CHAPTER SEVEN

2294 Words
"Good morning, Xavier... ginataang mais para sa meryenda mo," Napabangon mula sa duyan si Lotus ng marinig niya ang malamyos na boses na iyon. Iyon ang inaatupag niya sa buong Linggong pagbabakasyon niya sa La Union. Senyorita siya. Sinasadya niyang huwag kumilos para inisin si Xavier. Nunca na ipagluto at ipaglaba niya ito. Manigas ito. Iyon na ang kabayaran nito sa mga araw na halos wala siyang makain sa maliit na silid na inoukupahan noon. Umalis kasi siya sa condo dahil hindi niya iyon kayang bayaran. Ang maliit na perang galing sa mga gigs nila ay pinagkasya niya sa pagaaral. Iyon ang inuna niya. Kaya sa lahat ng iyon, tama lang ang ginagawa ni Xavier na tahimik na tanggapin ang lahat. Bagaman nakikita niyang naiinis ito sa mga ginagawa niya ay mukhang nagpipigil itong patulan siya. At habang pinagmamasdan ang magandang ngiti ni Xavier sa babaeng tisay at seksi sa suot na puting sleeveless at pedal ay totoong nagiinit ang ulo niya. Ilang araw na niyang nakikita ang babaeng baon ng baon dito. Nanahimik siya pero hindi man lang mahiya si Xavier sa kanya! Agad niyang ibinaba ang gitara sa duyan at naiinis na lumapit sa mga ito. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang nagkukukot na kalooban. "Hi!" nakangiting untag niya sa babaeng halos maduling na sa pagtitig sa asawa niya. Gusto niyang pagsabihan si Xavier na oras ng trabaho—dahil kasalukyan itong nagwa-wax ng mga sing-sing—ay mahiya naman ito kay Denim. Nang makilala niya ng pormal si Denim ay doon niya napagtantong tama siya. Mabait nga ito. Winelcome siya nito sa shop at inestima. Nakasundo rin niya agad si Ethel na sa kasalukyan ay nagsusulat para sa susunod na series nito. "Hello," anang babaeng maputla. Nadismaya siya sa kaputian nito sa malapitan. Hindi naman sa panlalait pero mukhang bleach lang iyon. "May kailangan ka?" Ngumiti siya. "Medyo nagugutom na kasi ako." Aniya saka bumaling sa lalaki. "Xavier..." lambing niya. Doon niya napansing wala na ang ngiti nito sa labi. Nakatitig na ito sa kanya na halos ikailang na niya. "Paloma, siya ang asawa ko," seryosong saad ni Xavier at labis siyang nabigla. Inaasahan pa naman niyang matuturete ito, tipong magkakandaugaga na ipakikilala siya. Ilang sandali pa ay tumayo ito at nginitian ang babaeng tulalang-tulala. "Sabi naman sa'yo, may asawa na ako," simpleng paliwanag nito na hindi naman ikapapahiya ng babae saka ito bumaling sa kanya. "Sige, bibili ako ng meryenda mo," Natulala sila ng babae habang sinusundan ng tingin si Xavier. Bigla siyang naguluhan! Ang inaasahan kasi niya'y itatago nito iyon. "A-akala ko... hindi siya nagsasabi ng totoo..." naluluhang saad ng babae. Para itong nabasted kung makaasta. "Diyos ko... isa itong malaking kasalanan..." Nagtatakbo na ito. Namangha siya sa reaksyon nito pero gayunman, muling naibaling ang atensyon niya kay Xavier. Nakita niya itong papasok sa barracks nila at agad siyang sumunod. "Ano'ng gusto mong meryenda?" agad na tanong nito. Minulagatan niya ito. "Hindi ako nagugutom!" angil niya rito pero hindi niya maitangging na-touch siya dahil isang sabi lang niya, tatalima naman ito nang walang halong pagbubugnot. "Sino ba siya at punta ng punta dito?" aniya ng makabawi. Salamat at napigilan niyang kiligin dahil alam niyang isa lamang iyong pagbabalatkayo. Ginagawa lang nito iyon dahil tumatanaw lang ito ng utang na loob. "Pinsan ni Ador, 'yung runner namin dito. Ilang beses ko ng sinabihan iyon pero hindi nakikinig." Paliwanag nito. "Huwag ka ng magselos. Kahit kailan, hindi ako nagloko kaya sana, ako naman ang pagbigyan mo. Isuot mo na 'yung leggings na binili ko dahil pinagpipyestahan sa shop ang legs mo," Kahit nakalma siya sa kaalamang hindi ito naghanap ng iba at kahit nabigla siya sa pagiging possessive nito ay hindi siya nagpahalata. Doon kasi niya natuklasang ganoon pala kapag natumbok nito ng tama ang damdamin niya. Nakakapikon pero nunca na aamin niyang nagseselos nga siya! "Hindi ako nagseselos. Ang kapal mo!" "Kilala kita at kapag itatanggi mo pa, hahalikan na kita," banta nito. Bigla siyang nasabik. Bigla rin siyang nainis! Anong sabik-sabik? Walang dahilan para masabik siya. Napatango siya sa naisip at namaywang. "Hindi ako nagseselos—" Para siyang tinamaan ng kidlat ng siniil siya nito ng halik. Nanlaban siya pero napasinghap siya ng hapitin siya nito sa baywang. It gave him more access to kiss her deeply. Tumayo ang mga balahibo niya sa katawan ng madama ang dila nito sa loob ng labi niya. Umikot ang sikmura niya at agad na nanlambot ang tuhod niya. It wasn't just a kiss, it was a mind blowing kiss and it made her mind go crazy. Natagpuan na lamang niya ang sariling mainit na tinutugon ang halik nito dahil tinakasan nan g rasyonalidad ang utak niya. Ilang sandali pa ay nadama niya ang malamig na pader sa likuran. Muli siyang napasinghap at napaarko ang katawan. Nadama niya ang mainit na palad ni Xavier sa kanyang likuran paakyat sa kanyang batok... para siyang yelo na tuluyang natunaw sa mga maiinit nitong bisig... "Sinasabi ko na nga ba..." anas nito sa pagitan ng mga labi nila. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng maisipan kung ano ang ginawa niya. She didn't just respond to his kisses, she hungrily did! Halos matakpan na niya ang mga mukha sa kahihiyan! Itinulak niya ito ng malakas at nanggalaiti. "H-halik lang 'yon. I-it was natural to respond. N-nothing special." Halos takbuhin na niya ang banyo para lang malayo rito. Aaminin niya, hindi pa humuhupa ang init hatid ng halik nito kaya minabuti na rin niyang maligo. Nang makapaghubad na siya at makita ang reaksyon ng katawan ay impit siyang napaungol. Kailangan niyang guwardyan ang sarili mula kay Xavier. Nagiging traydor ang puso niya. Damn it! Nothing special daw... Parang sinipa ang puso ni Xavier sa kaalamang wala na siyang epekto kay Lotus. Ang buong akala pa naman niya ay mayroon dahil sa nakitang pagseselos nito kay Paloma at pagtugon nito ng mainit sa halik niya. Hindi tuloy niya naawat ang pusong lumigaya hanggang sa napabuga siya ng hangin. Pigilan man niya... nasaktan siya sa sinabi nitong iyon. Marami siyang napatunayan ng magkita sila nito ng harapan. That the anger he had for her wasn't intense anymore. Humupa na iyon sa paglipas ng panahon. He was really surprise what he felt that time: natuturete na nga siya sa tuwing naririnig ang pangalan nito, mas lalo pa pala sa harapan kaya kung anu-ano tuloy ang nasasabi at nagiging kilos niya. Gusto na talaga niya itong makita at hinihintay na lamang niya ang pagbabalik nito mula sa world tour. Gayunman, nagkataon na nagkaroon ng problema si Denim kaya sa ganoon pagkakataon sila nagkita. He thought, what he did six years ago was the best thing to do. Ayaw na niyang may madamay pang iba sa hidwaan ng mag-ama. Tama na ang sinaktan niya ang mga magulang sa desisyon niya pero ang mapahamak pa sila ay hindi na tama. Alam niyang hindi iyon malayong mangyari dahil sa ama ni Lotus. Nasaktan din siya ng labis na sa kabila ng mga sakripisyo niya rito ay balewala lamang pala rito. Gayunman, sa kabila ng sama ng loob ay hindi niya tinalikuran ang obligasyon. He continued working to support her. Matapos makaipon ng sapat na halaga sa banko, umuwi siya ng Bataan para ibigay ang ATM kay yaya Melba, isang katulong sa bahay nito sa Bataan para ipabigay iyon kay Lotus. Wala na kasi si Lotus sa condo nito at hindi na niya ito matawagan. That was five years ago. Inabot siya ng ganoon katagal dahil hindi naman ganoon kalakihan ang sinasahod niya at nag-aaral din naman siya. Gusto rin naman niyang mabigyan ng malaking pera si Lotus ng isang bagsakan saka na lamang iyon huhulug-hulugan. Hindi niya magawang magtagal noon dahil marami siyang kailangang ayusin sa pag-aaral at trabaho. Ayon naman sa bank reconciliation na natatanggap niya buwan-buwan ay nakikita niyang ginagamit iyon ng dalaga. Naging ganoon ang sistema niya at aaminin niya, natutuwa siyang makita na maayos na ito ngayon. Marahil dahil sa kabila ng lahat, ito lamang ang babaeng naging laman ng pangarap niya at puso. Kaya kahit masama ang loob niya sa babae ay nakikibalita pa rin siya rito. Hindi niya mapigilan ang sarili na kung minsan ay nagtatanong-tanong siya sa mga nakakakilala rito sa unibersidad at natutuwa siyang malaman na hindi nito pinababayaan ang pag-aaral. Noong malaman niyang kumuha ito ng board exam, panay ang abang niya sa internet kung pumasa ito. Labis siyang sumaya ng makita ang pangalan nito doon. Sa tuwa niya ay bumili pa siya ng regalo na hindi naman niya alam kung paano ibibigay hanggang sa itinago na lamang niya iyon. Nang maalala ang kahon ay natigilan siya. Agad niyang tinawag si Ador, ang runner doon. Nang sabihin nitong nakatagong maigi iyon ay nakampante siya. Ito ang inutusan niya bago sila umuwi ni Lotus sa La Union. Pinalinis niya ang silid at ipinatago ang lahat ng albums ng babae. Lahat iyon ay pirmado pa nito. Nakakahiya man aminin, sa tuwing may mga special release ang mga ito ay bumibili siya kahit gaano pa kamahal. Pirmado iyon ng bawat miyembro at ang pinipili niya ay pawang pinirmahan ni Lotus. Yes, he was a big fan. She was still Lotus Cagayanan, the lead guitarist of Toasted Candies Band after all. Iniidolo, hinahangaan. Ito ang tinaguriang 'Avril Lavigne' ng Pilipinas dahil na rin sa malaking pagkakahawig nito sa naturang mangaawit. Maybe what she achieves made her more confident. Mas lalong tumindi ang personalidad nito. Malaki na ang pinagbago nito. Sa pananamit, pananalita at kagandahan. Wala nang bakas ang dise otso anyos na babaeng pinakasalan niya. Sa pananamit, nauunawaan niya kung may pagka-trasher ito dahil sa alternative pop rock ang genre ng mga ito. She always wore her favorite sneakers and black sweatshirt or jacket. Nakaantipara pa ito na malaki para siguro hindi ito basta makilala. Iba-iba ang kulay ng buhok nito at bagay naman nito iyon. Sa katawan ay ganap na itong isang dalaga. Napatunayan niya iyon noong mahalikan at mayakap ito—dahil napipikon na siya sa talim nitong magsalita. Nasa tama ang kurba... tumingkad pa ang lambot at bango nito. Aaminin niya, he always thought about that moment... how it would feel to kiss her again. Isa iyon sa ikinagalit niya noon sa sarili: ang pagkabaliw niya sa babaeng iyon sa tuwing maaalala ito. Ang mga tawa nito... ang mga panunudyo nito. He even imagine hugging her all through the night. Ang alam ng mga kaibigan niya, masaya siya sa pakikipagbiruan sa mga babae. But deep inside him, he was sad and missing Lotus. Kinikimkim niya iyon. Sinisikil para hindi na siya muli pang masaktan. The death of his mom killed his heart again. Two years ago, biglaan ang pagkamatay nito dahil sa atake sa puso at hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong maalagaan ito. Pinaabot niya ang balita rito. Si Jody ang nakausap niya—dahil numero lang nito ang active sa mga tinawagan niyang malapit dito—pero hindi ito dumating. Wala ito noong kailangan niya. That made him realized that she really didn't love him. Masakit man sa puso'y pinilit niya iyong tanggapin. Pinagpatuloy niya ang buhay na walang ibang ginawa kundi ang pilitin na tunawin ang pagmamahal niya rito. Pero nang makita niya ito, napagtanto niyang sa kabila ng lahat ay hindi ito basta nawala man lang. Ganoon marahil katindi ang magpapamahal niya rito. Malalim at mahirap maubos. Pero natuto na siyang huwag umasa. Hindi na nito kailangan pang malaman na naging suportado siya nito dahil mukhang balewala naman iyon dito. "Pare, madilim na. Puntahan mo na rin si Lotus sa duyan, mukhang nakatulog na kakahintay sa'yo," untag ni Wryle. Magmula ng matuto siya ng waxing at molding ay hindi na niya tinantanan. Mahirap pero ng makagawa siya ng sariling proyekto ay hindi niya mailarawan ang kaligayahan. Ganoon pala iyon. Parang mayroon siyang achievement. Gayunman, kung aasahan lang niya ang sahod doon ay siguradong hindi siya makakaipon. Freelance Web developer din siya at maganda rin naman ang pasok ng pera dahil marami ang kumukuha ng serbisyo niya. Via internet ang transaction nila. Maning-mani lang iyon dahil nagkaroon naman siyang background noong mag-OJT siya. Dinedeposit na lang sa account niya ang kinikita niya. "Madilim na, ah. Hindi pa rin siya nagigising?" takang tanong niya kay Wryle. Agad na niyang inayos ang work station at pinuntahan si Lotus. Napahinga siya ng malalim ng makitang payapa itong natutulog habang yakap ang gitara nito. Hinahayaan niya itong magpaka-donya dahil alam niyang bumabawi ito sa pagod nito sa ilang taong walang tigil nitong pagta-trabaho. Hindi siya nagrereklamo bagaman minsan, nakakainis ang tono nito. Gayunman, tahimik lang siyang tumatalima dahil sa loob-loob niya, masaya siya na pinagbibigyan ito. He also missed that anyway. Dahan-dahan niya itong binuhat at iniuwi. Marahan niya itong inihiga sa kama at inalis ang jacket nito maging ang sapatos para makomportable ito. Sa ngayon, hindi na ito nagsusuot ng maiigsing shorts. Mabuti naman dahil lahat ng lalaki doon ay iyon na lamang ang tinitingnan. Bakit naman hindi? Nakakasilaw ang hita nito. Makorte, makinis at pino ang balahibo. Sino naman ang hindi mapapatingin? Napabuntong hininga siya at marahang hinaplos ang noo nito. Napakunot ang noo niya ng mapansing pawisan na ito. Pinunasan niya ang noo nito at nilagyan ito ng sapin sa likuran. Nang matantya niyang ayos na ang lahat ay saka niya binuksan ang electric fan. Paalis na sana siya para bumili ng pagkain nito—dahil ayaw nito ang niluluto ni Mang Fred, ang isang platero doon—ay bumibili na lamang siya sa labas. Aaminin niya, hindi ito masarap magluto kaya minsan ay hindi siya kumakain doon. Pero bago siya lumabas ay tinitigan niya pang maigi ang maamo nitong mukha saka hinalikan ng matagal sa noo. Siniguro muna niyang ayos lang ito sa pagtulog. Nang makitang wala ng problema ay magaan ang loob na lumabas na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD