Chapter 9

1556 Words
Shan Ysabelle’s POV “What?!” malakas na tanong ko nang marinig ang sinabi ni Drei. “Hindi muna kami sasama sa inyo today.” Kaswal na ani Drei, nasa likod niya si Bri na nakayuko at nakanguso. “Pero bakit naman kinancel mo ‘yun, Drei?” nanghihinang tanong ko. “I can’t stand seeing Storm today, knowing what this crazy woman did to him.” Aniya at sinamaan ng tingin si Brianna na nakanguso. “Next time na lang kami sasama sa inyo, Shan.” Malungkot na saad ni Bri habang nakakapit sa strap ng bag pack niya. “So, see you tomorrow?” Labag man sa loob ko ay tumango ako. Lumapit sila sa akin humalik muna sa pisngi ko bago nagpaalam. Nanghihinang sinundan ko sila ng tingin dahil hindi ko alam kung paano ako uuwi nito, knowing na nandu’n si Storm at kaming dalawa lang. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa sobrang frustration. What if i-cancel ko na lang muna ang session naming today? Magpanggap na lang ako na masama ang pakiramdam ko. Tama, tama! Nabuhayan ako ng loob at agad na kinuha ang bag ko para umuwi na rin. Magkukunwari na lang ako na masakit pa rin ang puson ko para may dahilan ako para magkulong lang sa kwarto. Witty mo, Shan. Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa naisip. Hindi naman magmumukhang peke ang dahilan ko dahil first day ko kahapon at nasaksikan naman ni Storm kung paano ako namilipit sa sakit ng puson ko kahapon. Kailangan ko lang galingan ang acting ko. Nakaabang na sa akin ang sasakyan at masaya akong pumasok sa back sit. “Okay, Shan. You can do it.” Ani ko sa sarili. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mata, nag iisip ng dapat kong gawin pagkapasok ko mamaya sa loob ng bahay. I’m sure na nauna na siyang umuwi dahil ang alam ko ay half day lang siya ngayon dahil nabanggit niya kay Dad ‘yun kaninang breakfast. “Can you atleast sit here?” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yun. “S-storm?” hindi makapaniwalang saad ko nang humarap siya sa’kin. Naka cap siya na itim at hoodie. “Yeah, bakit mukha kang nakakita ng multo diyan?” tamad na tanong niya. “Bakit ikaw ang nandito? I mean, it’s not your job to fetch me.” Walang gana niya akong tiningnan. “Umuwi sila ni Manang remember?” Nakaawang ang bibig ko habang lumilipad ang utak ko sa kung may nasabi ba ako patungkol sa plano ko. Ano bang sinabi ko nu’ng pumasok ako ng kotse? ‘Di ko naman na-voice out ‘yung plan ko ‘di ba? Nabalik ako sa realidad nang marinig ang pagtikhim ni Storm. “Lilipat ka ba rito o ano?” Kinuha ko ang sling bag ko at agad na tumabi sa kanya. Yakap yakap ko ang bag ko at deretso lang ang tingin sa labas. “Should I cook? Dine in? or take out for dinner?” Napalunok ako at pinag isipan mabuti ang sasabihin. Kailangan ko nang simulan ang acting ko. “Ahm, wala akong gana. You can just cook for yourself.” Ani ko at nagpanggap na mahina. Sumulyap siya sa akin ng sandali. “And why is that?” “Medyo masakit pa rin ang puson ko, magpapahinga na lang ako. Bukas na tayo mag aral.” Kaswal kong sagot. Pilit kong pina-normal ang boses ko at nagpapasalamat ako dahil hindi ako nautal. “Akala ko ba ay ayos ka na? Sabi mo kaninang umaga.” Napalunok ako ulit at umayos ng upo. Malamig naman sa loob ng kotse pero pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito, siguro kasi hindi ako sanay na magsinungaling at nininerbyos ako na baka mahuli niya at isumbong ako kay Dad na tumatakas sa session namin. “I don’t know, sumakit ulit kanina sa klase.” Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Pinikit ko ang mata ko habang nakasandal sa upuan, kailangan kong galingan para hindi ako mabuking. Kung si Dad ang kaharap ko ngayon ay paniguradong tinatawanan na ako nu’n dahil mukha raw akong tanga kapag nagsisinungaling, sobrang obvious kasi at trying hard. Hindi ko alam kung dahil ba sa nyerbos ko o ano pero tuluyan akong nakatulog sa kotse. Yakap yakap ko ang unan ko at nagpagulong gulong sa kama nang bigla ako napabangon. Napakurap kurap ako at tumingin sa paligid, nasa loob ako ng kwarto ko. Pero ang tanda ko ay nasa kotse kami, pauwi. Napatakip ako ng bibig nang marealize na nakatulog ako at paniguradong binuhat ako ni Storm papunta rito dahil wala namang ibang bubuhat sa’kin bukod sa kanya. Tumayo ako at tiningnan ang cell phone ko at halos lumuwa ang mata ko nang makitang 11pm na ng gabi. Oh my gosh, ganu’n kahaba ang naging tulog ko? Suot suot ko pa rin ang suot ko kanina kaya agad akong pumasok sa banyo para mag shower. Nagpalit na ako ng pajama at pagkatapos kong i-blower ang buhok ko ay nagpasya akong bumaba dahil nararamdaman ko na ang gutom. Madilim na ang buong paligid. Sumilip ako sa garahe para tingnan kung nakauwi na si Dad at napasimangot ako nang makitang wala pa ro’n ang sasakyan niya. Late na masyado, anong oras kaya siya uuwi? Bumuntong hininga ako at dumeretso sa kitchen, paniguradong tulog na si Storm kaya kumportable na akong gumalaw galaw. Natawa ako ng naisip kong hindi ko na kinailangang umacting ng todo kanina dahil talagang nakatulog ako, mas nagmukha akong masama ang pakiramdam dahil sa pagkatulog ko. Nice one, Shan. Binuksan ko ang ilaw sa kitchen at dumeretso sa ref para maghanap ng pwedeng kainin. May baboy, manok, isda at iba pang pwedeng lutuin pero kahit ilang ulit ko silang titigan ay hindi sila ang gusto kong kainin. Bumaba ang tingin ko sa cake, at agad akong napailing. Not in the mood for that. Sand which? Nah. Salad? Nah. Inikot ko pa ulit ang paningin ko sa buong ref at nanlumo ako nang wala akong gustong kainin sa mga naroon. Napahawak ako sa tiyan ko at ngumuso. “I’m so hungry.” “Nagluto ako ng sabaw, pwede mong initin.” Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. “G-gising ka pa pala…” Pumunta siya sa pwesto ko at kumuha ng tubig. “I haven’t eaten yet.” Aniya. Umawang ang bibig ko at napakamot sa batok. “A-ah.” Pumunta siya sa kalan at binuksan ang isang kaldero do’n kasabay ng pagbukas niya rin sa kalan, kinuha niya ang sandok at hinalo ang nasa loob. Hindi ko alam kung anong ulam ang niluto niya pero sabi niya ay may sabaw ‘yun kaya agad akong kumuha ng dalawang plato at kutsara’t tinidor. Nagsandok na rin ako ng kanin para sa aming dalawa habang iniintay na uminit ‘yung ulam. Nang matapos akong mag-prepare ay tahimik akong umupo at tiningnan siyang magsandok ng ulam. “Wow, sinigang.” Hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita ang nilapag niyang ulam. I was craving for this! Umupo siya sa harap ko at nagsimulang magsandok ng kanin. Hinigop muna ako ng sabaw at halos tumulo ang laway ko sa sarap ng pagkakaluto niya. I can’t believe na magaling din siyang magluto. “Thank you.” Ani ko nang iabot niya sa’kin ang rice. Tahimik kaming kumain at halos maubos ko ang rice na kinuha ko para sa aming dalawa. “Bakit nga pala ngayon ka lang kumain?” takang tanong ko matapos isubo ang huling kutsara ng kanin na nasa plato ko. “I waited for your Dad, I thought by this time ay nakauwi na siya.” Tumango tango ako at pinunasan ang gilid ng labi ko. “Tingin ko ay mamaya pa siya. Madalas ay 3am or 4 na siya nakakauwi kapag nagsasabi siya na late siya uuwi.” Nag angat siya ng tingin sa’kin. “That’s fine with you?” “Of course not. I mean, ayos lang kung dito siya sa office niya nagtatrabaho. Pero knowing na he’s still outside nang ganu’ng oras ay napapraning ako pero wala naman akong magagawa ro’n.” Natigil siya sa pagnguya at tiningnan ako ng ilang segundo bago umiling at ngumisi. “You’re still the same, huh.” Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero ipinagkibit balikat ko na ‘yun. Ako ang nagligpit ng pinagkainan namin at si Storm ang naghugas dahil baka raw basagin ko lang. Tahimik ko lang siyang pinanood dahil hindi naman tamang iwanan ko siya mag-isa samantalang siya na nga nagluto kanina. Pagkatapos niyang maghugas ay sabay kaming umakyat at tahimik na pumasok sa kanya kanyang kwarto. Nag scroll scroll lang ako sa cell phone ko dahil hindi ako makatulog. Sa haba ba naman ng itinulog ko kanina, tingin ko ay hindi na ako makakatulog ulit. Sinalubong ko si Dad nang marinig ko ang tunog ng kotse niya. Nagulat siya ng makita ako pero agad ding yumakap sa’kin. It’s already 4am and he looks so tired. “Rest now, Dad.” Ani ko matapos yumakap sa kanya. Tumango siya at hinalikan pa muna ako sa noo bago umakyat sa kwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na rin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD