bc

Sapphire's Obsession

book_age18+
888
FOLLOW
5.1K
READ
family
opposites attract
badboy
goodgirl
drama
tragedy
bxg
bully
first love
wife
like
intro-logo
Blurb

Sapphire's dark past made her become obsessed of being in love not because they need her but the other way around. Pinilit niyang kalimutan iyon kahit na mahirap, kasama na ang lalaking nagligtas at nagpalasap sakanya ng totoong kaligayahan. Ngunit, paano kung magbalik ito kasama ang mga taong pinilit niyang kalimutan? Paano niya mahahanap ang lalaking mamahalin siya ng lubos kung hindi siya babalik sa nakaraan?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Sapphi, please. Give me another chance at sisiguraduhin kong magugustuhan mo rin ako."   It was never my intention to hurt a person, pero kasalanan ko ba kung hindi ko siya maramdaman? Kasalanan ba ang hindi ko siya magustuhan?   Nanatili lamang akong nakatitig sakanya saka huminga ng malalim.    "Look Sandro, I tried pero wala talaga eh. Sorry." Seryosong sabi ko at tumayo na, leaving him with a broken heart, I guess?   Pagkalabas ko sa five star hotel ay siyang paglapit sakin ng driver ko at inalalayan ako patungo sa jaguar ko. Nilahad ko ang palad ko sakanya at tinignan ito.    "I'll drive. Just go home."   Agad naman iniabot nito sa akin ang susi kaya mabilis akong sumakay at pinasibad iyon. I looked at my wrist watch at nakitang maaga pa kaya nilingon ko ang kotse sa daan patungo sa bar na lagi naming pinupuntahan nina, Diamond at Crystal.    I climbed down the car and slightly chuckled nang maisip ang mga pangalan namin ng mga bago kong kaibigan.    Crystal. Diamond. Sapphire. Seriously? Ngayon ko lang naisip na precious kaming tatlo dahil sa mga pangalan namin, kami ang ilan sa mga importanteng bato.    Napailing nalang ako at hindi mawala ang ngiti hanggang sa makapasok ako sa bar. Nagdiretso ako sa bar counter at naupo sa high stool.    I'm all alone in here. Both Crys and Dia are busy with their married life, kaya hindi ko talagang maiwasan isipin na masarap ang single. Walang commitment, walang responsibility, walang sakit sa ulo at higit sa lahat, malaya.    "One bloody mary please." I ordered to the cute bartender at napakagat pa saking labi para landiin ito. Nangiti naman siya sa ginawa ko so I leaned into the bar counter para mas makita niya ang cleavage ko sa suot kong sleeveless dress na may plunging neckline na color black.    I crossed my legs nang ilapag niya sa harapan ko ang alak. Nilaro ko ng daliri ko ang tip ng baso habang lumilinga-linga sa paligid. Since I just dump my recently suitor which is Doctor Sandro, kailangan kong maghanap ng bagong lalaking mag-e-entertain sa akin.    I sip my bloody mary with a poise when I saw this guy, intently looking at me. I smiled as I licked my lower lip. Muli kong umorder nang maubos ko iyon at saka mabilis na tinungga. I stood up and went to the dance floor.    Hindi hadlang sa kagustuhan kong magpakasaya ang five inches sapphire stilleto ko. Wala na akong pakialam sa mga humahaplos sa exposed legs ko at pinagpatuloy ang pagsayaw at inisip ang kalahating buhay na nasayang sa akin.    Umaga na nang makauwi ako sa mansyon ko sa valle verde where Crystal and Diamond also lives. Nang ma-ipark ko ang sasakyan sa garahe at dumaan sa back door ay boses agad ni Crystal ang bumungad sa akin.    "Sapphire!"   "What?" Sagot ko habang naglalakad patungo sa sala kung saan silang dalawa nakaupo.    Halata na ang baby bump ni Dia at kita kong hirap na siya dahil nakasandal ito sa sofa habang nakatingin sakin.    "Where have you been? It's already morning at sabi ng mga maids mo ay hindi ka umuwi kagabi!" Natawa nalang ako sa sinabi niya at naupo sa sofa. Tinanggal ko ang stilleto ko at hinilot ang aking talampakan.    "I just had fun, Crys. You know, I am single."    "Fun? Bakit hindi ka nag-aya, Sap?" Biglang singit ni Dia na nangingiti, napailing nalang ako nang matalim siyang tignan ni Crystal.    "Sap, you just dump, Sandro." Sabi pa ni Crystal kaya tumango ako.    "I told you, It's just for fun. Sa una palang ay sinabi ko na sakanya na mabilis akong magsawa saka hindi na ako masaya sa entertainment na binibigay niya, nakakaumay na rin ang paulit-ulit naming ginagawa." Paliwanag ko sa dalawa na napabuntong hininga na lamang.    "Hayaan mo na siya, Crys. Makakahanap din ng katapat niya yang si Sapphire." Sabi ni Diamond saka ngumiti sakin. Nginitian ko nalang din ito at tumayo.    "Hanggang kailan mo paglalaruan ang mga lalaki, Sapphire Louise?" Seryosong tanong ni Crystal sa akin kaya tinitigan ko siya sa mga mata.    "Hanggang sa magsawa ako." Seryosong kong sagot and waved at them saka pumanhik na.    Mabilis akong nag-shower at nagbihis ng nighties. Pagkatuyo ng blower ng buhok ko ay humiga na ako sa queen sized bed at mabilis na nakatulog.    I woke up at the vibration of my phone na nasa bed side table. Kinuha ko ito na nanatili paring nakapikit ang sinagot ang tawag not knowing who the hell is this.    "Sapphire, how are you?"   Napamulat ako sa boses ni Mommy sa kabilang linya at patihayang humiga. "Great, Mom. I am having a great time here."   "Good to hear that. By the way, when will you come back, here?"   "I don't know, I am still in a process of thinking If I am going to transfer the Sapphire Scents here in Pinas." I yawned at bumangon. Napatingin pa ako sa labas at nakitang madilim na pala.    "How about--"   "Mom, I'll hang up. Bye." Putol ko sa anumang sasabihin pa nito at nagtungo sa banyo. Almost an hour akong nagbabad sa shower at nagtungo sa walk in closet para maghanap ng isusuot kong damit for this night, until I found this black bandage skirt and longsleeve crop blouse na galaxy print. I wore them  and apply a light make up,  and off to go.    Pagkababa ko ay dumaan muna ako sa kusina para kumain ng breakfast, lunch at dinner na namiss ko kanina at saka nagbilin sa mga maids. Pumunta ako sa garahe at pinili ang red kong Porsche at sumakay doon. I drove until I reached the second bar na madalas ko ring puntahan.    This is what I like for being a filthy rich. I can wear a luxury dress, drove a luxury car and do whatever I wanted. I am a one of a hell lucky girl for being a long lost heiress of Edwards. Kung dati ay nagtatakha ako sa foreign features ko ngayon ay alam ko na, I have seventy-five percent foreign blood.    Katulad ng lagi kong ginagawa kapag nasa bar ako ay umiinom muna ako ng two-three glass of bloody mary o whiskey saka sumasayaw.   I was already engrossed of what I am doing when someone grab my wrist at hilahin ako paalis sa dance floor. I  smiled nang hindi parin tumitigil sa paglalakad ang taong humila sa akin kaya hinayaan ko na lamang ito hanggang sa pumasok kami sa isang vip room.    Madilim ang buong silid ngunit hindi ito naging hadlang para hindi ko mahanap ang labi niya at agad siyang halikan. Gumanti din naman ito at lalo akong napangiti nang yapusin niya ako sa bewang at idikit sakanya.    Bumaba ang halik niya sa leeg ko at naramdaman ko din ang pagalis ng isa niyang kamay sa bewang ko. Napaliyad ako nang hinahalikan na niya ang collar bone ko kasabay nang marinig akong pag-click. Tumigil siya sa paghalik kaya napaayos ako ng tayo at natigilan nang makita ang mukha nito dahil sa liwanag na bumabalot sa silid dahil binuksan niya pala ang ilaw.    Dahan-dahan akong umatras habang napapailing.    Hindi. Hindi totoo ang nakikita ko. Hindi. Wala na siya. Matagal na siyang patay.    "I miss you, Sapphire." rinig kong bulong nito na lalo kong ikinailing.    Hindi ko naramdaman ang paglandas ng luha ko dahil parang bigla kong namanhid kundi lang ako napahawak ko mukha ko. Pumikit ako sa pag-asang nananaginip lamang ako ngunit hindi, dahil nasa harapan ko parin siya.    "Diba patay ka na! Sabi mo patay ka na!" Sigaw ko dahil sa tindi ng emosyon.    "Hindi, Sapphire. Nagsisisi na ako."   Muli akong umiling at hinawakan ang knob na nasa likod ko na hindi ko namalayan kakaatras ko.    "Sinabi mong kalimutan na kita, Samuel dahil patay ka na. Para sa akin patay ka ng totoo. Kasama na kitang binaon sa puntod ni Matteo kaya patay ka na!"   "Patay na si Matteo?" Takhang tanong nito na ikinatakha ko. Ngunit agad din akong umiling at tuluyang lumabas sa kwartong iyon at mabilis na tumakbo patungo sa parking lot.    "Sapphire, mag-usap tayo!"   Agad akong pumasok sa sasakyan ko at pinaandar iyon. Nakita ko pa siyang tumatakbo sa direksyon ko kaya mas binilisan ko ang takbo.    Blanko ang isip ko hanggang sa makauwi ako sa mansyon. Bahagya pang nagtakha ang mga maids pagkakita sa akin ngunit hindi ko sila pinansin at nagtungo sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko na pinigilan ang muling paglandas ng mga luha ko nang maalala ang nangyari kanina.    Tumayo ako at kinuha ang kahon sa ibabang cabinet sa bed side table, binuksan ko iyon at kinuha ang nag-iisang sobre saka binuklat ang liham ng nakaraan.    Sapphire,   Sana ay tama ang naging desisyon ko. Alam kong marami tayong nagawang kasalanan sa buhay natin kaya ito ang naisip kong paraan. Isipin mo nalang na patay na ako kaya magpakalayo ka at mabuhay muli. Mahal kita kaya ko ito ginawa. Sana ay maintindihan mo.   Samuel    Paano ko maiintindihan kung hindi ko alam ang dahilan?   To be loved by someone is my obsession in life kaya patuloy akong naghahanap ng isang lalaki na magagawa akong ibigin ng buong-buo na walang halong pagdududa at kayang tanggapin ang lahat sa akin.    I grew up in an orphanage, until I met him and become his life but it was just a short period of time dahil sa takot niya sa isang bagay. He left not telling me the whole story na lubos kong ikinagalit. At nalaman lang ang totoo sa isang kaibigan niya na kasama niya sa pag-alis.    Sammy was my everything, kaya ang hirap bumangon kahit na maraming taon na ang nagdaan.    Kailan ba ako sasaya at kailan ko matatanggap ang dahilan ni Sammy sa pag-iwan niya sakin.   Because among Dia at Crystal, I am the wrecked precious Sapphire. I am the broken stone. I am also the lost one.    He left me to serve the Lord. He chose to served Him para sa mga kasalanan na nagawa namin. Natakot siya para sa amin kaya pinili niyang pumasok sa seminaryo. And, I chose to kill Matteo para sa kanya. Para hindi siya maging mas lalong makasalanan. Para malinis siyang maglilingkod sa Diyos na walang anuman na bahid na dungis. Damn. Hanggang kailan ako patatahimikin ng mga kasalanan ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.6K
bc

OSCAR

read
227.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook