunawaan na ang kanilang mga galaw, ang bawat hagod sa labi ng bawat isa, ang kanilang mga dila ay tila nag-uusap at nagbibigayan, mas lalo na ang pintig ng kanilang mga puso... "I'm sorry, Tangi-" Nakakaadik naman pala ang labi ni Thorn, parang ayaw na niyang tigilan, nagkapalit na nga ang puwesto nila e, ito na ngayon ang nakakulong sa mga braso niya dahil nakaupo na siya sa ibabaw nito. Hindi na niya namalayan kung paano nangyaring napunta sila sa ganoong puwesto. "Ako ang dapat na mag-sorry sa 'yo, Thorn. Napaka-selfish ko-" Masarap din yata ang labi niya, hindi rin kasi siya tinitigilan ng sibasib nito. Ah, hindi naman sa nagrereklamo siya pero kasi... "Kailangan na nating umalis dito. Nararamdaman kong tense ka na," ani Thorn, saka siya tila walang timbang na hinawakan sa bewang at inayos nito sa pagkakatayo. Mabilis din na naghubad ito ng long sleeves na suot, pinulupot nito iyon sa bewang niya. Buhok niya ang sumunod na inayos ni Thorn. "Hawakan mo lang muna, hapitin mo para hindi mahulog, sandali lang naman 'to," sabi sa kaniya ng bilyonaryo, tinutukoy ay ang sinira lang naman nitong short at panty niya! "Tsk, bakit kasi mapanira ka." She pouted. THORN just chuckled. After turning on the lights ang everything there, nag-utos na siya sa mga bodyguards na hintayin ang paglabas nila. Gustuhin man niyang hindi na tigilan ang labi ni Tangi ay hindi puwede, kinakapos na sila sa hangin. Tolerable man ang phobia ng babae sa masikip na lugar ay hindi tama na kunin niya pa ang kapirasong hangin na nasasagap pa nito. "Oo nga pala, hindi mo kailangan na mahiya mamaya, okay?" Inangat niya ang mukha ni Tangi, haplos niyang muli ang pisngi nito. "Huh?" "E, baka nariyan din si Lolly... alam mo naman 'yon," nahihiya niyang wika. Lola niya kasi si Doña Lolita kaya kilalang-kilala niya iyon. Siguradong isa ito sa mga nakaabang sa pagbubukas ng elevator. Hindi magpapahuli ang lola niya sa balita. "N-Nakakahiya pala..." Pagak na natawa siya. Bago yumuko ulit si Tangi at magtago sa dibdib niya ay dinampian niya muna ng magaan na halik ang labi at saka niya hinipan ang bibig nito. "Relax ka lang. Kaunting segundo na lang ay bubukas na ang pintong 'to." "Magre-relax lang talaga ako, kasama naman kita e." Kinikilig pala ang mga businessman, ngayon lang niya nalaman. Iyon na kasi mismo ang emosyon na lumukob sa kaniya sa pagkakasambit niyon ni Tangi. "Thorn?" "Hmn..." "Habang tayong dalawa lang ang nandito, umamin ka na..." Malakas na tawa niya ang pumuno sa loob ng apat na sulok ng elevator na iyon. "Ang taas ng pride mo, Natatangi. Ako pa talaga dapat ang mauunang magsabi na mahal kita?" "Mahal na rin talaga kita." Mas natawa na lamang si Thorn ng malakas. Natigil lang iyon nang walang salitang binuhat na niya ang babaeng malakas ang topak-ala bride style. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay sinalubong sila ng mga bodyguards niya, pinatong ang malaking towel sa balikat niya, saka inalalayan na sila patungo sa exit door. Hinanap ng mga mata niya si Lolly. "Wala si Lolly, 'wag ka nang magtulog-tulugan," bulong niya kay Tangi. "Tulog ako, 'maya na tayo mag-usap." Kandasiksik sa kili-kili niya ang babae. Nahihiya. He chuckled. "Sure." Narating nila si Buwi, nakahanda na ang pintuan niyon para sa kanilang pagsakay. Maingat na naiupo na niya si Tangi roon nang bigla itong humiyaw. "Ouch!" "'Babae ka, aba'y nagpahubad ka na nang tuluyan sa apo ko sa loob ng elevator!" "Lolly-" Siya na ang sumunod na humiyaw dahil sa batok na natamo niya mula sa doña pagkatapos nitong kurutin sa kung saan-saan si Tangi. *** UMANI at patuloy na umaani ng million views, reacts and comments online ang press release ni Gianna Harmonica patungkol sa ginawa ni Tangi. Naglabas ang babae ng mga katibayan na ang lahat ng ginawa ng huli ay scripted at pineke lamang nito nang kasabwat si Crey Acostal. Nakuha ni Thorn ang simpatya ng lahat nang dahil doon. Siyempre pa ay mayroon din naman na iilang negatibong komento patungkol sa nangyari lalo na at nalaman ng lahat na pinakasalan niya na si Tangi. Sinadya nilang ilihim ang naging kasal nila sa private resort na pag-aari niya sa Palawan. Hindi na rin sila lumayo ng asawa niya, sa resort na rin na iyon sila nag-honeymoon. "Mas pinili niyang isiwalat ang nagawa namin ni Crey sa 'yo kahit asawa naman niya si Acostal." Mula sa pinanonood niyang press release ni Gianna ay nalipat sa asawa niya ang kaniyang mga mata. "Ngayon ko pa lang ito pinanood pero three weeks ago pa ito umere, pero ngayon mo lang sinabi sa 'kin na asawa na niya pala si Acostal. So, you mean, nauna pa silang nagpakasal sa 'tin? To think na akala ko ay ang sa 'tin na ang pinakamabilis at pinaka-secret na kasal ng taong 2022?" Sa resort kasi na iyon niya diniretso kaagad amg ngayo'y asawa na nga niyang si Tangi pagkatapos ng insidenteng ginawa nito sa filming room ng office building niya. Hindi niya kasi gustong ma-stress pa sila sa aftermath niyon. His wife scoffed. "Hindi ang kasal natin ang topic nating dalawa. Ang sinasabi ko ay mas pinili ni Gianna na ilaglag ang asawa niya." Nakangusong ani nito pagdaka. Pagak naman siyang natawa. Kumuha siya ng popcorn na bitbit nitoi. "Big deal ba 'yon sa 'yo? E, anong magagawa mo, g'wapo ang asawa mo." Umikot ang mga mata nito. "Bakasyon natin 'to. Marami tayong time, Mr. Anzurez, simulan mo nang magkuwento." Napangisi siya. Labas ang lahat ng ngipin. Umunan siya sa hita ng kaniyang misis, pagkuwa'y marahan niyang pinisil ang maliit nitong ilong. "Ang selosa mo naman, Mrs. Anzurez, topakin ka talaga." "Entitled lang." Halakhak ang itinugon ng bilyonaryo. "On point." "Kaya 'wag ka nang magpa-cute, ipaliwanag mo na sa 'kin kung anong ganap sa inyo ni Gianna. Maganda kasi siya, sexy at mas nauna mong nakasama't nakilala," kastigo pa nito sa kaniya. He simply shrugged. "Well, tumatanaw lang si G ng utang na loob sa 'kin. Kung asawa niya si Acostal, congrats to him. Ang alam ko kasi ay siya ang nag-iisang lalaking kinasusuklaman ni G. Kaya nga ba katulad mo ay pinilit din niya sa 'kin ang sarili niya, si Gianna ang mismong nagpasimula ng beauty products at slimming coffee sa company ko. Sadyang kinalaban niya si Acostal." "Nice try," tipid na komento ni Tangi. Mas napangisi naman si Thorn. Ewan ba niya, sa tuwing ganoon ang itsura ng misis niya ay natutuwa siya. Ito lang yata ang babaeng inis na pero maganda pa rin sa paningin niya. "Pursigido lang si Gianna na madaig si Acostal. Dahil din sa kaniya kaya ko nakatunggali 'yun sa negosyo. Malaki ang utang na loob ni G sa 'kin dahil iniligtas namin siya ni Gerson sa isang r****t nang minsang madaanan namin siya sa Malate." Drugged and tipsy ang babae nang i-rescue nila that night. Wala e, hindi niya kayang makakita ng babaeng minomolestiya. Nakapalagayang loob naman niya. Hindi kaagad umuwi nang tulungan niya at kupkupin. Nang umuwi naman ay bumalik para sa negosyong binuksan sa kaniya. Modelo nga kasi si Gianna kaya napapayag din siya kalaunan. "Ah, so, superhero ka pala..." "Medyo." Naglalambing na sumiksik siya sa tiyan ng asawa niya't mahigpit na niyakap niya ito. "Naku, kaya pala lalo kang guma-g'wapo e!" Napangiti na lang siya nang walang ano-ano'y bigla siyang sampahan ni Tangi. Inayos niya naman ang pagkakapuwesto nito sa kaniyang tiyan. Alam niya kasing maglalambing na ito. Inilapag na ang tasa sa bedside table. "Hindi mo naman kailangan na magselos kay G." "Sino namang may sabi sa 'yo na nagseselos ako sa kaniya?" Lukot ang ilong nitong maang-maangan. "Si Lolly ang nagsabi." "Nagmana ka talaga sa lola mo! Ang judger niyong dalawa! Hindi ako nagseselos 'no! Parang nag-uusisa lang e," defensive nitong sagot. He smirked. "Sabi ni Lolly, kapag daw nag-uusisa ang isang babae ay nagseselos na 'yon." His wife rolled her eyeballs once again. "Bakit naman ako magseselos do'n? E, ako ang nasa puwestong 'to?" Tangi slid herself patungo sa kaniyang kaibigan 'down there'. "Ako na rin lang ang makakaramdam sa matigas na 'to, Thorn." Christ! He's really getting hard-that fast! Sino ba ang hindi maninigas kapag ganito kaganda ang nasa ibabaw mo? "Mas on point ka d'yan, misis." Bahagya siyang dumukwang, he sensually bit her earlobe as a return. "Masisira na naman 'yang panty mo, magrereklamo ka na naman kaya kung ako sa 'yo ay huhubarin ko na 'yan." Bumungisngis lang ito. Pero ginawa rin naman nito ang kaniyang sinabi. Pinanood lang niya kung paano siyang akitin ng pilyang asawa. Tumayo ito sa pagitan ng mga hita niya. Inakay siya pabangon at bahagyang pinasandal sa headboard ng kama. Nang kagat-labing ipinasok ng misis niya ang sariling mga palad patungo sa underwear na suot nito ay nag-alburuto na agad ang kaniyang puson! "Ako lang din ang makakapag-perform ng lap dance sa 'yo-for life." "Well, that's true," sang-ayon niya. "Right. Hindi niya kaya 'to, Thorn." Napaamang siya, ang hindi kaya na tinutukoy ni Tangi ay ang posisyon na lap dance! "Misis, sure ka ba sa puwestong 'yan?" tanong niya. Mabuti na ang sigurado, mas gusto niyang kumportable ito. "Uh-huh. Ganito raw ang posisyon na mas makakabuo ako ng dalawang letrang T." Kumunot ang kaniyang noo. Napaigik din siya dahil ang literal na 'dalawang letrang T' ay nahimas nang hindi niya namamalayan. "Tangi. . ." Paungol nang lumabas iyon sa bibig ng bilyonaryo-ikaw ba namang makaranas na nang mainit, mamasa-masa na entrance ay hindi ka pa ba mapapaungol? Dahan-dahan na nga siyang inuupuan ng kaniyang asawa, siya naman ay nakamasid lang at nakaalalay sa magkabila nitong bewang. "Uh, T-Thorn. . ." Napailing na lamang siya nang makita niya kung paano mapangiwi ang misis niyang may katigasan ang ulo. "Matigas kasi ang ulo mo," kunwa'y inis niyang turan. Marahan niyang hinila ang buhok nito, hinalikan niya sa masuyo at mainit na paraan ang maliit na labi upang ma-distract ito sa kasalukuyang sakit na nararamdaman. Kahit yata ilang beses nilang gawin ang pagkakahugpong ng kanilang mga katawan ay mapapangiwi pa rin ito dahil aminado naman siyang sakop niya ito kapag nasa loob ang 'kaibigan' niya. "What do you mean about two letter T's?" Licking her ears, he whispered. "I mean, dalawang T kasi ang gusto kong ipangalan sa magiging baby boy natin..." Hindi na nagawang sumagot ni Thorn, nag-igtingan na kasi ang mga bagang niya nang maghugpong na ang mga katawan nila ni Tangi. Shit! Seryoso nga yata si Natatangi sa nabanggit na dalawang letrang T, matiyaga kasi itong pinasok ang kaibigan niya sa ganoong posisyon saka iginalaw kaagad ang sariling bewang... Nangaligkig siya tuloy sa sarap. Well, kung nais ng asawa niya ang dalawang letrang T na pangalan para sa anak nila ay sino ba siya para magreklamo? Hangga't hindi rin nagrereklamo ang matigas na dalawang letrang T niya ay gagawa sila ni Tangi ng maraming baby para more letter T! "Thorn..." "Hmn?" "I think, ayan na..." Nakatalikod ito sa kaniya kaya kahit hindi naman ito magsabi ay alam niyang malapit na ito. Iba na kasi ang galaw ng misis niya-mabilis na. Hindi na rin malaman kung saan kakapit-kung sa kaniya ba, kung sa mga palad niya na minamasahe ang harap nito o sa buhok ba nito. Ilang sandali lamang ay ang paghiyaw na ni Tangi ang namayani sa buong kuwarto. Grinding her hips while seriously accepting his assaults, sabay silang nakarating sa dapat nilang marating na glorya. Lupaypay na nahiga ito sa kaniyang dibdib nang kapwa sila nakaraos. He planted a quick kiss on her lips. "Mas okay na ba ngayon kesa no'ng mga una?" puno ng pag-aalalang tanong niya. "I think so. Ikaw na rin naman ang may sabi na sa una lang 'to, hindi ba? Na masasanay rin ako." "Of course. Practice makes perfect," biro niya. "Kailangan pa natin ng maraming practice para na rin sa pangarap kong dalawang T," Tangi said in a serious tone. Natawa siya. "Sira ka talaga." "Seryoso ako!" Thorn shook his head. Patuloy na nilambing na lang niya ang asawa sa pamamagitan ng halik. "Huy, mahal na kita, pinakasalan na nga kita, may pahalik-halik ka pa d'yan!" pabirong saway sa kaniya ng makulit niyang misis. Tatawa-tawang marahan na kinagat niya lang ang ibabang labi nito. "I love you too, wife. Kaya susuportahan ko ang dalawang letrang T na gusto mo." Maarteng suminghap ito. "Seryoso?!" Tumango siya. "His or her name will be Titanium. Ang nickname niya ay depende sa magiging gender niya." "Shocks, ang ganda nga ng Titanium, ang galing mo talaga, Thorn-longges!" anang asawa niya, pinanggigilan pa ang pisngi niya. "Jesus! May naisip ka na naman na itatawag sa 'kin pagkatapos ng tukmol noon! I can't believe you!" Humagikgik lang ang Natatangi niyang misis. "So, bakit Titanium?" Malawak siyang napangiti. Mas gusto niya ang mga ganoong tanong. "Because I will make sure that our child won't fall easily like us." "Ang pangalan na niya ang puputol sa mga tinik na nasa mga pangalan natin. Gusto ko 'yan," masayang wika nito. "E, pa'no ba 'yan, mas gusto ko pa rin 'to!" Pumuno ang tili at tawanan nila sa loob ng kuwarto nang biglain niya ang muling pagpasok sa asawa. Hirap na hirap si Tangi kanina, shortcut naman ang pagbigla habang may batis pa sa gate. "Ang salbahe neto!" "Ginagawa kasi si Titanium, hindi 'yon basta pinapangarap lang, misis." Their lips automatically locked together. On that wet night, they once again shared in the fire of happiness. ~Wakas~ ©LUNAMARGARET

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD