bc

Binili Ako ng Bilyonaryo {COMPLETED | FREE}

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.2K
READ
bitch
humorous
like
intro-logo
Blurb

Natatangi Rosas Magdalo—pangalan pa lang ay nakuha na ng dalaga ang atensyon ni Thorn. Mas lalo na nang malaman niyang kaiba sa lahat ang rason nito kung bakit ito napunta sa isang cheap na beerhouse.

 Ginusto ni Tangi na makapangasawa ng mayaman na lalaki ngunit dumating sa buhay niya si Thorn sa panahon na hindi na niya ito kailangan.

 Ano ba ang gagawin niya kung magpumilit na makapasok ang isang tao sa buhay niya kung kailan hindi niya naman na ito kailangan? 

 Lalo kung ang taong iyon ay isang tinik na sa lalamunan niya pa pumuwesto. 

 Tinik na hindi niya basta mababalewala ang talim…

©October | Luna Margaret

***

[STORY WRITTEN IN TAGLISH]

[COVER: APPLE WP]

[25k WC ONLY]

chap-preview
Free preview
FORCED PURCHASE
"36, 24, 36," anang kanang kamay ni Thorn sa kaniya. Kasunod niyon ay nakataob nitong inilapag sa mesa ang isang nasisiguro niyang litrato. "Wala na bang takip ang mukha niyan?" seryoso niyang tanong sa tauhan. Umiling ito at tumango. "Wala na. Take a look." "Good job, Gerson," komento niya. Kinuha na niya ang litrato upang masipat niya iyon. Ang vital statistics na binanggit kanina ng kanang kamay niya ay siya ngang tunay—iyon ang unang napuna ni Thorn sa whole body picture ng babaeng pinatrabaho niya rito. Tulad din ng inutos niya kay Gerson, sa pagkakataon na iyon ay wala nang nakatakip sa mukha ni Natatangi Rosas Magdalo. Malinaw na niyang nasipat ang ganda nito sa nag-iisang litrato na iyon. Maamo ang mukha ni Natatangi Rosas. Sa sobrang amo niyon ay kaya ka nitong mabudol sa isang iglap. Iyon ang klase ng mukha na ipagpapalit mo ang lahat ng mayroon ka, makuha mo lamang. Mapunta lamang siya sa 'yo. "Performer lang siya sa beerhouse na 'yon," imporma sa kaniya ni Gerson, "Hindi siya nagpapalabas. Hindi rin siya for dine in or for table kung tawagin. She's not available for that to be exact. Naro'n lang siya bilang VIP—very important performer. Dati siyang mananahi sa bahay lang. Katulong sa mga Terta ang kamamatay lang na lola niyang nagtaguyod sa kaniya." Tumaas ang isang kilay niya. Well, that's impressive though. Una ang pangalan ng babae, ikalawa ay ang pagkakaroon nito ng talento sa pananahi. Pangatlo, ang pagiging VIP nito in her own way. Iilan lang ba ang mga tao sa mundo na nakagawa ng markado nilang entrance at exit habang nabubuhay? "Sino-sino na sa kakilala ko ang mga naging client na niya?" tanong niya pagdaka. "Actually, wala pa naman siyang isang buwan sa pipitsuging beerhouse na 'yon na pag-aari ng anak ni Rob Terta. Kay Mayora Sanna. Ayon sa mayora, dalawa pa lamang ang naging client niya mula nang mahawakan si Natatangi ng beerhouse bilang VIP performer nila. Ang alkalde na si Galeon at ang asawa niyon. Mukhang kakaiba ang trip ng mag-asawa na 'yon pagdating sa intimate na usapin." "Ang lokong mayora na 'yon na may dual personality," ani Thorn. Nasabi niya iyon dahil iyon ang sariling assessment niya sa mayora ng probinsyang iyon. Hindi iilang beses na niyang na-meet sa personal ang matabang mayora na napakatapang ng personality na pinapakita sa publiko. Pero kung tutuusin naman ay maraming beses na nagmakaawa para sa pag-ibig na pinilit lang din naman nito sa sarili. Kung matapang kang talaga, hindi ka maghahanap ng pag-ibig. Mas lalo ang ipilit iyon gamit ang tapang na inaakala mong mayroon ka. For him, mas katapangan ang pag-iisa, simple as that. Hindi siya tsismoso, sadyang nakakatawa lang ang ganoong mga tao para sa kaniya kaya nakikisagap siya sa tuwing bored siya. Tumango si Gerson. "Kaniya nga ang Sanna Owl KTV Bar and Restaurant." "Nabalitaan ko ang hinihingi niyang pondo." "Naisip ko na nga rin 'yan, Thorn. 'Yan din ang isasangguni ko sa 'yo." Tipid siyang tumango. "Ibigay mo ang hiling na pera para makuha natin si Rosas." "Tangi. 'Yun ang gusto niyang itinatawag sa kaniya." He simply shrugged his shoulders. "'Kilos na." "Asahan mong hindi pa tapos ang araw na 'to ay settled na ang lahat." "Alam ko 'yan. Ikaw pa ba," pambobola niya pa sa kanang kamay niya. Ngumisi ito. "Maghanda ka na." Ginantihan niya ang ngisi ng kanang kamay niya. "Nakahanda naman na ang penthouse." "What I mean is, maghanda ka na dahil mukhang kakaiba ang isang 'to." "Kaya nga sa penthouse ko sa Parañaque natin siya dadalhin, Gerson," mayabang niyang sambit. Come on, he's a billionaire for pete's sake! Name anything, ang lahat ay mayroon si Thorn Anzurez. Ipinagmamayabang niya talaga ang mga narating niyang tagumpay sa edad niyang bente nueve dahil ang lahat ng iyon, sabihin man na may mga matataas na tao siyang tinuntungan upang makarating doon ay pinagsumikapan naman niya na marating ang rurok. "Kakaiba siya dahil kahit gano'n ang kaniyang trabaho, hundred percent na hanggang laway ka lang sa kaniya." Lumawak ang ngisi niya. "Takot pala siyang mausog kung gano'n." *** MAGANDANG lalaki ang kliyente niya ngayong gabi. Kaagad iyong napuna ni Tangi nang umentra siya sa VIP room na laan para lang talaga sa performance niya sa beerhouse na iyon. Gaya noon, nakasuot siya ng makulay at maburloloy na two piece at maskarang nakatabing sa kaniyang mukha. Nakaladlad din ang kaniyang straight na buhok na ang haba ay hanggang sa ibabaw ng kaniyang mga balikat. Inangat niya ang dalawa niyang braso sa kaniyang ulunan. At bilang panimula sa kaniyang palabas, sinimulan na niyang marahan na iginiling ang kaniyang bewang. "Nice," komento ng lalaking agad na napaayos ng upo kahit kakagiling pa lang naman niya. Napalunok siya sa baritong boses nito. Matigas but sexy, kaya palang magsabay niyon, ngayon lang niya nalaman. Aaminin niyang ginanahan din siya sa pa-brush up na buhok ng client niya for tonight. Litaw ang kagandahang lalaki nito dahil doon. Ang mga panga nito, iyon ang panga na papangarapin mong haplusin habang hinahalikan ka… Oo na, puwede niya nang sabihin ngayon na ang mapanga at maugat na lalaking ito ang kaniyang tipo. Idagdag pa na kitang-kita ang galit na mga ugat sa biceps nito dahil sa nakatupi na manggas ng long sleeves nito. Ginanahan din siya sa itsura nitong kagalang-galang, nakasuot kasi ito ng salamin sa mga mata. Edukado ang itsura ngunit mukhang may pagkahudas vibe naman ang korte at kapal ng mga kilay. Ang matiim tuloy na mga mata nito ay naging kaakit-akit sa kaniya. Hudas nga raw ang isang ito—sa negosyo. Iyon ang pakilala sa kaniya rito ng manager nila sa beerhouse na iyon. Ayon sa sabi-sabi ay ganoon din ito sa mga babaeng nakakasama sa kama. Pero wala naman siyang pakialam na roon. Ang lap dance performance niya ay ekslusibo lamang sa mga tulad nitong may kakayahan na magbayad, doon na magtatapos ang kung ano man ang maaaring mangyari sa kanila nito. "Five minutes lang ito, hindi ba?" "Uhm, yes," simpleng tugon niya. Five minutes lang iyon dahil ang pagtindig ng 'flashlight' ng isang lalaki ay ganoon kabilis. "You can touch me." Umiling ang lalaki. Pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "I don't want to. Mas gusto kong ikaw ang humawak sa 'kin." Napangiti si Tangi. Nagiging romantiko yata siya ngayong gabi dahil nakiliti siya sa simpleng salita na iyon na madalas naman na niyang naririnig sa mga lalaking kaniyang nakakasalamuha. Nagbabago pala ang timpla ng green jokes kapag tipo niyang lalaki ang humihirit niyon. Bagong kaalaman din iyon sa kaniya. "Sure. 'Yun ay kung makakapaghintay ka." Sinayawan na niya ito, paikot, habang eksperto niyang hinahaplos ang matipuno nitong dibdib. Eratikong hinahaplos na niya ang suot nitong polo na mamaya lang ay hindi na nito namamalayan na makakalasan na niya ng butones. "Ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki. "Tangi." Huli na para siya ay magulat. Weird na ibinigay niya ang pangalan sa lalaki pero may weird feeling din siyang nakakapa sa sarili kung hindi naman niya ibibigay. Magulo. Iyon na nga eksakto—ginugulo siya ng lalaking ito. Patunay na roon ang ginagawa niyang senswal na marahang pagkagat-kagat sa isang tainga ng lalaki habang humahaplos ang mga palad niya sa dibdib nito at well, while she's fully aware na nakadantay na ang mga dibdib niya sa batok nito. Aware rin siya na binu-boob job niya na kung susumahin ang batok nito… "Nice name," komento ng lalaki sa medyo paos na tono. Nice combination of rough and smooth palms, sambit sa isipan ni Tangi nang ilapat ng lalaki sa kaniya ang mga braso nito at ihaplos sa kaniyang expose na likod ang mga palad nito. "I'm Thorn." Nag-bend patingala si Thorn, ang mga palad na kanina ay nasa likod niya ay nakarating na sa mga pisngi ng kaniyang pang-upo. Tumingala ito at sa unang pagkakataon mula kanina ay nagtama ang kanilang mga mata. Those piercing deep-set eyes of him, tila iyon sumisigaw sa kaniya ng isang kuwentong hindi naman na nanaisin pa ni Tangi na alamin. Bumabalanse kasi ang pagsigaw na iyon sa pakiusap ng mga mata ng lalaki na ibigay na niya ang alam naman nilang pareho na gusto nito. Sa isang iglap, hayun na siya sa c****x ng performance niya—kumandong na siya rito. She bit her lower lip. Paano ay nahuli lang naman niyang naggalawan ang mga panga ng lalaki ng lumapat na siya sa nakaumbok nitong gitna. "Alam mo bang hindi ko ginagawa ang pag-upong ganito, mister." Thorn smirked. "Wow. So ako pa lang pala ang masuwerteng inupuan mo?" She giggled. "At kiniskisan…" maharot niyang turun habang tila siya bulateng inasinan sa lap nito. Dama niyang pareho silang nanginginig sa kasabikan at pag-iinit. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang ngayon lang niya ito ginawa. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalaking ito. Maging ang labi niya ay napapaawang na nito sa simpleng pagkakayas lang ng kanilang mga katawan na kapwa naman may saplot. "Masyado yatang matigas, mister…" Shocks, saan galing ang sinasabi niya na iyon? Thorn chuckled. "Tumigas dahil katigas-tigas ka naman, missy." "Masaya siguro kung totohanan." "Mas masaya kung walang napipilitan," ganting sabi ni Thorn sa kaniya. Pagak siyang natawa. "Kung sabagay." "Alam ko ang rules mo, Tangi. You don't have to break it for me." Sinalubong niya ulit ang mga mata ng lalaki. Kinuha niya ang isang palad nito at siya mismo ang naglapat niyon sa kaniyang dibdib. Hindi siya nagkamali, nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Kaagad nitong minasahe ang kaniyang dibdib. "Bawal 'yan pero pinagagawa ko na sa 'yo ngayon," aniya kay Thorn. Naglamlam ang mga mata ng lalaki sa kaniyang sinabi. Mas napariin tuloy ang kagat ni Tangi sa labi niya nang maramdaman niyang masyadong hard na sa pagkakabukaka niya si Thorn. Grabe, dunggol na dunggol siya e. Hindi na nga niya naiwasan na kumapit sa mga balikat nito. "'Wag mong sabihin na may lalabas?" "Pre-c*m, I guess?" Maharot siyang tumawa. "Shocks." "Mas mainam 'to kesa ang mapilitan ka dahil sa nag-init ka lang." Grabe, may lalaki pa pala ganito? Seryoso ba ang lalaking kaharap niya? Hindi siya nire-reject nito dahil hayun nga at may nalabas dito pero hindi rin naman gustong mag-take advantage sa sitwasyon. E, ano pala ang gusto nito kung gano'n? Bukod sa alam na niyang sarap na dulot ng sensasyong kasalukuyang binibigay sa kaniya nito, ano rin ba ang nais niyang maramdaman nang dahil lang sa lalaking ito? "Listen baby, I want you to be mine," walang ano-ano ay anas sa kaniya ni Thorn. Napaamang siya. "A—Ano?!" "I want you to be mine, even with your rules. Be with me—literally and figuratively." Awtomatikong napabitaw siya sa lalaki. "Na—Nahihibang ka na yata—" agad siyang napasinghap nang medyo mariin na hilahin siya ni Thorn sa kaniyang pulsuhan at marahan nitong pisilin ang kaniyang mga pisngi. "Hindi ka naman makakatakas sa 'kin, Tangi." Nahulog ang nakatakip na maskara sa kaniyang mukha. Mas naging prominente tuloy ang pagtatagpo ng kanilang mga mata. "Alam kong nais mong makapag-asawa ng mayaman." "Noon 'yon!" pabiglang sambit ni Tangi. "What makes differ from noon sa ngayon? Mayaman ako, bilyonaryo ako, ititira kita sa penthouse, hindi mo na kailangan na magpakapagod sa kakasayaw sa ganitong lugar." "P—Pasensya na, hindi na kita kailangan… noon kasi ay kailangan na kailangan ko ng pera para sa lola ko—" "Exactly!" Malalim na kunot noo lang ang sumunod na tinugon niya sa lalaki. "Tangi, 'yan nga mismo ang siyang nagustuhan ko sa 'yo. Ang pagkakalihis ng mga plano mo nang dahil lang sa nagrerebelde ka sa mundo." Pinagmasdan nito ang kaniyang buhok na may iilang hibla na may kulay neon pink. "Nagrerebelde ako sa mundo pero hindi ibig sabihin niyon ay handa na akong magpabayad sa kahit sino, Thorn." Malinaw naman na pagtanggi ang kaniyang sinambit, pero hindi maunawaan ni Tangi kung bakit ngumiti ang kaniyang kausap. Sa pagngiti tuloy nitong iyon nang wala sa oras ay parang nais niyang bawiin ang kaninang pagtanggi… "I never thought that my name would be beautiful now that it came from your tiny red-ish lips, doll." Pinaningkitan niya ito ng mga mata, saka marahas niyang kinabig ang sariling pulso mula sa higpit ng palad nito. "I am not your doll to begin with." Nakangising pinagmasdan na lang ni Thorn ang makinis na likuran ng dalaga, partikular ang pang-upo nito patungo sa mahabang legs dahil oo, tinalikuran na nga siya ni Tangi. Napasulyap siya sa relong pambisig, tapos na rin pala ang limang minuto. Pero sana naman ay malinaw sa babae na ang performance lang nito ng lap dance ang natapos ngayong gabi dahil wala siyang balak na pakawalan pa ito after this thrilling night with her. *** "HINDI ka na puwedeng pumasok dito, Tangi, pasensya na. Ako ang malilintikan e." Napanganga si Tangi. Hindi siya makapaniwalang hindi siya pinapapasok ngayon ng guard nila sa beerhouse na si Manong Ruben! "Manong Rub, kakausapin ko sana si Mama Mio e," aniya rito, susubukan niyang makipagtawaran. Baka sakali rin naman. Nagkamot sa ulong napapanot na ang matadang guard. "Naku, sorry talaga. Ang bilin niya kasi ay 'wag ka ngang papasukin. Hindi ka na raw nagtatrabaho rito. May iniwan daw siyang mensahe sa 'yo sa Messenger." Pumalatak siya. Saka inis na naghalungkat ng sigarilyo sa kaniyang bag at sinindihan niya iyon. Nakakainis ang manager niya! Ini-stress ang ganda niya! "O, mag-yosi na lang muna tayo," alok ni Tangi sa guard. Kinuha naman nito iyon. "Bakit kasi hindi mo subukan na kausapin sa Messenger si Ma' am Mio?" ani pa ni Manong Ruben sa kaniya. Umiling siya. "Ewan ko ro'n, badtrip lang," reklamo niya pagdaka. "Huy, bruha, 'nong ginagawa mo rito?!" Napatayo si Tangi mula sa kinauupuan na pavement nang dumating na si Aleli. Ito ang pinakamatalik niyang kaibigan sa mga katrabaho niya sa beerhouse na iyon. "Hinihintay kita," ani Tangi sa kaibigan. "E, 'takte, hindi ako makapasok e. Wala na daw akong trabaho." Tumawa si Aleli. "Alam mo naman pala, ano pang ginagawa mo rine?!" Inikutan niya ng mga mata ang kaibigan. "Baliw ka ba? Alam mong hindi puwedeng hindi ako magtrabaho." Lumahad ito sa kaniya, inabutan niya naman ng yosi ito dahil iyon naman ang ibig nitong sabihin sa paglahad. "Hindi puwede na hindi magtrabaho ang lahat ng tao, day—correction: lahat ng taong hindi kasing suwerte mo!" "Ano bang sinasabi mo d'yan?" Lukot ang ilong na turan ni Tangi. "'Wag na tayong maglokohan dito uy, alam ko na ang balita. Binibili ka no'ng g'wapong si Tinik." She rolled her eyes. "At alam mong hindi ko ito-tolerate 'yon." Hindi kumibo si Aleli. May nginuso sa likuran niya. Nang harapin niya ang nginuso nito, may lalaki roon na ngayon lang niya nakita sa tanan ng buhay niya... "Magandang gabi, madam," anang lalaki sa kaniya. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nito sa kaniya. Naka-jacket itong leather kahit mainit naman ang panahon. Naka-safety shoes pa. "Good evening din," sagot na lang niya. "Kakausapin niyo ho ba ang guard? Saglit lang at nagpaalam na mag-CR—" "Ah, hindi. Kayo po talaga ang sadya ko rito sa beerhouse." Mulagat na tinuro niya ang sariling dibdib. "Ako ho?!" Nagkatinginan sila ni Aleli. "Oho, madam, ikaw nga. Ikaw si Tangi hindi ba," sabi pa ng lalaki. "Opo, pero... ano ang sadya niyo sa 'kin? Sure ako na hindi ko kayo kilala..." nagtataka niyang sambit. "Ako si Gerson, right hand man ako ni Sir Thorn, madam. Kailangan niyong sumama sa amin ngayong gabi, kung hindi ay mawawalan po kami ng trabaho pare-pareho." Pagkasabi nito ng huling salita, napalingon na siya sa tinutukoy nitong 'kami'. Apat na lalaki pa pala ang kasama nito, pawang mga naka-jacket sa kainitan ng panahon—pawang nagmamakaawa ang mga itsura sa kaniya! "Madam, baka naman, may mga pamilya po kaming umaasa sa amin." Muli siyang napalingon sa kaibigan. Nagkibit lang ng mga balikat si Aleli. Shocks, kakabanggit lang niya na kanina na hindi rin siya maaaring mawalan ng trabaho!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook