"Ano'ng ginagawa mo rito at paano mo ako natunton?" matabang na tanong ni Lotus kay Xavier. Bahagyang kumalma ang pagkaturete ng sistema niya ng maalala ang lahat. Gusto niya itong sugurin at pamukhaan pero nagpakapigil siya. Ayaw niyang makita nitong labis siyang naapektuhan sa pagdating nito.
Gayunman, gusto niyang mabilib sa sariling reaksyon nang muli itong makita. Aaminin niya, matindi pa rin ang tadyak nito sa sistema niya. Malalim at malakas kaya hirap siya ngayong huminga. Silang dalawa na lamang ang nasa silid dahil binigyan sila ng privacy ng mga kasamahan niya. Nakita niya lang na gumwapo pa itong lalo sa paglipas ng panahon, mukhang naturete ng todo ang sistema niya.
Bakit naman hindi? Lalo itong naging hawig ni Chase Crawford. Kahit halatadong daliri lang nito ang dumaan sa may kahabaan nitong buhok ay guwapo pa rin ito sa kahit saang anggulo. Taglay pa rin nito ang mapupungay na mga mata , ang ilong nitong matangos ngunit naging mas lalaking-lalaki ang dating, ang labi nitong mahuhubog at namumula'y tila tumingkad pa.
Lumaki na ang katawan nito at taas. Wala ng bakas ang dating dise otso anyos na lalaking pinakasalan niya. Isa na itong ganap na lalaking-lalaki. May angas, tumindi ang karisma dahil sa mga stubbles nito na nagpatindi pa ng karakter nito.
And her heart was still clearly shouting his name. Doon niya napagtantong hindi pa ito nakalimutan ng puso niya. Lahat-lahat. Pagmamahal, sakit, pait at galit. Sa pagtakbo ng panahon, aaminin niyang naunawaan na niya ang naging reaksyon nito. Nevertheless, it's not enough reason to abandon her.
"Two weeks ago, tinawagan ko ang daddy mo noong nasa La Union pa kami ng mga kaibigan ko dahil kailangan ko ng tulong. Luckily, he was staying at Bataan now at nagkasundo kaming magkita para pagusapan ang taong ipinahanap ko. Kanina, nagkita kami sa condo niya sa Makati at..." anito saka desperadong napahagod sa buhok. "Nagusap kami ng tungkol sa atin at nadismaya siya. Pinagalitan niya ako at para daw ibigay niya ang lahat ng kailangan ko ay makipagayos muna ako sa'yo. Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka. You know that your father have his own way to find you, right?" mahabang paliwanag nito sa kanya habang matamang nakatitig sa kanya.
Ah, hindi lang pala ang itsura nito ang nagbago, maging ang pakikitungo nito sa kanya at pananalita. Kung makapagsalita ito ay parang wala sila nitong pinagsamahan. Hindi tuloy niya maiwasang masaktan lalo na't nalaman niyang kailangan lang pala nito magkaroon ng matinding pangangailangan para siya nito puntahan. Sa kabilang dako, nakakagulat para sa kanya na lamang inaalam din pala ng ama niya ang mga itenerary niya. Gayunman, dahil nagkaedad na rin siya ay alam na niyang itago and mga emosyong iyon sa puso niya.
"Mukhang close na kayo?" nakakalokong tanong niya. Napangisi siya ng magtiim ang bagang nito.
"Paano ako makakatanggi sa kanya? Sige, aaminin ko. Malaking bagay ito para sa kaibigan ko kaya please lang, pumayag ka na sa gusto niyang makitang inaayos natin ito. Hindi ibibigay ng tatay mo ang resulta sa akin kapag hindi ka niya nakitang kasama ko. It was his suggestion. He wants you to come with me in La Union. He knows that you're in vacation after your gig here,"
"So, nagpapauto ka? Ganoon?" nakakalokong tanong niya.
Namula ang mukha nito sa inis. "How can I say no to him? Hawak niya ang susi sa pagkikita ng kaibigan ko at ng girlfriend niya. Why can't you just say yes and then let's go?"
What he said angered her more. Ni hindi ito nakikiusap sa kanya, parang naguutos pa. Kailangan pa nitong magkaroon ng dahilan para makipagkita sa kanya at utusan ng ama niya hanggang sa nadismaya siya sa sarili. Why the hell would still mattered to her? Dapat ay hindi na siya nasasaktan pa. Nakaya nga nitong iwanan siya, dapat ay alam na niya ang kapasidad nitong sugatan ang puso niya.This man hurt her. She promised to herself that she would get even.
Naiisip pa nga niya noon, kapag hiningi nito ang annulment ay pahihirapan niya ito. Tipong gagapang ito katulad ng isang ahas sa hirap. And now was her chance. He needed her help. At dahil hindi naman siya ganoon katanga ay agad niyang naunawaan ang sitwasyon nito; he wanted to help his friend and he needed her help. Wasn't that amazing? It was really her chance to make his life miserable now.
"At bakit bigla naman yata akong naalala ng tatay ko?" aniya saka natawa ng bahaw. Wala kasi siyang ibang maisip na dahilan. Kung naalala man siya nito, dapat ay noon pa. At kung balak nitong magpaka-ama at isalba ang relasyon nila ni Xavier, sa tingin niya ay huli na. Both men crushed her heart. Matapos silang magkahiwalay ni Xavier ay wala na rin siyang narinig dito dahil agad itong na-assign sa ibang bansa. Magisa niyang itinaguyod ang sarili na siyang naging dahilan kung bakit ganoon kabigat ang pasan niyang galit at sakit sa dibdib.
Matiim siya nitong tinitigan. "Maybe this time, he wanted to do something for you. Matanda na rin naman siya Lotus. Don't you think it's about time to make a truce to your father?"
Tinitigan niya ito at lumukso ang puso niya ng harapan siya nitong hagurin ng tingin. Nagtagal ang mga mata nito sa hita niya. Aaminin niya, may epekto sa kanya ang nakikita sa mga mata nito. She can feel that he desired it. Like he wanted to touch it but trying to control it. And her stupid heart was reacting wild.
"Ang igsi ng shorts mo. Kaunting tuwad lang, kita na 'yang Bataan mo. Ang laki ng pinagbago mo Lotus," reklamo nitong napapailing-iling pa.
Biglang sumulak ang dugo sa ulo niya. How dare this man act like that? Para itong kung sinong malinis! Maybe this man was still mad at her. Ang kapal ng mukha! Lalo siyang nainis ng maalala ang sinabi nitong obsebasyon sa daddy niya. Hah! Her dad wanted to do something for her? Hardcore sa lupit ang daddy niya. Ah, malabo talaga niya iyong paniwalaan kaya paano siya makiki-truce? Kung sinabi nitong 'gusto na namang makialam ng daddy mo...' ay baka mas maniniwala pa siya.
"Learn to talk to me nicely, Xavier. Why don't you start saying please? Oh... I change my mind. Plead." She demanded. Dapat nitong makita kung ano ang role niya sa buhay nito: ito ang may kailangan sa kanya na dapat nitong pakiusapan. Tumiim ang titig nito sa kanya at halatadong hindi ito natuwa sa sinabi niya. Minulagatan niya ito. "Plead." She demanded.
Napailing-iling ito. Halatadong labag iyon sa kalooban nito. Oh, she really enjoyed it. Ang sarap nitong tingnang ipit na ipit sa sitwasyon. Nevertheless, it made him more handsome...
Letse! Ano'ng handsome? Umayos ka, Lotus!
"Okay, fine. Tutal, mayabang ka naman, eh 'di... bahala ka sa problema ng kaibigan mo," aniya saka tumayo.
Lumukso ang puso niya ng hawakan nito ang kamay niya. Nabigla siya sa sariling reaksyon. Maybe because she felt Xavier's palm wasn't the same anymore. May katigasan na iyon at naging kamay na ng isang tunay na lalaki. Dahil doon ay mas umigting pa ang kidlat na tila tumama sa kanya. Kinilabutan siya!
"Okay... okay..." anito at unti-unting lumambot ang mukha nito. "Hinahanap namin ang girlfriend ni Denim. Mababaliw na ang kaibigan ko kapag hindi pa namin nakita si Ethel. Alam kong maraming koneksyon ang daddy mo kaya siya ang naisip kong lapitan. Alam mo naman na hindi ako pamilyar sa ganito. Please, Lotus..."
Natahimik siya dahil nakaramdam siya ng bahagyang inggit para sa babaeng tinatawag nitong Ethel. Bigla niyang naisip, si Xavier ba ay kinalimutan lang siya ng ganoon na lang para hindi siya nito hanapin? Biglang namasa ang mga mata niya dahil dama pa rin niya ang tadyak ng katotohanan.
Na sa loob na lumipas na mga taon, alam niyang hindi ito gumawa ng hakbang para kumustahin siya. Walang kaso ang pera sa kanya. Si Xavier mismo ang kailangan niya. Kaya marahil malalim ang sama ng loob niya dahil nangako itong aalagaan siya nito at hindi ito tumupad. Habang tumatagal na napapagod siya ay lalong umiigting ang galit niya sa pagpapabaya nito.
"Hindi ito para sa akin, Lotus. Para ito kay Denim. Malaki ang utang na loob ko sa taong iyon." Dagdag pa nito. "Sumama ka na sa akin sa La Union kahit isang buwan lang para makita ng daddy mo na sumubok tayo."
Napakurapkurap siya dahil sa pamamasa ng mga mata. Gusto niya itong singhalan dahil bakit ang kaibigan nito, willing itong tumulong samantalang siya noon ay hinayaan lang nito?
Now is your chance, Lotus... Screw him until your heart's content... anang isang bahagi ng isip niya. Muling binuhay nito ang sakit sa puso niya at hindi patas na hindi man lang ito makakatikim sa kanya.
"One month in La Union..." aniya saka pinakatitigan ito. Kahit gusto niyang magtagal pa ang kamay nito sa palad niya ay pinilit niyang kumawala. Hindi makatarungang magkaganoon pa siya. He came to her and she would show the consequences. "Siguraduhin mong mage-enjoy ako,"
Nilapitan niya ang electric guitar at inayos iyon sa case. Pagharap niya rito ay hinagis niya iyon at agad nitong sinalo iyon. Ang gandang tingnan ang pagliwanag ng mukha nito. Like he solved the biggest problem on humanity. Aaminin niya, she missed that reaction on his face. Hindi man ito ngumiti, kita pa rin niya sa kislap ng mga mata nito na masaya ito. Too bad, he wasn't happy because of her. It was because of his friend. Ouch...
"Let's go."
Nagpauna na siya rito. Nagulat na lamang siya ng unahan siya nito sa pagpihit ng seradura. He was acting like a pure gentleman as he used to be. Nang mapatitig siya rito ay bahagya lang itong ngumiti. Bumilis ang t***k ng puso niya kaya agad siyang nagiwas ng tingin.
"Thank you, Lotus."
Damn her heart! Nag-react sa malambing at sinserong pasasalamat ni Xavier. Her heart shouldn't react that way. Ipinapangako niyang rerendahan iyong maigi. Because the only thing that would connect her to this man was her vengeance. It should be pure and absolute.
"Hindi ko inaasahang mauuwi kayo sa ganito ni Xavier, Lotus." Dismayadong saad ng ama ni Lotus matapos ang napakahabang sermon nito sa kanilang dalawa ng kanyang missing-in-action-husband. Kung noon siguro ay nakipagsagutan na siya sa ama, ngayon ay tahimik lang niyang tinatanggap ang mga sinasabi nito. Hindi dahil sa ayaw niyang sumagot kundi dahil sa loob-loob niya ay mayroon siyang plano. "Umalis akong kayo pa pagkatapos nating magusap, ngayon sasabihin nitong si Xavier na nagkahiwalay kayo? Ano'ng klaseng relasyon ang ginawa ninyong dalawa? I am disappointed in you, Xavier. Ang buong akala ko, kapag nasa misyon ako ay maaalagaan mo ang anak ko."
Humigpit ang dibdib niya kakapigil sa sariling damdamin. Gusto niyang sabihing ang pagtatalo nilang iyon ang naging rason ng paghihiwalay nila pero nanahimik siya. ayaw niyang magtunog na bitter sa nakaraan. She wanted to give them impression that she wasn't the same anymore; that she was able to control her feelings now. Besides, dahil may sarili naman siyang plano ay hahayaan niya ang mga ito sa gusto ng mga ito.
Pagdating nila kanina at bago sila nito sermunan, hindi mailarawan ni Lotus ang madarama nang makaharap ang ama. Ang laki ng pinagbago nito. Wala na ang dating matikas nitong katawan, bumagsak ang timbang nito. Ah... bakit ba niya nakakalimutang sixty years old na ito sa taong iyon. He may be retired by now. Gayunman, hindi na niya binigyan pa ng halaga iyon at usisain ang ama.
Okay. Pagbibigyan niya ang mga ito. But she will see to it, they wouldn't get what they wanted. Napailing-iling na lamang ang ama niya at panay naman ang hiningi ng paunmanhin ni Xavier. Isa pang nakakapagpainit ng ulo niya iyon. Kung makahingi ito ng paunmanhin, para lamang natapakan ang paa niya. na parang hindi mabigat ang ginawa nito sa kanya. Palibhasa'y matindi ang pangangailangan nito kaya ganoon na lamang ito kung umasta.
Nang mapagod na sa litanya ang ama niya ay hinarap na nito ang pakay ni Xavier. Inilabas na nito ang makapal na folder at ibinigay iyon dito. Habang naguusap sina Xavier at ama niya sa harapan ay wala siyang pakialam na naglalaro lang ng candy crush sa ipad niya.
"Nakikita ko, sikat na sikat ka na. Sana, nagtatabi ka naman ng pera mo." Anang muli ng ama niya sa pananahimik niya.
Sarkastikong ngumiti siya sa ama. Right. He's acting like a good father and it's creeping her. "Ohh-kay," simpleng saad niya saka tinuloy ang nilalaro.
Napatikhim ito. "Lotus, aalis ako. I need to go to New York. Si Xavier na ang bahala sa'yo. Ayusin niyo ang pagsasama ninyo, maliwanag? Kung kailan kayo nagsipagtanda, ngayon kayo nagkakaganito. Kailangan ko pa kayong daanin sa ganito," muli nitong sermon.
Pinigilan niyang maginit ang ulo. Napahinga siya ng malalim. It's really pissing her off seeing her father was acting concern all of a sudden. "Ohh-kay," I was given a golden chance to screw Xavier. Why am I not going to grab that?
Nang hindi kumibo ang ama niya ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Nagngitngit siya ng marinig ang dismayadong tawa ni Xavier nang umalis ang ama niya at nainis siya. "Ano'ng nakakatawa?" angil niya rito. She couldn't help it. Nakakapikon!
"Hindi ka pa rin nagbabago sa tatay mo," sermon nito sa kanya at napailing pa. "He was trying his best, Lotus,"
"Huwag mo akong pagsabihan. Nakuha mo lang ang gusto mo, nagyayabang ka na? Umayos ka, baka hindi ako makapagpigil sa'yo," mataray niyang balik dito.
Hindi na nga ito kumibo at nagngingitngit siyang nagpatuloy sa ginagawa pero letse! Nasira na ang diskarte niya. Naiinis na sinilid na lamang niya iyon sa bag at naiinis na napatingin dito.
Naantig ang kurysidad niya ng kumunot ang noo nito dahil sa binabasa nitong resulta ng imbestigasyon. Ah, ang guwapo pa rin nito kahit saang anggulo. Biglang-bigla, gusto niya itong tabihan at alisin ang pagkakakunot ng noo nito saka sasabihang 'patingin ng eyes...'
Bigla siyang nainis sa sarili. Ano'ng patingin ng eyes? Hindi iyon tama! Sa inis niya ay binato niya ito ng candy wrapper.
"Ano na naman?" tanong nitong halatadong nagpipigil.
"Tara na. Akala ko ba importanteng makita niyo agad si Ethel? Bakit nakatanga ka pa riyan?" aniya saka ito nilayasan.
Tumayo na rin ito. Napaismid na lamang siya ng magpaalam pa ito sa daddy niya pero siya ay hindi. Wala siyang pakialam kung makitaan ng galit sa ama. Totoo naman. Alangan namang matuwa siya sa mga ginawa nito magmula ng makasal siya sa hudas-barabas na Xavier? May pinaghuhugutan siya sa lahat ng iyon! Kaya kahit pinaalalahanan pa siya ng daddy niyang umayos-ayos ay tumango kuno na lamang siya.
"Kailangan nating daanan si Wryle. Nasa MOA na si Denim. Tinawagan ko na siya para makapunta na sa book signing ng girlfriend niya,"
"Writer ang girlfriend niya?" biglang tanong niya. Mataas ang pagtingin niya sa isang writer. Isa rin naman siyang songwriter at hindi biro ang gumawa ng kanta. Mas lalo na kung paano'ng gumawa ng isang libro.
Tumango ito. "Si E.W. Vizz,"
Na-excite siya! Favorite writer niya iyon at napangisi siya sa naiisip. "Kukunin ko rin ang mga libro ko sa bahay." Nang sumimangot ito at inirapan niya ito. "Ano? Aangal ka? Baka nakakalimutan mo, kundi dahil sa akin—"
"Hindi ko nakakalimutan. Paulit-ulit mo bang sabihin?" anitong nagtitimping muli. Hindi tuloy niya mapigilang magdiwang sa nakikitang pagkainis nito sa mukha. Ang guwapo naman kasi nito kapag naiinis. Namumula ang tainga nito at nahahawa na rin pati kilay nito.
Naguguwapuhan ka na naman...
Napatikhim siya at kinalma ang humahangang side dito. Hindi na siya nagsalita. Buong biyahe ay ganoon sila. Kung magsasalita man ito ay binabara niya. Gayunman, hindi niya mapigilang magtaka dahil sa tibay ng pagpipigil nitong patulan siya. Ah, marahil, tumatanaw lang ito ng utang na loob.
Napaismid siya sa naisip. Ilang sandali pa ay itinuro niya ang daan papunta sa tinitirhan. Pumasok sila sa isang subdibisyon. Isa lamang iyon sa mga property niya. Bukod doon ay mayroon siyang sariling bahay sa Camiguin. Tabi iyon ng dagat. Mayroon din siya sa Tagaytay, near woods naman. Depende sa mood niya kung saan niya gustong manatili.
Pagdating doon ay sinadya niya itong hindi estimahin. Bahala ito sa buhay nito. Naligo siya ng pagkatagal-tagal at dinala niya ang pitong makakapal na libro ni Ethel. Hard bound at first edition. Gusto niyang mapahalakhak ng makita ang pagkaaburido nito sa mukha.
"Lotus! Nakita rin kita sa wakas!"
Agad siyang napalingon sa sala. Kumaway ang isang lalaking guwapo. May hawig ito kay Zayn Malik ng One Direction. Medyo mature nga lang tingnan dahil hula niya'y kasing edad lang ito ni Xavier.
"Si Wryle. Pinapunta ko na rito dahil para kang pato sa tagal mong maligo. Lumangoy ka pa ba sa loob?" naiinis na bulong ni Xavier sa kanya. Mukhang hindi na nito matagalan ang pagmamaldita niya at napalingon siya. Tumalon ang puso niya dahil nakita niya kung paano siya nito samyuhin. Pasimple man, halatado pa rin kaya tumayo ang balahibo niya sa katawan.
Ah, marahil... kasabay ng galit niya sa loob na lumipas na mga taon ay hinanap pa rin niya ito. Ang init ng yakap nito... ang braso nito sa baywang niya... ang mainit nitong dibdib sa likuran niya at nauuwi siya sa pagiyak tuwing gabi. Isang dahilan iyon kaya niya pinatay ang sarili sa trabaho. Para hindi niya ito maisip o maalala. Baka matunaw ang galit niyang inaalagaan at hindi iyon tama. Ano ang karapatan nitong patawarin niya ng wala man lang itong ginagawa para pahupain ang galit niya?
"Ano? Magsisinghutan na lang ba kayo d'yan o pupuntahan natin si Denim? Xavier? Tama na 'yan. Sa La Union niyo na ituloy 'yan," tudyo ni Wryle.
Napapasong lumayo siya kay Xavier. Ang lakas ng kabog ng puso niya pero hindi siya nagpahalata. Talo siya kapag nakita nitong apektado siya.
Ilang sandali pa ay nagtungo na sila sa MOA. Mahaba na ang pila pero natural, kay Xavier niya pinabitbit ang mga libro at pinapila. Kinuha lamang niya iyon noong malapit na kay Ethel. Hindi niya mapigilang matawa sa nakikitang inis sa mukha ni Xavier. Nagiging cute kasi itong tingnan. Parang batang nagmamaktol habang tinatapik ni Wryle ang balikat nito.
Nang matapos siyang nagpapirma ay tinawag pa niya si Xavier para magpalitrato kasama si Ethel. Natural, mukhang napipikon na ito pero tumalima naman.
"Huwag mo ng uulitin 'yon," angil nito sa kanya nang matapos siya.
Minulagatan niya ito. "Ano'ng huwag? Baka nakakalimutan mo—"
"Oo na!" napabuga ito ng hangin. Namumula na naman ang mukha nito sa pagtitimpi.
"Wala kang nakakalimutan?" paniniyak niya rito. Napilitang umiling at napangisi siya. "Okay naman pala. Nauuhaw ako, bilhan mo ako ng buko juice. Iyong nabibili sa kanto. Dali,"
Napaungol ito sa inis. Marahil dahil alam nitong nagpa-power trip lang siya. Gayunman, namangha siya ng tumalima pa rin ito. Ilang sandali pa ay bumalik itong may dalang buko juice.
She must give him a credit. Hindi ito tanga para lumabas ng MOA at maghanap ng buko juice. But nevertheless, she didn't say anything to make him think she appreciates that. Tahimik lang siyang sumimsim at hindi na ito pinansin pa. Nakita niya sa pherephiral vision na napapailing na naman ito. Her heart laugh again seeing him so pissed off. Round two was just finished.