CHAPTER 2: RED SILK SHIRT
ILANG SEGUNDONG natulala si Tasha. Ang dating hanggang beywang na buhok, ngayon ay ka-lebel na lamang ng kanyang baba.
She had never looked at herself in the mirror that long, but at this very moment, she could not take away her eyes from her reflection. Nakakapanibago.
Tasha clearly resembles her father, showcasing their striking similarities: light brown eyes surrounded by thick eyelashes. Small and perfectly carved nose, plump lips. Ang kaibahan nga lamang, kulay tsokolate ang buhok ng ama, samantalang siya ay itim.
"Oh! Awra!" bulalas ng baklang may kalakihan ang katawan, iniaabot sa kanya ang bayad. "Lalong nagningning ang beauty mo! Infairness pang pageant talaga ang fes mo, girl." Ngiting-ngiting ito, saglit na dinampian ng daliri ang baba niya. "Alam mo, p'wede kitang isali sa mga beauty pageant dito sa bayan."
Mabilis na tumayo si Tasha sa kinauupuan, isinukbit ang backpack at kinuha ang pera sa mula kamay nito. Simula't sapul ay iyon ang laging sinasabi sa kanya. Sadyang wala lang talaga siyang kumpiyansa sa sarili para sa mga ganoong bagay.
"Hindi na po. Ayos lang po ako. Sige po, alis na ako. Thanks." Nginitian niya ito saka nagmamadaling lumabas ng parlor.
~ ~ * * ~ ~
PAGTAWID ni Tasha sa kabilang bahagi ng kalsada, dahil na rin sa tindi ng sikat ng araw, tagaktak na ang pawis niya. Isama pa ang mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan.
Hanggang sa hindi na niya natiis; halos basa na ng pawis ang pang-itaas na uniform niya. Noon niya tinahak ang daan papunta sa SM City Trece Martires para kahit papaano ay makadama siya ng lamig.
Balak pa sana niyang umuwi para makapagbihis. Ang kaso, sa daldal ng tindera, napatambay pa si Tasha doon sa tindahan kung saan niya dinaanan ang biniling balut na ipambebenta niya mamaya gabi. Kinailangan niya pa tuloy na magmadali. Pasado alas dose na. Dapat bago mag-ala una ay nasa ospital na siya. Kailangan nang makauwi ni Balong. Kukuhanin pa kasi nito si Trisia sa kapit-bahay. Hanggang sa ganoong oras lang kasi libre ang nagbabantay sa bunsong kapatid.
Kung sasakay naman siya ng jeep ay sayang ang pamasahe. Sa huli ay dumeretso na siyang nilakad ang papuntang ospital. Mayamaya, matapos ang mahabang lakaran, halos hingalin siya pagkarating sa gate niyon. Akmang tatakbo na sana siya ay may tumawag naman sa kanya sa 'di kalayuan.
"Sha! Ikaw ba 'yan?” Si Mang Pedring na kinawayan pa siya. Nasa kabilang bahagi ito ng kalsada, naka-upo sa pinapasadang tricycle at kasalukuyang nasa pilahan ng Toda.
Ngumiti lang siya at kumaway pabalik.
"Ang iksi na ng buhok mo! Hindi kita agad nakilala."
"Oo nga ho, e."
"Nga pala, 'yong tatlong balut ko, idaan mo sa bahay mamaya! Hindi mo ako dinalhan kagabi; tinoyo tuloy si Ate mo Karina kaninang umaga; binato ako ng plato!"
Nahigitan ng tawanan ng mga tricycle driver ang ingay na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan.
Natawa na rin si Tasha. "Hindi ho ako makakapaglako ngayong gabi, e! Daanan niyo na lang ho doon!" Itinuro niya ang entrada ng naturang ospital.
Kahapon ay hindi na niya naasikasong bumili ng balut na ititinda. Um-extra kasi siya sa palengke at nagbantay sa ina. Ngayon ay hindi na siya maaaring hindi magtinda; sayang ang kita. Nakausap naman niya kagabi ang guard ng ospital. Pumayag itong iwan doon sa entrance ang paninda niyang balut. Kukuhanin na lamang niya mula rito ang kikitain 'pag pauwi na siya.
Tumango si Mang Pedring. Tinanong pa siya nito patungkol sa nangyari sa ina, na siyang sinundan pa ng ilang tanong mula sa ibang tricycle driver.
Sa kahabaan na iyon ng highway ay nagsisigawan sila, hindi alintana ang panakanakang pagdaan ng mga sasakyan, pati na rin ang mga taong lumulukot ang mga mukha habang dumaraan sa magkabilang pedestrian lane, na para bang nabubulahaw nila ang mga ito.
Kung kanina ay ang bigat-bigat ng dibdib niya ngayon ngiting-ngiti na siya. Kahit papaano, gumaan ang dinadala dahil sa mga taong nakakasalamuha. Halos lahat kasi ng tricycle at jeepney driver ay kilala na siya, maging ang ilan sa mga tindero at tindera sa palengke. Namamasada rin kasi ng jeep noon ang ama niya. Bukod pa roon, dito rin si Tasha lumaki — sa bahaging iyon ng Trece Martires Cavite.
Pumasok na rin siya sa gate ng ospital mayamaya. Saglit pa siyang natigilan; kumalam bigla ang sikmura niya. Bagaman ay nagpatuloy siya sa paglalakad, may pagmamadali. Pihado kasing matutuwa ang ina niya dahil may maipapakita siyang pera.
Papasok na sana siya sa building na pakay ay namataan niya sa 'di-kalayuan ang naglalakad na lalaki sa pasilyo papuntang exit — kung saan din ang entrance — kung saan tumigil si Tasha.
The man was on a red silk dress shirt paired with black trousers. The top two buttons of his shirt were unbuttoned, showing a small gold cross necklace around his neck. Magara ang sapatos na sa palagay ni Tasha ay loafer kung tawagin. Naka-sunglasses ang lalaki at may kahabaan ang wavy na buhok na haggang balikat. Katamtaman ang pagkakamoreno ng balat. Naglalaro sa 5"10 o 5"11 ang tangkad, o mas matangkad pa.
Halatang mamahalin ang gayak ng lalaki. Hindi pa isama ang apat na kalalakihang foreigner na nasa likuran nito, na marahil ay mga bodyguard dahil sa black suit na suot-suot.
Tasha could not figure out why she had stopped and just stood at the entrance, gazing at the man who had a presence of so much pride and self-esteem. Maging ang mga taong nasa hallway na nakakasalubong nito ay napapatigil sa paglalakad. Napapatingin.
Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa exit ay dumeretso ang mukha nito sa gawi niya. Umiwas siya ng tingin, mahigpit na hinawakan ang strap ng bag niya. Halos bumaon naman sa palad niya ang handle ng eco-bag na dala kung saan naroon ang mga balut na binili niya kanina.
Ihahakbang na sana niya ang paa papasok.
Hindi natuloy.
Awtomatikong itinabi niya ang sarili sa gilid at nagbigay-daan. Imbes kasi na sa exit tumungo ang lalaki — kung saan dumaan ang mga bodyguard nito — sa entrance ito dederetso.
As the man walked past her, a woody scent with a hint of spice intoxicated her senses. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo. Sa kung anong baliw na dahilan ay bumilis din ang t***k ng puso niya.
"Hi, Tasha." The man's raspy voice was like a wind that passed through her ear.
Noon na siya parang nagising. Bagaman ay hindi na siya nakapag-react pa. Kasama ang mga bodyguard, agad na sumakay ito sa isang itim na SUV na kadarating lamang sa tapat ng ospital.
Guniguni ko lang siguro.
But the way the man pronounced her name was in American accent. Mahilig siyang manuod ng Hollywood films kaya alam niya.
~ ~ * * ~ ~
"IPAPA-CHECK ko lang po sana 'yong bill ni Diana Buencamino," bungad ni Tasha sa clerk na nasa loob ng billing counter.
Dederetso na sana siya sa ward kung saan naroroon ang ina, pero dahil namataan niya ang pagkalaki-laking signage na 'Billing', hindi na siya nakatiis. Bagaman kulang ang pera na pambayad, nais pa rin niyang makita kung gaano na kalaki ang babayaran nila, makahanap man lang ng dahilan para lalo pa siyang magpursige na gumawa ng paraan.
"It's already been paid, Ma'am."
Nagsuntukan ang kilay niya. "Po?"
Ngumiti ang babae. "Nabayaran na po lahat. Pati na rin ang chemotherapy at iba pang medical needs ni Mrs. Buencamino for the whole year."
Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Kung nasa panaginip man siya sa kasalukuyan ay sana nga, hindi na siya magising pa. Ang kaso, iyon nga ang problema: gising na gising siya. "S-Sino po ang nagbayad?"
Ibinaba ng clerk ang tingin sa computer monitor. Parang um-echo pa sa pandinig niya ang click na nagmumula sa mouse.
Hustong kinagat ang dila ay napapiga ang kamay niya sa laylayan ng blouse niya. Sa puntong iyon ay hindi na niya nakontrol ang biglaang pangangatal at pagsikdo ng dibdib. Isang isipin kasi ang biglang sumigid sa utak niya. Isipin na ayaw sana niyang bigyan ng pansin.
Baka nanalo lang sa jueteng si Mama.
"Leon Zavala," sambit ng babae.
Lukot ang mukhang tiningnan niya ang clerk. Wala siyang kilalang may ganoong pangalan. "Ano pong hitsura?"
Alanganing ngumiti ang babae. "Sorry, Ma'am. Kakaumpisa lang po kasi ng shift ko. 'Yong kasama kong kaaalis lang ang nag-received ng payment."
Tulalang napapanhik na lamang sa hagdan si Tasha. Laking pasalamat niya dahil iniwan niya sa guard ang mga balut na dala-dala. Malamang sa malamang kasi ay baka naibagsak niya iyon kanina nang mapagtantong nabawasan ang kanyang alalahanin.
Gayunman, panay pa rin sa pagtahip ang dibdib niya. Iyong isipin kasi na ayaw niyang pansinin kanina ay nauwi sa isang kutob.
Kutob na nangutang na naman ang ina.
Nangyari na kasi noon — nang dalawang beses. Isa na roon ay iyong minsang ma-confine ang ina na pinauwi rin naman kinabukasan. Makalipas ang isang linggo, gumawa ng eskandalo ang kumare nito sa harap ng inuupahan nilang bahay. Doon niya nalamang dito pala inutang ang pambayad sa mga nagastos sa ospital.
Ilang araw din niyang pinagtrabahuhan iyon.
Iyon ngang limang libo ay nahirapan si Tasha na bayaran. Paano pa kaya iyong halaga ng chemotherapy? Hindi pa isama ang ibang medical needs.
Bumuntong-hininga ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Nang makapasok sa ward, ganoon na lamang ang pagkaawang ng labi niya. Wala ang ina sa kama kung saan ito nakapuwesto; iba na ang nakahiga roon. Luminga-linga pa siya malawak na silid.
Halos puno ng mga pasyente at bisita ang ward. At hindi pa rin mahagilap ng paningin niya ang ina.
"Kuya, alam niyo po ba kung saan na 'yong pasyenteng nakahiga rito?" tanong niya sa lalaking nakahiga sa kalapit ng kama'ng itinuro niya.
"Inilipat siya kanina," tugon ng lalaki.
"Ate!"
~~**~~