"Wazzup? Dapat masaya ka dahil galing ka sa honeymoon," tudyo ni Natalee kay Lotus pero hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalaro ng candy crush. Katatapos lang ng rehearsal nila at inaabala niya ang sarili. She didn't want to stop. Baka kapag tumigil siya, maalala niyang muli ang paghihirap sa mukha ni Xavier at maiyak na naman siya. Ilang gabi na siyang ganoon at alam niyang ang kailangan niya sa mga ganoon pagkakataon ay diversion. Hindi muna siya umuuwi sa tinitirhan kundi nagi-stay siya sa penthouse ng recording company. Gusto niyang sa paggising ay trabaho agad ang atupagin. Sa tingin niya ay epektibo iyon dahil bagsak na siya sa kama kapag sumapit ang gabi. Pero lintik. Sino'ng niloko niya? She did it many times but she end up thinking about him. Na kahit sa labis

