Chapter 1: Tasha

1684 Words
CHAPTER 1: TASHA "MS. TASHA BUENCAMINO! You're late again!" Sa kabila ng kalagitnaan ng Economics class nila, maging sa malakas na pagsita sa kanya ng professor, walang sabi-sabing pumasok siya sa loob ng silid---pikit-mata, nakayuko at nakangiwing dumeretso sa pangalawang row ng mga upuan kung saan siya nakapuwesto. That kind of scenario was not new to Tasha; kinalaunan ay nakasanayan na rin niya ang laging nasisigawan ng mga guro. "Sorry, sir." Napalabi siya. May katandaan na ang professor. Halos ipikit na nga nito ang mga mata habang pinagmamasdan siya sa pag-upo. Bagong guro ito sa unibersidad. Nitong second semester lamang. Kabado siya sa katunayan dahil hindi pa niya kabisado ang ugali nito. 'Wag naman sana niya akong ibagsak. Nang maitanggal sa balikat ang nakasukbit na backpack, nagmamadaling inilabas niya mula roon ang xerox copy niya saka iyon ibinulalat. Doon na rin nagpatuloy ang guro nila sa pagdi-discuss — na siya namang nasundan agad ni Tasha. Mayamaya pa, kusa nang bumabagsak ang talukap ng mga mata niya. Inaasahan na niya iyon. Dalawang oras lang kasi ang itinulog niya. Bukod pa roon ay alas dose ang shift niya sa pinapasukang fastfood chain. At matapos ang walong oras na trabaho, dito siya dederetso. Bagaman sanay na si Tasha sa puyat. Sanay na sanay na. "Ate Sha, mukhang napapadalas yata 'yong pagiging late mo. Naku, si 'Labo' pa naman, ayaw sa estudyanteng laging nale-late," pasimpleng bulong ng katabing si Cassie mayamaya, tinutukoy ang professor nila. "Sabi sa akin no'ng senior year na girlfriend ni Billie, nambabagsak daw 'yan kahit matalino 'yong estudyante. Fourth year na tayo next school year. Sayang ang scholarship mo 'pag nagkataon." "Hindi kasi dumating 'yong ka-shift ko." Sa puntong iyon ay napahikab na siya. "Bilib din ako sa'yo, Ate. Working student ka na, scholar ka pa.” Ngumiti ito, paminsan-minsang sinusulyapan ang guro na abala na sa pagsusulat sa board. “Tapos nagbebenta ka pa ng balut sa gabi. Naadik na nga si papa at si mama sa balut na ginagawa mo, e." Napailing na ngumiti sa sinabi nito ay inilipat na niya atensyon sa guro. Sanay na si Tasha sa pagiging madaldal ng dalagita. Nitong school year lang niya ito nakilala, bagaman sa lahat ng mga subjects na pinapasukan, ito lang ang nakapalagayan niya ng loob. "Ba't 'di ka na lang kasi magpalipat ng class schedule sa hapo—" Hindi nito itinuloy ang pagsasalita. Napatingin pa si Tasha sa prof. nila sa pagaakalang nahuli silang nagdadaldalan. Bagaman abala pa rin ito sa kung anong sinusulat sa whiteboard. "Kumusta na pala si Tita?" bagkus ay tanong ni Cassie. Itinuon na lamang niya ang pansin sa xerox copy na hawak, pinag-iisipan kung dapat ba niyang sagutin ang tanong. May kung anong bumikig kasi sa lalamunan niya; hindi dahil sa wala siyang pagkakataong magpalipat ng schedule sa hapon, kung hindi dahil wala talaga siyang pagpipilian; walang magbabantay sa ina niyang nasa ospital kapag iyon ay ginawa pa niya. Bumuntong hininga siya. “Ayos naman si mama.” she lied. For a split second, her eyes seemed to want to cry. The situation she had right now was too grim to handle, yet she chose to be unfazed like she always had since her father died, almost six years ago. Kung panghihinaan siya ng loob, ano na lang ang mangyayari sa buhay nila? Ayaw mang bigyan ng pansin ni Tasha ang hinanakit laban sa ina, hindi niya pa rin mapigil-pigilan. Buhat kasi pagkabata ay lagi na niya itong pinaaalalahanang tumigil na sa paninigarilyo, pero hindi ito nakikinig. Noong isang araw lang, tuluyan na itong na-confine sa ospital; stage 3, lung cancer. Sa ngayon ay dumadaan sa gamutan ang ina, pero dahil salat sa pera, hindi maumpisahan ang chemotherapy. Ni pambayad nga ng hospital bill ay wala siya. Kung maari nga lang na kumayod pa ng isa pang trabaho sa gabi habang nagtitinda ng balut, ginawa na niya; may ipandagdag lang sa panggastos. "So si Balong ‘yong nagbabantay ngayon kay Tita? Sabi kasi sa akin ni Papa, hindi raw pumasok kahapon si Balong," si Cassie, bakas ang pag-aalala sa tinig, sinambit ang palayaw ng nakababata niyang kapatid. Guro ni Balong ang ama nito na kailan lamang din niya nalaman. Tumango lang siya, inilipat ang tingin sa prof. na patuloy pa rin sa ginagawa sa white board. "Okay lang 'yan, Ate. Kaya mo 'yan! Ikaw pa!" Kinindatan siya nito. Maliit na ngumiti si Tasha sa dalagita, damang-dama ang pakikisimpatya nitong bihira niyang maramdaman mula sa iba. Marahil, sa buong buhay niya, bukod sa namayapang ama, si Cassie lamang ang naging malapit sa kanya. Mas bata ito ng limang taon; gaya ng ibang kaklase nila. Nagpahinto-hinto kasi siya sa kolehiyo mula nang mamatay ang ama. Masyadong inilugmok ng ina niya ang pagdadalamhati sa pagkamatay nito: natutong magsugal at magbisyo. Kinalaunan, naubos ang perang inipon ng ama para sa pag-aaral nila ni Balong. Noon na siya napilitang pumasok ng iba't ibang klase ng matitinong trabaho, matustusan lamang ang pamumuhay nila. Habang pumapasok sa isang fastfood chain, tumatanggap rin siya ng ibang college students na gustong magpa-tutor sa kanya. Maski nga ang pangangalap ng bote at diyaryo, ginagawa rin niya. Bagaman kahit ano yatang kayod, sapat lang ang kinikita niya sa pang-araw-araw na gastusin. Mabuti na nga lang at mabait ang dean ng unibersidad na iyon; kahit irregular student siya, pinagbibigyan pa rin siyang mag-take ng scholarship exam tuwing sasapit ang pasukan. "E, sino pala ang nagbanbantay kay Trisha?" urirat muli ni Cassie, tinutukoy ang dalawang taong kapatid niya. "Nasa kapit-bahay." Muli, parang may bumara na naman sa lalamunan niya. Ayaw man niyang pakaisipin, kinita kita na niya: hihinto na naman siya sa kolehiyo — lalo't kung bigla na lang nawala nang parang bula ang batugang kinakasama ng ina niya — ang tatay ni Trisha. Tasha knew she had to work hard even more. Her younger sister was just a toddler while his brother was at junior highschool. Nothing is free in this world, ika nga nila. Hindi niya gugustuhing tumigil si Balong sa pag-aaral para lang mag-alaga sa bunsong kapatid. Ah, nag-iinit na naman ang mga mata niya. Gaga ka, Tasha! ‘Wag kang iiyak! Bago pa man ay huminga siya nang malalim, inabala na lang ang sarili sa pakikinig sa guro na noo'y nag-umpisa muling mag-discuss sa harap. Nang matapos ang klase, nasa pintuan na siya ng silid ay lumapit sa kanya ang class president. "Ate Sha." Pumiyok pa ang boses ng binatilyo, may iniaabot na puting sobre sa kanya. Kunot ang noo ay tinitigan niya lang ito saka ibinaba ang tingin sa sobre. Kung bakit humigpit ang kapit niya sa strap ng backpack na nakasukbit sa balikat niya ay hindi niya alam. Tasha knew, it was a blessing from Him because the ray of afternoon sunlight was flashing onto it. Yet, she chose to keep her mouth shut and did not move. Buong buhay niya, mula nang mamatay ang kanyang ama, hindi niya hinayaan ang sarili na humingi ng tulong, o tumanggap ng tulong galing sa ibang tao. Nadala na siya. Noon na lumapit ang ibang kaklase nila. "Sinabi sa amin ni Cassie 'yong nangyari sa mama mo," anang isang kaklase niya. "Nagtulong-tulong kaming mga class officer para makakakalap ng donation sa buong campus.” Nais na sana ni Tasha na patulan ang pagtutubig ng mga mata niya. Bagaman sa huli, hindi niya ginawa. Bagkus ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa strap ng kanyang bag. "Tanggapin mo na, Ate Sha." Si Cassie, inakbayan siya. Hindi siya nagsalita. Gayunman ay kinuha ng isa pang kaklase niya ang sobre mula sa kamay ng class president. Agad na hinawakan nito ang kamay niya at ipinatong ang sobre sa palad niya. Doon na hustong bumugso emosyon ni Tasha na naipon sa loob ng ilang taong pagpipigil. Naiyak na siya sa paraang hindi magawang hawakan ng mga daliri niya ang naturang sobre. Isang uri ng pakiramdam na parang iyon ang unang pagkakataong umiyak siya nang ganoon. "Thank you," iyon lang ang tanging nasabi niya. Napasandal pa ang balikat sa hamba ng pintuan; hindi niya kinaya ang bigat ng katawan ng mga kaklaseng napayakap sa kanya. "Hoy! Bruhilda kayo!" biglang singit ni Martin — classmate ni Tasha sa ibang subject — na bigla na lamang sumulpot sa kung saan. May pagpilantik pa ang mga kamay nitong hinahawi ang mga kaklase palayo sa kanya. "Nalamog na ang beauty ni Tasha dahil sa inyo." Hindi na nagawa pa ni Tasha na makapagpaalam sa mga ito. Hinila na siya ni Martin palayo. "Ano'ng nangyari, teh?" Gamit ang kamay, pinunasan nito ang basang pisngi niya habang patuloy sila sa paglalakad sa pasilyo palabas ng building. Hinawi rin ni Martin ang ilang hibla ng mahabang buhok niya. "Wala naman." Ngumiti siya saka umiling. Bahagyang ngumiwi ito. "Hindi naman ako tsismosa kaya hindi na kita tatanungin." "Kukulitin na lang kita ulit na sumali sa Mr. and Ms.—" Iminuwestra niya ang kamay sa ere, pinahinto ang pagsasalita nito. "Hindi ako sumasali sa mga ganyan, Martin. Even if you'd ask me for a million times, my answer would still be the same: no." Ipinasok niya ang hawak na sobre sa bag. "Pabebe ka talaga! Sayang ang beauty mo, girl!" Inirapan siya nito. Napailing na lamang siya, mahinang natawa, patuloy pa rin sa paglalakad pababa ng hagdan hanggang sa marating ang lobby ng building. "Anyways, nabalitaan ko 'yong nangyari sa mama mo," Si Martin muli, nakasunod pa rin pala sa kanya, hinawi naman ang animo'y mahabang buhok nito na hindi naman nakikita. Muli, natawa si Tasha. "May friend ako sa parlor na tinatambayan ko riyan sa malapit; sa tapat lang ng university. Bet na bet niya 'yang hair mo. Kung gusto mo lang naman." Tumigil siya sa paglalakad, kunot ang noo. "Bet niyang bilihin ang buhok mo for five thousand. Nanghihinayang man ako rito sa long hair mo dahil sobrang straight, sasabihan na kitang i-grab mo na bago pa 'yon mawalan ng datung," anitong nilaro-laro ang buhok niya. "Just in case you need extra money for your mom's hospital bill. Alam kong maliit iyon, pero . . . at least, 'di ba?" ~ ~ * * ~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD