CHAPTER EIGHT

2880 Words

"Ano'ng nangyari?" takang tanong ni Lotus kay Wryle ng dumaan ito sa harapan niya. Nakita niya itong kumuha ng tubig sa kusina at nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niyang pinapaypayan ang isang may katandaang platero, si Mang Igme. Medyo namumutla na ang matanda at panay ang hagod sa noo nito. "Nahihilo raw, eh." Tanging sagot ni Wryle at nilapitan nito ang matanda. Wala si Denim ng oras na iyon dahil nilalakad nito ang kasal kasama si Ethel kaya sisila lamang ang nandoon. Mainit ang araw na iyon at mukhang iyon ang dahilan kung bakit nahihilo si Mang Igme. Atas ng dating propersyon, saglit niyang iniwan ang gitara at kinuha ang mga gamit niya. Laging dala niya ang sphygmomanometer, pulseoximeter at ilang mga gamit. Alam niyang kakailanganin niya iyon katulad na lang sa ganoong pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD