Chapter 8

1175 Words
“Good morning, Dad!” masiglang bati ko kay Daddy pagkapasok ko sa dining. Nag-angat sila ni Storm ng tingin sa’kin. Mukhang kanina pa sila nag breakfast dahil tapos na sila kumain pareho. “Oh. Kamusta ang pakiramdam mo, hija?” Umupo ako at kinuha ang kutsara at tinidor ko. “Ayos na po, Dad.” “Hindi na kita pinagising dahil akala ko ay masama pa ang pakiramdam mo.” Ngumiti ako at kumuha ng bacon. “Ayos lang po.” Tiningan lang nila ako habang kumakain. “Anyway, baka gabihin ako mamaya, Shan.” Tumango tango ako habang ngumunguya. “Wala nga pala si Manang ngayon, pinauwi ko muna dahil may sakit daw ang apo niya. Bukas pa ang balik niya, kaya sa labas na kayo mag hapunan ni Storm.” Napatigil ako sa pagnguya at napaawang ng bahagya ang bibig ko. “Po?” “Wala kakong maghahain ng dinner sa inyo mamaya, kaya sa labas na kayo kumain.” Magsasalita na sana ako ang kaso ay naunahan ako ni Storm. “No need, Tito. I can cook.” Ngumiti si Dad at tumango. “Yeah, ano ba ang hindi mo kayang gawin? Pero sure ka ba? Ayos din naman kung sa labas kayo kakain ni Shan, I bet she’s craving for something.” Tipid lang na ngiti ang sinukli ni Storm sa kanya at tumingin sa akin. “You can tell me kung anong gusto mo.” Napalunok ako at bahagyang tumikhim. “Anything will do.” Tumango lang siya at muling binalingan si Daddy. Habang nag uusap sila ay pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa habang ngumunguya ng pagkain. Masyadong seryoso ang mukha ni Storm at walang mababakas na emosyon, samantalang si Dad ay maya’t maya ang tawa. Nagtataka talaga ako kung pa’no sila naging close dalawa. Agad akong napayuko nang sumulyap sa gawi ko si Storm at nagtama ang paningin namin. Nakakaloka ka Shan, baka isipin niyang tinititigan mo siya! Dahil sa hiya ay nanatili akong nakatungo hanggang sa matapos ako sa breakfast ko. “Shan!” Napalingon ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Bri. Hila hila niya si Drei habang tumatakbo palapit sa akin. Gusto kong matawa dahil sa iritabling itsura ni Drei, habang si Bri ay malapad ang pagkakangiti. “Ang aga aga, Brianna.” Inis na bulong sa kanya ni Drei na nasa tabi niya at bahagya pa siyang kinurot sa tagiliran. “Aww.” Nakangusong reklamo niya at sinamaan ng tingin si Drei bago humarap ulit sa’kin, “Anyways, naisip naming maki-join sa inyo mamaya ni Storm sa study session niyo.” Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Todo ang ngiti ni Bri na akala mo’y nanalo sa lotto. Napailing na lang ako sa kanya at tumango, balak ko din naman talaga silang ayain mamaya dahil kami lang dalawa ni Storm sa bahay, naunahan lang ako ni Bri sa pag volunteer. “Okay.” Nanlaki ang mata niya at niyugyog ako. “Talaga? Omg! Omg!” Natatawang inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. “Masyado kang inlababo sa Storm na ‘yun.” Bumuntong hininga lang si Drei at nauna nang maglakad habang naiiling. Agad naman akong humabol sa kanya at ganu’n din si Bri. Buong klase ay si Storm ang bukangbibig ni Bri at hindi ko na mabilang kung ilang ulit kaming napairap ni Drei sa kanya. Kahit noong ginagawa naming ang group activity namin ay puro si Storm ang kinikwento niya, akalain mong kilalang kilala niya na ‘yung tao. Napakabilis kumalap ng chika ng bruha. “Paano mo naman nalaman ‘yan, aber?” mataray na tanong sa kanya ni Drei. “Pina investigate ko siya.” Ani Bri habang nagkukutkot ng kuko niya na para bang wala siyang sinabing kakaiba. “What the hell, Brianna?!” Napatayo si Drei at mahinang nahampas ang table namin. Nandito kami sa cafeteria at inaantay lang ang order namin. Bahagyang nagtinginan sa amin ang mga nasa katabi naming table pero hindi naman na big deal sa amin ‘yun. Napakamot ng ulo niya si Bri at nag peace sign. “Eh kasi, napaka misteryoso niya. Wala man lang kahit na ano sa social media, tapos ‘yung f*******: niya wala ni isang picture. Na-curious lang ako, okay?” “My god, Bri. Nababaliw ka na ba? Ano ka, stalker?” Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tiningnan si Drei. “What? Me? Stalker? Hell, no! Pang poor at pang dugyot ang term na ‘yun, Andrea! How dare you call me like that.” “What? Anong gusto mo, admirer? Duh, pang obsess ‘yang ginawa mo and you’re expecting me to call you something na pang sosyal? Excuse me lang, Brianna.” Umirap si Bri at bumuntong hininga. “Look, I’m just so curious. And ya’ll know that I can’t just sit back and do nothing, right?” “Kahit na, you violated someone’s privacy just because of that freaking curiousity of yours. Hindi ka ba naki-creepihan sa sarili mo for doing that?” inis na saad ni Drei, namumula na ang pisngi niya at ilang ulit nang umikot ang mata niya. Pabalik balik ang tingin ko sa kanila at tumatango tango sa mga sinasabi ni Drei. Kahit naman ako ay maki-creepihan kung sa akin ‘yun gawin. Hindi ko ine-expect na aabot sa ganu’n si Bri, I mean, she’s capable naman to do back ground checks but duh, hindi ko inasahan. Ngumuso si Bri at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Ok, fine. I’m sorry. Hindi ko na uulitin, promise.” Kumurap kurap pa siya at kinagat ang ibabang labi. Natawa na lang ako at nailing dahil nagpapaawa na naman siya. Tiningnan ko si Drei at bumuntong hininga lang ito. Wala nang nagsalita sa amin nang dumating ang order namin. Nakasimangot si Bri habang ngumunguya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa. Madalas talaga silang magtalo ni Drei, at palagi akong hindi nakikialam du’n. Magkaiba sila ng personality, at nakakatawa mang sabihin pero palaging tama si Drei tuwing magtatalo sila. Obviuosly, Drei is the matured one and Brianna is the other side. Sometimes I wonder kung pa’no ko sila nakasundo, I mean, we had different personalities and such. Kagaya ngayon, what seems normal to Bri is not to Drei. And what looks normal to Drei is boring to Bri. We all have different sides and opinions and most especially on how we view things, but still, I’m grateful for having them. Saka isa pa, wala naman sa amin ang mataas ang pride pagdating sa aming tatlo. Kung alam ng isa sa amin na siya ang mali, siya ang mag-aapologize at hindi naman tumatagal ang away namin. ‘Yun nga lang ay halos inaaraw-araw na nilang dalawa ang pagsasagutan at nagiging normal na lang ‘yun para sa’kin. Hindi pa naman sila dumadating sa point na sobrang lala ng pinagtalunan, good thing din kasi talaga na marunong mag compromise at i-admit ang mali. Napailing na lang ako at tinapos na ang lunch ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD