"Good evening, Detroit! Who wants to rock and roll?!" Nagsipaghiyawan ang lahat ng tao ng isigaw iyon ni Jill. Ah, Jill never failed to excite the audience. Halos hindi magkamayaw ang mga tao at kahit labis siyang nagagalak sa nakita, alam niyang mayroon pa ring malaking pagkukulang. Walang Xavier na susuporta sa kanya. Alam naman niya ang bagay na iyon kaya gayun na lamang ang kalungkutan niya sa puso. Gayunman, pinilit niyang ituon ang lahat ng atensyon sa comeback concert nila. The moment Jody made a signed through her drumstick, they all began to rock and roll. Nag-concetrate siya sa pagtugtog hanggang sa pawisan na silang lahat. Napangiti siya ng makita ang satisfaction sa mukha ng manonood. That satisfaction made them satisfied too. Iyon ang isa sa numero uno nilang misyon, not to

