Impressions 3

832 Words
Friday na. Each day, pumupunta siya sa hospital pero hindi pa rin siya pinapapasok. It's been a week now. Nasa ICU pa rin si Mr. Montillano. Pero ang sabi ni Lawrence, he is getting better everyday. 2 more days at malilipat na rin sa regular private room. Kailangan lang imonitor ang blood pressure, sugar level, at heart beat. Every morning and afternoon, dumadaan siya sa hospital kahit na nga ba hindi siya allowed man lang na silipin si Mr. Montillano. She assumed all the responsibilities muna sa opisina. After all, siya ang nakakaalam ng ins and outs ng kumpanya. The other day dumating na rin ang bunsong anak ni Mr. Montillano - si Jeff, Jefferson Alfred Montillano. Pero hindi pa niya nakikita. Hindi pa rin kasi pumupunta ng opisina sina Royce and Rej. Kaya siya lang talaga ang gumagawa ng lahat. Wala siyang reklamo sa trabaho. After all, this is what feeds her since she became an orphaned. Ngayon, she thought of going back to the office habang naghihintay ng multicab. Iniwan na nya ang sasakyan niya sa parking ng opisina. Malapit lang naman kasi at may kailangan pa siyang tapusin na report para sa board meeting the following week. "Oi, bakit bumalik ka pa?" tanong yun ni Lisa. Ang nag iisang malapit ang loob sa kanya sa floor na yun ng opisina. Si Lisa ay nasa accounting department. Asa early 30's. Single. "Oo eh, tinatapos ko pa yung report ni Ma'am Royce para sa board next week" sagot niya at napahinto saglit sa tapat ng desk ni Lisa. "Ikaw, OT?" "Naku naman,nanibago ka pa," nakangiti nitong sagot. "Cut off na o." Habang tinuturo nito ang maliit na kalendaryo sa harapan nito. "Kumusta na si sir? Nakita mo na ba?" tanong ni Lisa. "Hindi ko pa nakita," sagot niya bahagyang nanamlay ang boses."Pero sabi ni Sir Lawrence, malapit na daw ilipat sa private room". "Buti naman," sagot nito. Bahagyang nagkaroon ng katahimikan kaya narinig nilang dalawa ang pagbukas ng pinto. Pareho nilang nilingon at bahagyang natigilan. Bago pa man makapagsalita si Clarisse, nagkasalubong na ang mga mata nila ng bagong pasok. Si Jeff. In all his handsome attributes. Yun lang naisip kagad ni Clarisse. No other words. Kasi biglang kabog rin ng dibdib niya. Mas malakas pa sa kabog ng dibdib niya ng makita niya si James Reid sa isang concert. He walk fast bridging their gap. Dumapo ang kamay nito sa baba niya and push it up para maclose ang nakaawang na palang labi ni Clarisse. "You should watch yourself", malamig na sabi nito sa kanya na nagpabalik sa kanyang nawindang na katinuan. 'Literally?' tanong pa niya sa sarili niya habang mabilis na inaayos ang sarili habang nahagip naman ng mga mata niya si Lisa na animo'y kinikilig na di mo mawari sa ngiti nito sa labi. "Ay s-sorry po s-sir," bigla niyang sabi. 'So, totoo palang gwapo ang anak ni Mr. Montillano na madalas sa photos lang niya nakikita at sa social media. Hindi lang basta guwapo. Kung sa babae, nakakabighani ito. 'O ako lang?' balik tanong niya sa sarili. "What can we do for you sir?" ani Lisa na napatayo sa kinauupuan. "My name is Elisa Ortaliz - Accounting Department". Sabay turo sa nametag nito sa desk. Saglit lang na tumingin si Jeff ke Lisa, bumalik ang tingin nito ke Clarisse na napahinto ulit sa pag ayos sa hawak na folder. Tumingin ke Jeff pero nung makasalubong ang mga mata eh iniiwas na niya. Muli niyang binalik ang tingin sa hawak na folder. She glimpse a little smirk from Jeff. 'Pinagtatawanan ba niya ako?' she asked herself. At biglang napalitan ng inis ang nararamdaman niyang pagkapahiya kanina. "I am looking for the report for next week's board meeting," he said cooly without moving away his stares. "Konting revisions na lang po sir," sagot niya at humakbang na papunta sa desk niya. "I'll give it to you within an hour". "What? Hindi pa tapos?" from cool to brusko na ng tono. In fairness, walang bahid ng slang ang boses. She glanced back pero tumuloy sa paglalakad. "Just a little revision, sir. Coffee?"she asked after regaining her guard. 'Buti na lang nakatalikod na ako'. "Black,no sugar", sagot lang nito at pumasok na ng diretso sa opisina ng daddy nito. Napaisip si Clarisse. 'Hm, siya ba ang magprepresent sa board?' 'Pumupunta ba talaga siya dito lagi?' Kinawayan niya si Lisa na lumapit. Sumabay naman si Lisa sa pantry. "Ano yun?" nakangiting tukso sa kanya ni Lisa nung nasa pantry na sila. "Anong ano yun?" nakakunot noong tanong niya habang inion ang coffee maker. "Maang maangan?" natatawang sabi ni Lisa. "Mas guwapo ba kesa ke James Reid? Hahaha. Napanganga ka eh." "Ay, oo teh," kinikilig niyang sagot. "Mas pogi pala siya in person, pero mukhang me attitude." "Sabi ko na nga ba eh," nakatawa pa rin si Lisa, habang kumukuha naman ng tubig sa dispenser. "Mukha nga. Pero pwede na rin." "As if naman mapapansin tayo?" mabilis niyang sagot habang binubuhos ang kape sa tea cup. "O siya, later na lang, baka iunleash niya ang pagiging monster kapag nahuli pa itong kape". Sabay na silang lumabas ng pantry ni Lisa. At tinungo na niya ang opisina ng boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD